CHAPTER 45: CHALLENGE ACCEPTED?
Scarianna Eleanor's
"Hoy, Scar? bakit nakaupo ka pa diyan? may balak ka bang tumira sa bahay ni ma'am?"
"A-Ah... HAHA! Oo nga 'no? bakit nga ba nakaupo pa ako? dapat tumayo na ako, hehe." Natatawang palusot ko at tumayo na nga.
"Tara!" Pag aaya nila sa'kin, tinanguan ko lang sila at habang inaayos nila ang sarili nila ay bumulong muna ako kay Vi.
"I'll be right back, wait for me..." Mabilis na bulong ko sa kaniya, isang irap lang ang natanggap ko galing sa kaniya samantalang ang isinukli ko sa kaniya ay isang matamis na ngiti at hinaluan ng pagkindat.
Ang sweet ko talaga, pwede na ba akong ipalit sa asukal?
No, I think I'm better than sugar.
Umalis na kami at kasalukuyan ng nakaparada ang kotse ko sa lugar kung saan kami naghiwalay ng daan, hindi ako dumiretso ng uwi sa halip ay hinantay ko silang tuluyang mawala sa paningin ko bago ko naisipang bumalik sa bahay nila Vi. Pero bago 'yon ay namili muna ako ng kung anong pwede kong kailanganin, at siyempre hindi doon mawawala ang pagkain.
Nang matapos kong mamili ay bumalik na ulit ako sa bahay nila Vi. Alas onse na pala nang makita ko ang oras sa wrist watch ko. Mag iisang oras rin pala akong naghintay doon kasabay ng pamimili.
Hindi nakalock ang pinto kaya hindi na ako kumatok, pagpasok ko ay bumungad sa'kin ang nakapoker-face na ekspresyon ni Vi.
"What took you so long?" Kalmado niyang tanong at kasalukuyan ng umiinom ng kape.
"Hinantay ko pa silang makalayo at bumili ako ng merienda, hehe." Sagot ko sa kaniya at ipinakita sa kaniya ang supot na binili ko.
"What's that?" Tinanggal ko sa plastik ang dala ko ay inilagay ko 'to sa lamesa.
"S-Strawberry cupcakes? How do you know this is my favorite cupcake, huh?" Nakataas ang kilay niyang tanong at agad na kumain ng nilagay ko sa mini table.
"Instinct." Obvious naman na favorite niya ang mga pagkain na may flavor na strawberries. Dahil bukod sa masarap ito ay color pink din ang kulay nito. hahahahahaha!
Matapos niyang kumain at uminom ng kape ay iniligpit ko muna ang mga kalat niya. Grabe, ang galing, nagiging masipag ako maglinis pagdating sa kaniya, samantalang noon, tignan ko palang 'yong kalat magrereklamo na ako, kahit ako naman ang nagkalat no'n.
Hinugasan ko na rin ang plato at baso na ginamit niya, saglit lang naman 'yon pero nang makabalik ako ay mahimbing na siyang natutulog. Siguro dahil na rin sa pagod at stress na binigay sa kaniya ni Sir. charot!
Hindi ko na siya ginising, maingat ko nalang siyang binuhat at inakyat para dalhin papunta sa kwarto niya. Maayos ko naman siyang naidala doon at inihiga na sa kama niya, kinumutan ko siya ng hanggang sa leeg niya at tinanggal ko ang suot niyang tsinelas.
Nagdalawang isip ako kung matutulog ba ako dito o hindi, pero pinili ko nalang umuwi dahil may gagawin pa pala ako bukas. Bago ako umuwi ay pumunit ako ng isang papel at nagsulat doon, matapos kong sulatin 'yon ay inipit ko 'yon sa notebook na kinuhaan ko ng papel at sinadya kong hindi ito masyadong isiksik sa loob para malaman niyang hindi ko 'to nilagay dito sa mini table para sa wala.
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...