BTAP - CHAPTER 36

12.6K 490 181
                                    

CHAPTER 36: GRATUITOUS

Scarianna Eleanor's POV

Nandito na ako ngayon sa subdivision namin. Pinagbuksan na ako ng guard kaya mabilis akong nakapasok at nakapunta sa mansion namin, pero hindi ako doon dumiretso, sa bahay ako dumiretso. Ang dami kasing pasikot-sikot sa mansion kaya doon nalang ako sa bahay matutulog dahil maaga akong papasok bukas.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko dahil bigla itong tumunog, tinignan ko ang messages at nakita ko agad ang bungad na text ni ma'am.

From: My Bebe gorl
did you get home?
1 min. ago

Napangiti naman ako sa text niya. Ehe. Pinindot ko na 'yong text niya at nireplyan siya.

yes po, misis ko.

K.

K lang? ang dry mo naman po.

Would you stop adding "po"
or else, I'll block you.

Nakakunot na naman siguro ang noo nito ngayon, HAHAHA! cutie baby dinosaur.

Inienglish mo na naman ako,
dahil diyan, kiss moko dapat bukas.

👍

Grabe makalike. like mo na ba ako, ma'am?
Delivered.

ma'am?
send failed.

hala shookt. Blinock ako?

Agoi mode on na naman ako. Dahil diyan ay busangot akong pumasok ng bahay.

Nag-dial ako sa phone ko dahil kailangan ko talaga maging good mood bukas.

"Hello, ate Marites?" sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko. Si ate Marites ay isa sa mga helper namin sa mansion, close ko rin siya dahil madalas ko siyang kachikahan dito kapag break time niya sa paglilinis ng mansion. Tinawagan ko siya dahil kailangan ko siya ngayon tutal may tindahan naman sila.

["Ay hello, Senyorita Scarianna ikaw ba 'yan?"] sagot niya sa kabilang linya.

"'Di ba sabi ko po Scar nalang itawag mo sa'kin? Magtatampo na talaga ako niyan."

["Ay pasensya na, nasanay lang kasi ako eh, pero sige Scar. At ano palang kailangan mo ng ganitong oras, hija? kung chismis ang gusto mo, pwede namang ipagpabukas nalang."]

"Ay haha, hindi po, 'di ba po nagbebenta kayo ng sim cards?"

["Oo hija, kailangan mo ba ng bagong sim? marami ako rito."]

"Opo, pupunta po ako diyan, ah? Ilabas mo na po lahat ng sim cards, bibilihin ko na po lahat."

["Ha? Eh, napakarami nito, hija. Saan mo ba gagamitin?"]

"Project lang po sa PE."

["Ha? Sim cards? Project?"]

"Ang dami niyo naman pong tanong, eh. Sige na po, papunta na po ako diyan, byeee!"

Pinatay ko na ang linya at agad na pumunta sa motorcycle garage para maghanap ng gagamiting sasakyan.

Pinagpilian ko ang Ducati at Ecosse, at pinili ko nalang ang ducati dahil nasa harapan lang naman ito. Kinuha ko muna ang susi ng motor na 'to bago sumakay at sinimulan nang paandarin. Marunong akong magmotor, kung hindi ako marunong, walang motor sa subdivision na 'to. Dahil ako lang naman ang gumagamit nito.

Mabilis lang akong nakarating kay ate Marites dahil binilisan ko ring magpaandar ng motor kasi anong oras na rin, mag-aalas dose na.

"Ilan po 'yong sim cards niyo? bibilhin ko na po."

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon