BTAP - CHAPTER 37

12.3K 470 72
                                    

CHAPTER 37: CAUGHT BY A FRIEND

Scarianna Eleanor's POV

"Wow, sana all may nagbabati ng good morning sa umaga at may pa baby pa. When kaya?" Sabi ng babaeng nakadekwatrong nakaupo sa couch ni Ma'am Raven at ngumunguya ng sa tingin ko ay bubble gum. She was wearing a plain black sando, black na denim jacket at fitted black pants na may kaunting butas-butas, tapos pinartner-an ng black ankle boots, basta black siya lahat except sa buhok niyang may touch ng violet, black pa rin naman siya kaso may kaunting violet na nakalagay, nakalugay kasi ang buhok niya at nakalagay ito sa harapan kaya kitang-kita ang violet nitong kulay, Sa tingin ko ay kaedaran niya lang si ma'am.

Siguro hindi niya favorite ang black.

Nakaramdam tuloy ako bigla ng hiya nang biglang tinignan niya akong ng nakakalokong tingin. Bakit kasi hindi ni ma'am sinabi na may kasama pala siya dito?

Sabagay, hindi ko rin siya masisisi, hindi rin naman ako nagtanong.

"Hey, Who are you little girl? Do you like my Madi?" Nakangising tanong ng babae sa'kin, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na tila inaaral niya ang kabuuan ko, lalo tuloy akong nahiya, parang gusto ko ng umalis agad.

Grabe naman 'tong babaeng 'to makatanong, sino ba 'to? huhu. Kaibigan niya ba 'to? amiga? pinsan? kumare? kamarites?

Naputol ang gumugulo sa isip ko nang tumayo 'yong babae at pumunta sa harap ko, "Hey, don't be shy at me, ako lang 'to," sabi niya at tinap ang balikat ko.

"Roxiette Avegayle, stop it. Bumalik ka na muna sa office mo," tingin ko ay nagsasaway na saad ni ma'am. So, Roxiette Avegayle pala ang pangalan niya.

In fairness, ang ganda ng name.

"I was just asking her lang naman, Madi." Nakangisi pa ring sabi no'ng Roxiette at muling bumaling ang tingin niya sa'kin, lumapit pa siya kaunti sa'kin at nanigas ako sa kinatatayuan at nanlalaki ang mata nang inilapit niya ang mukha niya at bigla ko nalang naramdaman ang hininga niya sa bandang tainga ko, "Hey little girl, I think wala ka ng pag-asa sa kaniya, may like na 'yang iba eh, pero kung makakaya pa sa dasal, pray for yourself nalang na sana ikaw ang piliin niya." Bulong niya sa'kin at tinignan niya ako ng malungkot na tingin.

Nagbibiro lang siya, right? Nagkabit-balikat lang ako at binalewala ang sinabi niya, masyado akong good mood ngayon para biglang magdrama, hindi kalungkutan ang schedule ko ngayon.

"Roxiette, ano ba? I said, get out. Go back to your office!" Medyo sumigaw na si ma'am dito habang hinihila ako palayo kay Roxiette.

"Okay, bye~" pakanta niyang paalam, at tuluyan ng lumabas ng office ni ma'am, pinanood lang namin siyang makalabas at dahan-dahang isinarado ang pinto. Pero bago 'yon ay kumaway-kaway muna siya, si ma'am naman at tinaasan lang siya ng kilay.

"Anong sinabi niya sa'yo?" Agad na tanong ni ma'am sa'kin nang tuluyan nang mawala sa paningin namin si Roxiette.

"Wala naman, sabi niya ang ganda mo daw," pagsisinungaling ko.

"You can't fool me, Anderson."

"Iyon nga ang sinabi niya," pagpupumilit ko at nginitian siya. "Anyway, I brought you breakfast. Kain ka na." Dagdag ko at isa-isang binuksan ang tinake-out kong pagkain para sa kaniya.

"I'm not hungry," tugon niya at umirap. Kay aga-aga nagsusungit ang bebe na 'yan.

"Gutom ka man o hindi ang mahalaga may laman ang tiyan mo, para malakas ka kapag magtuturo ka mamaya. College students pa naman ang tuturuan mo mamaya, mas nakakastress 'yon kaysa sa'ming mga senior high students." Nabanggit kasi sa'kin nila Vecca no'n na may tinuturuan rin pala si ma'am na college students pero dito lang rin sa campus.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon