BTAP - CHAPTER 23

13.6K 521 92
                                    

CHAPTER 23 - SPECIAL PERFORMANCE
Scarianna Eleanor Anderson

Naging maganda ang gising ko kanina because I didn't receive any punches or slaps when I woke up. Nag-switch na naman kasi kami ng posisyon, ako na 'yong nakasandal sa kaniya nang gumising ako.

Grabe napahaba ang tulog ko, eh.

Nandito na kami ngayon sa Rizal at papunta kami sa isang seedling, hindi nakapasok ang bus dahil una sa lahat, hindi ito kasya kaya wala kaming magagawa kundi ang maglakad hanggang sa mapuntahan namin ang lugar kung saan kami mag s-stay.

Nakapasok na kami sa loob at nagsimula na kaming maglakad, it was very hot so I removed the hoodie I was wearing. Nasa likuran kami banda at may mga teachers sa unahan at mayroon din sa likod, isa sa nasa likod ay si ma'am Raven.

Hindi pa kami nakakapag-usap magmula nang lumabas kami sa bus dahil may kaniya-kaniya kaming ginagawa ngayon, it's so hot and I'm not in the mood to talk yet because I'm almost drenched in sweat, shet. Kahit sila Vecca ay hindi ko magawang kausapin. Mabilis talaga uminit ulo ko sa init. Kung gaano kainit ang panahon, gano'n din ang ulo ko.

May mga nadadaanan kaming mga bahay at kubo pero kaunti lang, tapos ang lalayo pa ng agwat. Medyo nakaramdam pa ako ng awa sa kanila kasi imagine, maglalakad ka pa ng ilang minuto bago ka makabili o makalabas, 'di ba? tiyaka, paano nalang kung may sakit ka? Grabe, ang hirap siguro mabuhay dito.

Nandito na kami ngayon sa napili naming pwesto, malawak siya at nahaharangan ng araw, napakahangin din, napakasarap sa pakiramdam. Marami kasing malalaking puno na nakakadagdag lakas sa hangin, mayroon rin pala ditong limang free  comfort room, mabuti naman.

Sana walang ahas na mag-welcome sa'min, hoho!

Nang makarating kami rito halos mahimatay na ang iba dahil sa pagod, nilagok agad nila 'yong tubig na dala nila, siyempre kasama ako doon, peste, nasa lagpas thirty minutes nga 'ata kami naglakad papunta dito.

We rested for a few minutes before we pitched the tent we were carrying. It was by group at mabuti nalang sila Vecca ang kagrupo ko.

It was also a few minutes passed before we built it, agad kaming sumalampak ng higa after we fixed it.

"Shettttt, kapagoooood!"

Napabangon kaming apat sa biglang nagsalita na si ma'am gamit ang mic, "Students, pay attention! I know we're tired right now. So, I'm giving you time to rest for a while. Just come out at 4:00 a.m. because we'll have something for all of you."

Halos lahat ay nagpasukan sa mga tent nila, except sa mga teachers—ay hindi, si ma'am Raven lang pala ang hindi pumasok dahil nagsipasukan rin ang ibang teachers at ako? Nasa labas rin dahil tapos naman na ako magpahinga at trip ko ang hangin dito sa labas kaya hindi muna ako pumasok.

"What are you doing here, Anderson? You're supposed to rest," Inangat ko naman bigla ang tingin ko sa nagsalita.

"And so you are, miss Raven." Pormal na sabi at ngumiti sa kaniya. Hindi ko pa trip mang-asar ngayon dahil pagod ako.

She rolled her eyes at looked at me with no emotion, "Go inside, and rest."

"Ayaw ko po muna, ma'am. Mas gusto ko dito sa labas."

"And you're disobeying your teacher's order now?"

"Sabi ko nga magpapahinga na. Bye, ma'am! pahinga ka rin po!" Wala na akong nagawa kundi tuluyang pumasok sa loob, napakabossy niya naman! Sinunod ko siya kasi siyempre teacher ko siya, eh.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon