CHAPTER 74: EXTRA SPECIAL PARTY
Scarianna Eleanor's POV
"Eli..." Mahinang tawag niya sa'kin. Nangungusap ang mga mata niya at ang labi niya ay medyo nanginginig.
Naluluha akong tumingin sa kaniya, "I-Is this the things that you wanted to f-fix?" Sa sobrang panghihina ko ay nasabi ko 'yon habang nanginginig ang buong katawan ko.
"Love..." This is the first time she called me that dahilan para saglit na manlaki ang mata ko at mas naging doble ang pagtibok ng puso ko. "Yes, but the event is still ongoing, why did you leave?" Dagdag niya at gano'n na lang ang pag-aalala niya ng makita niyang may tumulong luha na galing sa mga mata ko.
"Eli, but why are you crying?" Boses nag-aalala na siya ngayon dahil ramdam na ramdam ko at sinubukan niya pang lumapit sa'kin pero pinigilan siya no'ng tatlo.
"Don't you dare get close to our friend." Mahina pero halatang galit na pagharang ni Vecca kay Vi sa pamamagitan ng pagpapagitna niya sa sarili niya sa'min.
"Why?!" Parang naguguluhang tanong ni Vi.
"Are you serious?! After what you did, you still have the courage to approach her?!" Medyo mataray ng usal ni Vecca.
"Huh?" Nakakunot na siya ng noo ngayon, "What the heck are you saying, Miss De Macoolangan?"
"Ano nga bang sinasabi ko, Miss Raven? Huwag ka ng magmaang-maangan!" Pabalik na tanong ni Vecca, halatang pinapairal na naman niya ang katarayan niya. Pero kung by level ang katarayan, pwede ng mag back out si Vecca dahil tiyak ako na mas mataray si Vi kaysa sa kaniya. Hindi lang siguro nilalabas ni Vi kasi kaibigan ko siy—"SWEETIEEEEEEEE!"
"Huh?!"
Lahat kami ay napalingon sa taong energetic kung tumawag at bumungad sa mga mata namin ang hyper na naglalakad na si ate Jen.
"Sweetieee?" Tawag niya ulit sa girlfriend niya na si Vecca.
"Oh?" Walang kwenta na sagot ni Vecca sa kaniya. Wow, cold person? Hindi ko maiwasang lihim na matawa dahil kay Vecca. Hindi siya ganyan, I swear.
"Why so sungit naman po? What happened? Tapos na ba ang palabas? Sorry, I'm late ha, may inasikaso pa kasi ako kanina." Sunod-sunod na salita ni ate Jen habang inaayos ang sarili niya at papalakad palapit sa gawi namin.
Teka, bakit parang wala siyang alam sa nangyayari? Hindi niya ba gets kung anong meron ngayon?
"Jen, it looks like Vecca doesn't know about this event. Have you not communicated the details to her?" Singit bigla ng nakacross-arms na si Vi sa magjowang nag-uusap.
"Huh-" sa una ay naguluhan siya pero bigla nalang nanlaki ang mata niya dahil parang may narealize siya. Nasa kaniya na ang attensyon namin ngayon.
"Ay shoot! Oo nga pala, nakalimutan ko! I forgot to tell you about it, sweetie!" Napatampal pa siya sa noo niya dahil sa nakalimutan niyang sabihin? "Tara dito baby, may sasabihin pala ako sa'yong importante!" Mabilis na hinila ni ate Jen papalayo si Vecca samantalang, napatampal din sa noo si Vi at mukhang nastress sa sinabi ni ate Jen.
Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan.
"Eli," tawag niya sa'kin na agad kong ikinalingon sa kaniya.

BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceAt Shiniell University, a prestigious institution known for its academic excellence, Professor Vivian Madison stands as a pillar of discipline and intellect. Renowned for her strict demeanor and uncompromising academic standards, she is both respect...