CHAPTER 53: OTHER SIDE
Scarianna Eleanor's POV
"A-Anderson, I can explain, please let's talk first." Ibang-iba siya ngayon, kaysa sa Vi na palagi kong nakakabardagulan.
Nangungusap ang kaniyang mga mata, malambot ang tingin niya sa'kin at para na siyang maiiyak. Dahil doon ay bigla akong nanlambot, pero mas malala ang sakit na nararamdaman ko ngayon nang maalala ko ulit ang nangyari sa loob kanina.
"Teka dad? sino pala ang papakasalan ni ate? si S-"
"Si kuya Ericson mo, sino pa ba? Are you expecting anyone else?"-
Shit, putangina.
"Eli..." Malambot ang boses na tawag niyang muli sa'kin. Tinignan ko lang siya. Hindi ako makapagsalita, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Masyado akong nasasaktan ngayon. Parang sinasaksak ng paulit-ulit 'tong puso ko.
Hinawakan niya ang kaliwang braso ko at tinignan ko lamang 'yon. Nakita niya ang pagtingin ko sa mga kamay niya na nasa braso ko kaya mabilis na inalis niya rin 'yon.
"S-Sorry." Napakagat siya sa labi niya at nag-iwas ng tingin.
Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita, "Explain, Get in." Tipid na salita ko at naglakad papunta sa passenger seat at pinagbuksan siya ng pinto. Sinundan niya naman ako at pumasok na nga siya sa ipinagbukas kong pinto para sa kaniya, matapos niyang makapasok ay pumasok na rin ako sa driver's seat.
"So, anong ibig sabihin ng nangyari kanina, what was fucking that?" Kalmado kong tanong sa kaniya at nakatingin lang sa harap at hawak ang manibela. Kahit na ang sakit-sakit na ng dibdib ko kailangan ko siyang pakinggan, I want to know the truth, even if it kills me.
"Okay, first of all, H-He's my fiancé-" Huminga siya ng malalim bago itinuloy ang sinasabi niya. Ewan ko kung bakit nang marinig ko 'yon ay nanindig ang mga balahibo ko sa paraan na masasaktan ako. "Pinagkasundo kami ni dad since we were teenagers, because dad promised Eric's parents that he would marry me, and I'll marry him too since Eric wanted me to be his wife."
"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ko, "So, matagal na pala? the fuck? Why did you hide it to me?" Dahil doon ay mas lalong sumakit ang dibdib ko. tangina?
"I...I didn't mean to keep it hidden from you, I thought matiti-"
I cut her off, "That's Bullshit. May fiancé kana pala tapos pumayag ka na magpaligaw sa'kin? Bakit? What's your intention, huh? to play with my feelings? to hurt me?" Napipiyok kong saad at hindi ko na mapigilang mapaiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko, tumingin akong muli sa harapan at pinunasan ang nagkalat na luha ko sa mukha ko.
"No, Eli... N-No... that was not my intention. I... P-Pumayag lang ako no'n, because I had no choice, I thought kaya ko rin siyang m-mahalin pabalik, and I th-" Tumigil siya sa pagsasalita, nabitin ako kaya napatingin akong muli sa kaniya, umiiyak na rin pala siya at kasalukuyan niya ng pinupunasan ang mga luha niya.
Shit.
"You thought what?"
"N-Nothing." Nagkasalubong ang tingin namin kaya sabay rin kaming nag-iwas ng tingin. Inayos ko ang sarili ko at seryoso siyang tinignan.
"Go back to your future husband. I gotta go. Pakisabi nalang kay tita na pasensya na." Pinilit kong hindi mautal or mapapiyok sa sinasabi ko dahil ayoko talagang ipakita na nanghihina na ako. Pero masyadong crack ang boses ko para hindi mahalata.
"Eli, I really didn't mean to hide it from you, I'm actually pl-" Ayokong maging marupok ngayon kaya pinigilan kong hindi siya tignan kasi alam kong manlalambot na naman ako kapag nakita ko ang malungkot niyang mukha.
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...