BTAP - CHAPTER 64

11.4K 459 203
                                    

CHAPTER 64: YANVI?

Scarianna Eleanor's POV

Maingay.

Magulo.

Makalat.

Sabog.

Ganyan kami ngayong gabi. Dahil sa katarantaduhan na naman na dala ni Vecca, napainom niya kaming lahat. Sinabi niya na sa'min kung ano 'yong announcement niya.

Sila na daw ni ate Jen.

K po.

Hindi na ako nagulat doon. Medyo nalang. Pero 'yong dalawa, OA kung makareact. Akala mo ngayon lang nakakita ng may jowa eh 'no.

Kaunti palang ang nainom ko kaya masasabi kong hindi pa ako gaanong lasing dahil nasa matino pa akong pag-iisip. Pero 'yong mga kasama ko?

Hindi nalang ako magtatalk.

Lasing na lasing na sila, at hindi ko na alam ang gagawin ko, ipagdasasal ko nalang siguro ang sarili ko kay lord na sana bigyan niya ako ng marami pang pasensya para sa kanila.

"Sho... paano naging kayo ni Ma'am Jen, bakla?" Tanong ng lasing na lasing na si Jam. Medyo malayo sila sa'min pero rinig na rinig ang malakas niyang tanong.

"I courted her, and shinagot niya agad ako. Marupok eh, ha ha ha ha!" Tumatawang sagot ni ate Jen at pipikit-pikit na. Napa-aray pa siya sa biglang paghampas sa kanya ni Vecca.

"Tanggal angash niyang besht friend niyo sha 'kin. ha ha ha ha!" Dagdag ni ate Jen at muling humalakhak.

"Baliw!" Sigaw sa kaniya ni Vecca.

"Sha 'yo. Ha ha ha ha ha!" Banat ni ate Jen.

Baliw na nga.

Parang ako. Baliw sa kaniya.

Ehe-

HAHAHSHSHSHSHAHAHAHAHWEHSHABAHAAUEGEUAHAUAHAJA!

Akala ko nasa katinuan pa ako. Akala ko lang pala. Parang si Econ, akala niya mahal siya, pero hindi naman pala.

haha, desorb.

"Hey. Why are you smiling like that? What are you thinking?" Biglang tanong sa'kin ng magandang katabi ko at bahagyang pinagsalubong ang dalawa niyang kilay.

Lasing na rin siya at medyo sabog na. Hindi na 'to ang Vivian na masungit dahil kanina pa siya ngiti nang ngiti sa'kin. So, ganito pala 'to malasing.

Simula kasi nang tamaan siya, tawa na siya nang tawa. Nakikisabay siya sa tawanan at kalokohan nila Vecca kanina. Doon lang siguro talaga lumalabas ang tunay na expression niya kapag nalalasing.

Lasingin ko nga 'to palagi.

Joke.

"W-Wala ah." Patay malisyang sagot ko.

"Tss. Are you thinking of Antheia, huh?!" Ngayo'y nakakunot noo niya ng tanong at kahit siya ay hindi na rin masyadong maidilat ang mga mata niya.

Luh?

"Hindi 'no, bakit ko naman siya iisipin? Psh!" Mabilis kong sagot at napagalaw nang makita ko siyang muntik ng mapahiga sa lapag. "Tara nga dito bakit kasi nandyan ka sa lapag?"

"Kasi wala sa upuan." Pilosopong sagot niya at inirapan ako.

Nagbago na isip ko, ayaw ko na pala siyang malasing.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon