BTAP - CHAPTER 35

13.1K 498 98
                                    

CHAPTER 35: AGREEMENT

Scarianna Eleanor's POV

"For you, ma'am."

Nakangiting abot ko sa kaniya ng dala kong rosas at mga strawberries.

"How do you know this is my favorite?" Seryoso niyang tanong at kinuha ang inabot ko sa kaniya. Nakarecover na rin siya sa wakas. "And seriously? Pumunta ka rito nang nakapantulog ka?" Hindi makapaniwalang dagdag niya at nakataas ang kilay niyang tanong. Tinignan ko ang sarili ko. Yeah right, nakapantulog pa pala ako. Nagmadali na kasi akong umalis kanina kaya hindi na ako nagpalit.

"So what? Manliligaw naman ako, hindi mamamasyal 'no," balewalang sabi ko sa tanong niya.

"You're crazy."

"For you only, baby." Agad na banat ko at kinindatan siya. Makapal ang mukhang dumiretso ako papasok sa condo niya.

Like her office and her room sa bahay nila, it's also clean and organized, at hindi talaga nawawala ang dinosaurs na design niya pati ang paborito niyang kulay pink. Her sense of style is wonderfully cute talaga.

"Did I allow you to get inside?!" Ungot niya nang makapasok ako.

"Ikaw nga pinapasok ko sa mansion, nagreklamo ba ako?" Char po!

"For your information, you're the one who brought me there, hindi ako-" Naputol ang sasabihin niya nang lapitan ko siya ng nakangisi. She lost her balance in her position at dahil sa gulat ay muntik na siyang makahuli ng isda sa sahig. Fortunately, my hands grasped her and I gently pulled her back.

"See? When you fall for me, I'm always ready to catch you." Banat ko na naman at nagpakawala ng mapaglarong ngiti. She slightly averted her gazes at me at umayos ng tayo, itinulak pa nga ako ng mahina eh.

"G-Go home, it's already late." Pagbabalewala niya sa sinabi ko.

Naglakad ako papalapit sa kaniya ng may ngiti sa labi, "Pumayag ka munang magpaligaw."

"Anderson, isa! Gusto mo bang matamaan ulit sa'kin?"

"Basta ba pagmamahal mo ang ibabato mo, payag ako."

"Where do you get that confidence, huh?" Tanong niya at tinarayan ako.

"Kusang lumalabas sa bibig ko 'to eh." Simpleng sagot ko at naupo sa couch, nandito na kasi kami ngayon sa sala.

"Dami mong alam."

"Gano'n talaga kapag pinanganak na matalino mwehehehe!"

"Go home," Nakapamewang niyang sabi sa harap ko at nakatayo pa rin.

"Hindi ako uuwi hangga't hindi ka pumapayag na magpaligaw," biro ko at nagpanggap na seryoso, pero uuwi naman na talaga ako maya-maya. Papahinga lang, eh.

I sat in an indian seat, and after she heard what I said, I noticed her scratching her brow.

"Kaya kong matulog dito ma'am, mapasagot kalang ngayong gabi," ako ulit ang nagsalita. "Tignan mo, oh? Ready to sleep na nga ako eh, hehe." Dagdag ko at tinignan ang sarili. I saw her rolling her eyes at me at pinaningkitan ako ng tingin.

"You're really so stubborn. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo."

"Sige na kasi, papayag na 'yan, sige na kasi my abunjing-abunjing." Kunwaring pagpupumilit ko and I pouted. Trying to be cute 'yarn? siguro mukha na akong tanga sa pinaggagagawa ko ngayon at pinagtatawanan na ako panigurado ng mga kaibigan ko kung pinapanood nila ako ngayon, pero hindi naman kaya okay lang magmukhang tanga sa harap niya.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon