CHAPTER 52: WITNESS FOR WHAT?
Scarianna Eleanor's POV
Uwian na namin at kaunti nalang kaming nasa classroom dahil nagsilabasan na ang iba, isa ako sa mga naiwan at kasalukuyang nag-aayos ng gamit. Naging madugo ang lesson namin kanina at mabuti nalang ay naintindihan ko dahil magaling naman magturo si Ma'am Zsavala.
"Kaantok 'yong lesson kanina," humihikab na sambit ni Jam.
"Kaya nga, pero okay lang, maganda naman 'yong nagturo kaya medyo nabuhayan ako," Natatawang saad ni Jay pero mahina lang dahil nasa loob pa si ma'am, nagchecheck pa 'ata ng quizzes namin kanina.
Mahina lang ang tawanan namin na may halong hampasan hanggang sa makalabas na kami, "Ma'am, uwi na po kami, bye po." Paalam ni Vecca kay Ma'am Zsavala sa labas ng pintuan, hindi pa siya nag-aangat ng tingin, pero tumango siya.
"Bye po, ma'am." Paalam ko. Nakakaisang hakbang palang ako nang biglang marinig ko ang isa sa mga nickname ko.
"Yanna?"
"Yanna? 'di ba isa 'yon sa nickname mo, Scar?" Takang tanong ni Jay at tumingin sa'kin.
"Oo nga, tinawag ka ni ma'am na Yanna?" Tumingin sa'kin si Vecca at tinitignan ako ng nanunuring tingin, "What's the meaning of this, huh?"
"Yanna? Are you still there?"
"Mamaya ko na kayo k'kwentuhan, tinatawag ako, bye." Hindi ko na sila hinantay magsalita at pumunta na 'ko kay ma'am.
"Bakit po?" Tanong ko kay Miss Zsavala nang tuluyan na akong makapasok sa loob.
"Would you help me bring back this calculators to my office? ang dami ko na kasing dala, pasensya na sa abala." Favorite 'ata talaga akong utusan ng mga teachers, 'no? ang dami ko kayang kaklase na pwede niyang utusan, hmp. Hindi tuloy agad ako makakapunta kay Vi, hays. Pero hayaan na, baka nahihirapan din talaga si ma'am at ako nalang ang pwede niyang utusan, marami pa namang time para magkita kami ni Vi.
"Okay lang po, tara po." I grabbed the two paper bags at pinauna na siyang lumabas. We didn't go to her office right away because the dean suddenly called her to go to his office, syempre sinama niya ako kaya naman natagalan kami. Nasa thirty minutes yata kami na nasa dean's office bago kami tuluyang nagtungo sa office niya. Medyo nagmamadali na rin ako kasi baka umalis na si Vi sa office niya.
"Thank you, Yanna." Nagpapasalamat na saad ni ma'am at nginitian niya ako.
"Walang anuman po, sige po mauna na po ako." I said politely at yumuko sa kaniya bilang paggalang.
"Alright, take care."
"Opo." Saktong pagkasado ko sa pintuan ni ma'am ay ang mabilis ko namang pagtakbo sa office niya. Bagsak ang balikad ko nang makitang nakalock na ang pintuan ng office ni Vi.
"Cous?" Inangat ko ang tingin ko sa pamilyar na tumawag sa'kin.
"Ate Jen?" Tawag ko sa nickname niya, "Nakita mo ba si V-I mean, si Ma'am Raven?" Dagdag na tanong ko.
"Kasama ko siya kanina pero saglit lang dahil umuwi na siya, hinatid siya ni Eric kasi naflat-an sya ng gulong. Anyway, hinahanap ka niya kanina, saan ka ba nagpunta?" Hindi ko alam kung saan ako magrereact. Sa hinatid siya ni Sir. Econ o sa hinanap niya ako?
"S-Sige, salamat ate." Hindi ko na siya tinanong kung bakit ako hinahanap ni Vi dahil baka isipin niyang interesado ako sa babaeng 'yon which is totoo naman. Hindi lang interesado, mas higit pa.
. . .
Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon para umalis, wala kasi akong magawa sa mansion so I thought I'd just visit to Aunt Veron's house first.
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...