BTAP - CHAPTER 56

13.4K 558 514
                                    

CHAPTER 56: IT'S TIME TO KNOW?

Scarianna Eleanor's POV

Napainom ko na si Vivian ng gamot at hindi ko na naman kinakaya ang pinaggagagawa niya sa'kin.

Napaka-clingy niya, shet!

Simula nang makapasok ako sa loob ng kwarto niya ay hindi niya na ako linubayan.

Nandito kami nakaupo sa kama niya, nanonood ng Netflix. Simula nang makaupo kami dito ay hindi na ako nakaalis dahil nakakulong ako sa kanya, dahil hawak ng dalawang kamay niya ang kaliwang braso ko at nakasandal pa ang ulo niya sa balikat ko.

Tinatanong ko siya kung may kailangan ba siya like foods pero iling lang siya nang iling at focus na focus siya sa panonood sa Netflix. Hanggang sa inabot nalang kami ng gabi ay nandito pa rin kami nakaupo at nanonood, nakailang episode na kami pero wala lang 'ata sa kaniya ang pananakit ng ulo niya, ayaw niya kasi talagang matulog.

"Gusto mo bang bumaba para uminom ng gamot? or kukunin ko nalang at dadalhin dito pati dinner mo?" sabi ko sa kaniya sa kalagitnaan ng panonood namin.

"Nah, let's go downstairs together." Malambing niyang saad at kahit tumayo ako ay nakadikit pa rin siya sa'kin. Bale, sinabayan niya ako tumayo at nakapulupot pa rin ang kamay niya sa braso ko.

Shet.

Bumaba na kaming pareho at gano'n pa rin ang lagay namin, hindi niya talaga ako nilulubayan. Oo, gusto ko naman, halos mamatay na nga ako sa kilig, eh.

ahihihihihihihihihi!

"SUPRIS- AY? MAY PA GANYAN SI MA'AM?!" Kaming dalawa ni Vivian ay halos lumabas na ang eyeballs sa gulat dahil sa biglang panggugulat no'ng tatlo sa harap namin. Muntik pa ngang matumba si Vivian, mabuti nalang at mabilis ko siyang naagapan.

"Lah? sana all?"

"Hala, eh?"

"Potek? Anong ginagawa niyo dito?" Kunot-noong tanong ko sa kanila habang dahan-dahan kaming naglalakad papuntang living room.

"Balita namin nandito ka daw eh, edi gumaya kami." Natatawang sagot ni Vecca. Sinubukang lumayo sa'kin ni Vivian pero pinigilan rin siya nila at sinabi na may alam sila kaya bumalik na naman sa pagiging clingy si Vi. Hindi na talaga siya tumigil.

Bago kami umupo ay pinagkokotongan ko 'yong tatlo dahil sa panggugulat nila sa'min kanina, muntik na akong atakihin doon for heaven's sake. Isa pa 'tong si ate Jen, galing lang pala siya ng CR at kung makatingin siya sa'min ay akala mo baliw eh, paano kasi, nang-aasar siya. Well, hindi naman nakakaasar, medyo lang.

Umupo na kami sa long couch at katabi ko si Vivian, nakasandal lang siya dibdib ko at nakayakap sa'kin, napaka-clingy niya talaga. Kahit nandito 'yong mga kasama ko ay hindi na siya nahiya which is wala naman talagang nakakahiya dahil nga sa sinabi ni Vecca na alam na nila na may gusto nga ako kay Vi.

Pero ang tanong, gusto ba ako?

Alam na rin nilang niligawan ko siya dahil nagkwentuhan kami kanina habang naghihintay ng oras para mag-dinner. Ako na ang nagkwento at hinayaan ko nalang munang umidlip si Vi sa'kin.

"Grabe Scar, lakas mo ah? niligawan mo pala 'tong adviser natin? teluk mo naman!" litanya ni Vecca.

"Teluk? Anong teluk?" Takang tanong ko kay Vecca. Minsan talaga kung ano-ano nalang pinagsasabi nitong kaibigan ko eh.

"Oo nga," Dagdag ni Jam.

"Ay hehe, narinig ko lang 'yan sa tabi-tabi eh, cool kasi eh, teluk hehe-aray!" sinipa ko siya.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon