BTAP - CHAPTER 31

13.2K 470 173
                                    

CHAPTER 31: HARANA

Scarianna Eleanor's POV

Nandito na kami ngayon sa tent nila Ma'am Raven. Actually, kakarating lang namin. Hilong-hilo ako nang makapunta ako dito, pero hindi ko ipinahalata. Muntik pa nga akong mapatid, buti naiwasan ko.

Sinilip ko sina Vecca kanina, lasing na rin ang mga gaga, ang iingay nila doon. Mukha silang nakawalang mga gorillas.

"So, anong pag uusapan natin, beh?" Tanong ko, pagbabasak sa sandaling katahimikan matapos umupo sa harap niya.

"Beh? What the fuck?" Salubong ang kilay niyang tanong, napatampal naman ako bigla sa noo ko.

Ay, teacher ko nga pala 'tong kausap ko.

"I mean ma'am pala, anong pag uusapan po natin?"

"Why did you drink that red horse?" Tanong niya.

Akala ko pa naman future na namin ang pag uusapan, red horse lang pala.

Charot.

"A-Akala ko nga kasi juice 'yon." kamot-batok kong sagot at naalala na naman ang nangyari. Bigla tuloy akong nairita.

"So, Miss Raven, here's my question. Do you like Mr. Econ?"

"Yes."

Ampota.

"Why are you frowning?" Biglang tanong niya para matigil 'yong iniisip ko.

"True ba ma'am? Gusto mo si Sir?" tanong ko pabalik. Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.

"Yes, as a friend." Kalmadong sagot niya at napalitan ang kunot-noo niya ng ngisi, "Did you think that I like him in a romantic way that's why you drank it?"

Oo, gusto ko siyang ngumiti, pero hindi sa ganitong dahilan.

"Eh..." Wala na akong maisip na sagot, "Ma'am anong pabango niyo? Bakit ang bango mo?" Mabilis akong tumabi sa kaniya at inamoy-amoy ko siya. Umaalingasaw rin ang pabango niya sa loob.

Hmm, ang bango.

"Pervert! Lumayo ka sa'kin!" Tinulak niya ako bigla. hindi niya ako napatumba dahil medyo nakainom na rin siya kaya mahina na rin ang pwersa niya.

"Ha? Anong pervert ka diyan? Inamoy ka lang, eh. Ang bango mo kasi, Pabango reveal naman diyan!" biro ko at humalakhak.

"Crazy, no doubt that you're drunk."

"Baliw sa'yooo." May bahid ng pang-aakit na bulong ko sa kaniya.

"Edi wow," mas lalo tuloy akong natawa sa sinabi niya.

"Ay, nagsasabi ka pala ng ganyang words, ma'am?" Natatawang tanong ko at muling pumunta sa harapan niya.

"Ay, hindi." Pamimilosopo niya at inirapan ako.

"Tama 'yan, magtagalog ka lang kapag kausap ako. 'cause you know? My nose is menstruation when you spokening dollars?"

"What the hell are you saying?" Nakataas ang kilay niyang tanong, hindi 'ata naintindihan ang biro ko.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon