BTAP - CHAPTER 47

12.7K 535 199
                                    

CHAPTER 47: HANGOUT WITH FRIENDS?

Scarianna Eleanor's POV

"Did I tell you to sit?! Get up!" Inis niyang singhal sa'kin nang makaupo ako.

"Pfft. Bakit ka sumisigaw? Uupo lang eh." Nakaupo pa rin ako, hindi ako tumayo eh, pagod talaga ako.

"Tumayo ka, at umuwi ka na." Nagbago ang tono ng pananalita niya, napalitan ito ng mahina at malamig na tono.

"Luh, bakit ang cold mo? Inaano kita?" Natatawa kong tanong.

"Your friend must be waiting outside, kaya umuwi ka na." May diing sambit niya, umupo siya sa swivel chair niya at binuksan ang laptop niya.

"Ang init ng ulo mo, pero ang lamig mo, ano ka na niyan?"

"Don't talk to me in that way, we're still at school, Anderson."

"Stop spokening dollars, my nose is menstruation. Gusto mo talaga ng kiss 'no kaya ka panay english diyan?" Biro ko at tumayo papunta malapit sa kaniya.

"Asa. Ililipat mo pa sa'kin 'yang kagustuhan mo." Natawa naman ako sa sinabi niya, siya naman ay inirapan ako. Well, totoo naman siya, pero malay ko ba, mamaya nang-eechos lang pala siyang ayaw niya, pero gusto rin talaga.

"Oo, gusto ko, papayagan mo ba ako?" Prangkang tanong ko.

"Tsh, ang dami mong alam." Sabi niya nang hindi lumilingon sa'kin.

"Gano'n talaga kapag matalino."

"Lol. Umuwi ka na!"

"Psh, tinataboy mo na ako ah. Sige na, uuwi na ako." Nagpapanggap na malungkot kong saad at sumimangot.

"Go!"

"Sige na bye bye!" May binabalak akong kalokohan kaya binuksan ko muna ang pinto. Alam ko kasing hahampasin niya ako gamit ng mahahawakan niya eh, kaya kailangan kong buksan ang pinto para mabilis akong makatakas.

"Lock the door-" Nang mabukas ko na ang pinto ay bumalik ako sa kaniya, "Why did you co-" Hindi ko na siya pinatapos dahil bigla ko nalang siyang hinalikan sa pisngi sabay takbo papalabas. Narinig ko pa ang pagsigaw niya sa pangalan ko bago ako tuluyang makalayo.

"ANDERSON, YOU THIEF!"

Hays, nakiss and run ko siya doon ah?

BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHA!

. . .

Takang-taka si Pauline kahapon dahil sa ginawa ko, nakalimutan kong may kasama nga pala ako, mabuti nalang ay hindi niya nakita 'yong ginawa ko dahil medyo nasa malayo siya banda. Sinabihan niya pa ako ng ibalik ko daw kung ano 'yong ninakaw ko hahahahaha! tawang-tawa talaga ako habang nag d-drive ako pauwi.

Linggo na ngayon at naisipan naming mag-hangout ng mga kaibigan ko since wala naman kaming tambak na homeworks, hindi kasi kami nakapag-hangout kahapon dahil napagod na rin ako no'n at dinapuan na rin ako ng katamaran kaya hindi na kami natuloy.

Mamaya pa ako aalis dahil nandito pa ako sa bahay at kasalukuyang bubuksan ang Messenger para lang mang-asar sa abunjing my loves ko.

Bago ko siya I-chat ay napansin kong nagpalit siya ng profile picture, kaya naman viniew ko muna 'yong profile niya at hineart react ito.

Vivian Madison Raven updated her profile picture.
56 m • 🌍
?🖤

 56 m • 🌍?🖤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon