CHAPTER 18: TAKING QUIZ
Scarianna Eleanor's POV
We're still here at the dining table at tahimik na kumakain. Grabe, ang bilis ko talaga matapos kapag ang tahimik kasi naka-focus lang talaga ako sa kinakain mga ko.
Katatapos ko lang kumain pero siya, hindi pa. Medyo maypagkamabagal siya kumain, siguro nilalasap niya pa 'yong lasa ng pagkain.
Nauuhaw na ako kaya naman ininom ko na 'yong gatas na ipinagtimpla sa'kin ni ma'am. Ang bait niya ngayon dahil ipinaghanda niya ako ng pagkain at iinumin. Pero kulang pa rin, nauuhaw pa rin ako.
Gusto ko ng tubig.
"Where are you going?" takang tanong niya matapos niya akong makitang tumayo.
"Kukuha lang ng tubig," sagot ko. Hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin dahil dire-diretso na akong pumunta sa kitchen nila. In fairness, hindi nakakaligaw dito, hehe!
Kumuha ako ng iinumin at kinuhaan ko na rin siya, baka mauhaw rin, eh.
"Ma'am, water." Sabi ko at inilapag ang baso ng tubig sa lamesa katabi ng coffee niya.
Ininom ko na ang dala kong tubig at muling umupo sa pwesto ko, hinahantay siyang matapos.
Hindi na niya ako pinapansin ulit talaga dahil sa pagkain ang focus niya. Fried rice, fried fish, hotdog and ham kasi ang breakfast namin ngayon. Natatagalan lang naman siya dahil maingat siyang kumakain ng isda, takot matinikan.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago siya natapos, nag away pa kami sa kadahilanang parehas naming gusto magligpit ng kinainan. Ang kulit niya kasi sabi ng ako na nga, eh. Sumuko nalang ako sa huli at ako nalang ang naglinis ng lamesa.
"Go, take a bath and wear this, this is the clothes I borrowed last time." Binigay niya sa'kin ang damit na suot niya no'ng nalasing siya at natulog sa bahay namin.
Sinunod ko naman siya at naligo na nga ako. Mahigit isang oras rin akong naligo, siyempre kasi nagc'concert muna ako bago talaga tuluyang maligo.
Sa banyo ko na isinuot ang mga damit ko. malawak naman ang CR nila at may lagayan sila ng damit.
"Ma'am, I'm done." Sabi ko nang makalabas ng CR. Tumingin ako sa kaniya at siya rin pala ay tapos na. Nakasuot siya ng light pink dress na may manggas, tapos may design na dark pink flowers sa gilid ng bewang niya, lagpas tuhod ito. Pinartner-an niya ito ng high heels. Nakalugay rin pala ang buhok niya at medyo curly ito sa baba. Ang make up niya ay light lang, hindi masyadong makapal kaya nangingibabaw ang simplicity ng suot niya ngayon.
Looks simple but so gorgeous and hot as hell.
"Done checking me out?" Nakataas niyang kilay, napakurap-kurap muna ako bago iniiwas ang tingin ko sa kaniya.
That was embarrassing! Nakakahiya ka, Scar!
"You look so beautiful, Ma'am." Sabi ko after kong matauhan sa ginawa ko kanina.
"I know," she agreed. She rolled her eyes then she flipped her hair first bago niya ako iwan ng nakatanga doon.
"I didn't expect that confidence," Wala sa sariling sambit ko at napatawa ng mahina.

BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceAt Shiniell University, a prestigious institution known for its academic excellence, Professor Vivian Madison stands as a pillar of discipline and intellect. Renowned for her strict demeanor and uncompromising academic standards, she is both respect...