BTAP - CHAPTER 43

13.3K 480 257
                                    

CHAPTER 43: VISITORS

Scarianna Eleanor's POV

"Y-You're smi-smiling..." tanging bulalas ko at nakatulala pa ring nakatingin sa kaniya. Nakita ko kung paano siya nalungkot.

"Why? can't I smile?" nakanguso niyang tanong.

Naknampucha, nangangamoy bagong kahinaan 'tong cuteness niya.

Nanghihina ako.

She never smiled at me, she never looked that adorable at me, she never let me see this side of her, not until now.

Parang gusto ko tuloy araw-araw nalang siyang may sakit.

Joke, 'wag. Baka suntukin ko na 'yong lagnat niya kapag hindi pa siya umalis sa katawan ng baby ko-

Luh, si OA na naman.

"Hey, I'm asking you!"

"O-Of course, you can!"

"Okay," sabi niya at muling ngumiti ng matamis.

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa, jusko lord, sana hindi na 'to mataposssssss!!!!!!

Sana ganito siya araw-araw.

Pero baka hindi ko kayanin, baka maaga akong mamatay.

Nakakapanghina siya.

"Why are you still there? Come here!" Nandito pa kasi ako nakatayo sa malapit sa pintuan niya. Sinunod ko naman agad utos niya dahil ayoko ring sirain ang pagka-good mood niya ngayon.

"Higa na," mahinang utos ko. Nakaupo pa kasi siya at pinanood akong lumapit sa kaniya.

"Owwkeyyy." Nakangiti niya akong sinunod at humiga na nga siya. Napapikit nalang ako sa kung ano mang nararamdaman ko ngayon. Kinikilig ako at parang gusto kong magwala, magtatalon-talon o 'di kaya sumigaw. Kainis. God, hindi ko siya kinakaya ngayon!

Umupo lang ako sa gilid niya at pinanood siyang umayos ng higa, inayos ko ang kumot niya at ang mga buhok niyang natatakpan ang maganda niyang mukha.

"Anderson," tawag niya medyo namamaos niya ng boses, normal na siguro 'yon sa mga nilalagnat.

"Hmm?" Sagot ko at tumingin sa mga mata niyang halatang nanghihina.

"Accompany me to sleep or sleep with me." Natigilan ako at napakurap-kurap dahil sa sinabi niya.

A-Ano daw?

S-She really wants to sleep with me? Nananaginip na yata ako eh.

Please lang, ayokong umasa, hindi ito si ma'am, hindi ito ang Vivian ko, huhu.

"Ayaw mong matulog kasama ako? C'mon, we already slept together a lot of times, tapos ayaw mo pa ngayon? don't you like me anymore?" Ang alam ko isang beses lang naman kaming magkatabi natulog ah?

"Vi-"

"Anderson, I'm really sleepy, ano ba? Humiga ka naaaa!" Nauubusan niya ng pasensyang litanya. Kahit pala may sakit kailangan siya pa rin ang masusunod eh 'no? siyempre, dahil isa akong mabait na nilalang ay nag-aalinlangan ko nalang siyang sinunod, good luck sa kaniya bukas if ever na gumaling na siya at maalala niya 'tong pinaggagagawa niya sa'kin.

"Nakahiga na ako, magpahinga ka na."

"I'm already resting." Nakapikit niyang sagot. Bigla akong nanigas sa kinahihigaan ko at nanlalaki ang mata ko ng maramdaman siyang yumakap sa'kin at pilit niyang isinisiksik ang ulo niya sa balikat ko.

"Tumagilid ka nga, I can't sleep." Huh? anong connect? "Anderson, are you dea-okay, good."

Sinunod ko na siya bago pa niya masabi ang salitang "deaf" para makapagpahinga na rin siya, siyempre gusto ko rin naman 'yong pinapagawa niya sa'kin, sino ba ako para tumanggi? hehehe!

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon