CHAPTER 34: SERENADE
Scarianna Eleanor's POV
"What are you waiting for? Go, start to clean now!" Kunot noo niyang utos. Nakanganga lang kasi ako at nakatingin sa mga ipapalinis niya.
Seryoso? maglilinis ako?
Inilibot ko muli ang paningin ko at automatic na nalaglag ang panga ko nang makita na wala ni kaunting alikabok at kalat akong nakikita. So, anong gusto niyang palabasin? Pakintabin ko 'tong office niya?
"Kalat reveal," tanging bulalas ko pero mahina lang 'yon. Inangatan niya ako ng tingin at pinagtaasan ng kilay.
"Are you saying something?" Mataray na tanong niya.
"Ha? May naririnig ka po bang hindi ko naririnig?" Pananakot ko sa kaniya, pero mukhang hindi tumalab dahil tinignan niya lang ako ng walang emosyon, hindi siya masaya sa sinabi ko at hindi rin malungkot. Parang both?
"Will you remove the word "po" from your sentence? I'm well aware that you have no respect in me. Huwag ka ng plastik," iritableng sabi niya at inirapan ako. Hala, nang aasar lang naman ako no'n, eh.
"Anong wala? Meron po kaya!" Sabi ko ng may bahid nang pang-aasar dahil sinadya kong diinan ang salitang "po".
Tumingin ito sa'kin ng masama, "Could you please just do what I say?"
"Sabihin mo po muna, please master." Nakangisi kong pang-aasar.
"Tigilan mo ako, you're not funny." Seryoso niya ng saway.
"Gusto mo bang pasayahin kita, ma'am?"
"Ow, really? How?" Sarkastikado niyang tanong.
"Lapit ka dito ma'am," birong utos ko sa kaniya at inalis ang hawak kong ibinigay niya kanina.
"Anderson, stop your nonsense. Perhaps you've forgotten why you're here? makakarating kay dean itong pinaggagagawa mo sa'kin kapag hindi ka pa nagtino diyan," seryoso niyang litanya.
"Grabe ka naman po, maam. Binibiro ka lang po, eh."
"Anderson, please." Mukhang naiistress na siya sa kakulitan ko, tinawanan ko lang siya at nagpanggap ng naglilinis kahit wala naman talaga akong nililinis, parang tanga lang.
Okay na 'to, akala ko nga papahirapan ako like, papasquat-in gano'n na may nakapatong na nagkakapalang mga libro para sulit ang pangangalay.
Nang matapos na ako sa paglilinis kuno, ewan ko ba kung naglinis ba ako or naglaro lang, pumunta na agad ako sa upuan sa harap niya para umupo. Nakakapagod din kayang magpanggap na naglilinis.
Pumalumbaba akong nakaharap sa kaniya at pinanood siyang nagtytype sa loptop niya.
"Ma'am," mahinang tawag ko sa kaniya.
"What?" Sagot niya, pero sa loptop pa rin ang tingin.
"Ang ganda mo," nakangiting puri ko at tumingin naman siya sa'kin ng nakakunot ang noo.
"Bolera."
"Ma'am," tawag ko ulit.
"What again?!" Medyo iritable niya ng sagot.
"May boyfriend ka na?" Tanong ko at nanatiling nakapalumbaba, naghihintay ng sagot niya.
"Sana tinanong mo ako niyan before you kissed me before." Walang pagdadalawang isip na sagot niya at bumalik ang tingin sa loptop niya. Namula naman ako bigla sa sagot na narinig ko. Isang buwan na rin yata ang nakalipas nang halikan ko siya, mas lalo akong nakaramdam ng init dahil natatandaan ko pa ang lasa ng labi niya.
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...