“WHAT'S BETTER THAN A PROMISE?”
Scarianna Eleanor's POV
As the days flew past, tomorrow marks our anniversary. Yet, today, we're busy getting set for a trip to the beach. We're checking off our lists, making sure we've got all we need and figuring out what fun things we'll do once we hit the sand. It's all about gearing up for a day filled with love and laughter by the waves.
Napagdesisyunan namin na sa beach na lang ni Jam pumunta. Maganda rin naman ang beach nila doon at malawak. 'yon nga lang, kapag pupunta ka doon ay need mong sumakay ng helicopter. Private beach kasi 'yon at karamihan ay mayayaman lang ang nakakatuntong ro'n.
Ang pricey kasi ng mga gamit, hotels, at pagkain doon. Literal na titira ka sa gold at kakain ka sa platong gold hahaha!
Vecca's calling...
Napalingon ako sa phone ko na kanina pa natunog, kinuha ko ito at sinagot ang tawag.
"Oh, Nandyan na kayo, Veks?" Tanong ko sa tawag.
["On the way na, papunta na kami ni Jen sa inyo, sinundo na ako ni Jen, eh."]
"Okay, sige." Sabi ko at ipinatay na ang tawag.
Helicopter na lang kasi ang gagamitin namin tutal meron naman kami no'n, kumpleto kasi kami sa sasakyan. Business man/woman's thing. Bukod sa ginagamit sa business eh, mahilig rin mag travel ang family ko.
"Hon, Pau and Channel's here na." Sabi ni Vi at nagbatian kaming tatlo ng Good morning at tiyaka sila pinaupo muna sa couch.
Makalipas ng ilang minuto ay nambulabog na rin sila Vecca sa'min.
"Yo, tara na ba? Excited na akoo!" Halata nga kay Vecca na excited. "Teka, nasaan na ba sila Jam at Jay? Ang tagal naman ng mga 'yon." Dagdag na tanong niya at halatang nagtataka. Usually, maaaga 'yong mga kups na 'yon, eh.
"Wala pa, may kasama 'ata 'yong mga 'yon at pinagsusundo pa." Sabi ko habang inaayos 'yong buhok ko.
"Tao po." May isang pamilyar ang boses ang kumatok sa main door. Pinagbuksan iyon ni Vecca at gano'n na lang ang gulat namin dahil sa kasama niya.
"Oh-" Tinignan namin siya mula ulo hanggang paa at hindi talaga kami makapaniwala sa nakikita namin.
"Sir. Econ?!"
"Jam?!"
Napakibit balikat lang si Jam, habang nakangiti.
Eh?
"Eric's my boyfriend." Nakangiting sagot Jam at animo'y kinikilig. Inakbayan naman siya ni Sir at literal na nalaglag ang panga ko nang kumapit si Jam sa braso niya.
"Wow, paano nangyari 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Woah?"
"OMG!"
"Tama ka na accla, hahahaha! Walang forever, uy!" Gagong Vecca 'to, makasabi na walang forever, eh may asawa nga. Hindi ko pa 'ata nasasabi na bago kami ikasal ay ikinasal na rin sila. Nauna ang anniversary nila kaysa sa'min dahil last year pa ginanap 'yong wedding anniversary nila samantalang kami, ngayong taon lang.
Halos lahat kami ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Seryoso, paano naging sila?
"We met in Cebu when I was second year college, we become close until we found that we both in love... to each other." Maikling kwento no Jam dahilan para kiligin kami.

BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceAt Shiniell University, a prestigious institution known for its academic excellence, Professor Vivian Madison stands as a pillar of discipline and intellect. Renowned for her strict demeanor and uncompromising academic standards, she is both respect...