BTAP - CHAPTER 21

13.7K 474 66
                                    

CHAPTER 21: PRACTICE

Scarianna Eleanor's POV

"Ma'am Raven!"

Tawag ko sa kaniya at kumaway-kaway pa matapos ko siyang makita sa parking lot. Parehas pala kaming maaga pumunta.

Nakita ko namang tumingin siya sa'kin at inirapan niya ako. Sungit.

"You're early, huh?"

"Siyempre naman po, ma'am!" Masiglang sabi ko. Excited na talaga ako ngayon, ewan ko rin kung bakit. Hahahaha-

Kahit na blinock niya ako kahapon sa Messenger!

"Tss."

Tinalikuran niya na ako at naglakad na siya paalis, ako naman ay sinundan ko naman siya papunta sa music room.

"Ma'am, Ikaw kakanta 'di ba? Mag d-drums ako," Casual na salita ko.

"Nope. We're not going to use drums, we will both sing."

"HA?!" Halos lumabas na ang eyeballs ko sa gulat. No the hell way! 'di ako kakanta!

"Ma'am ayaw ko, hindi po ako magaling kumanta—"

'di naman talaga ako magaling, eh. Marunong lang.

"You'll gonna sing or I'll fail you?"

Lumukot naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Aba-aba, nag t'take ng advantage sa pagiging teacher, ah? Sakit niya naman.

"Choose!" biglang sigaw niya, napatalon naman ako bigla doon sa gulat. Siguro kung may sakit lang ako sa puso, inatake na ako.

Ang ikli naman ng pasensya nito. Jusko! Pray for me.

"S-Sabi ko nga ma'am kakanta po ako," utal-utal kong untag.

Tinawag niya naman ako papuntang stage at sumunod naman ako sa kaniya.

"Anong kakantahin natin, ma'am?" Tanong ko nang makapunta ako ng stage.

"I choose by Alessia Cara," diretsong sagot niya.

"Hala, ang taas no'n ma'am, ah?" Grabe naman si ma'am manggulat. Ginulat na nga akong kakanta, pati ba sa kakantahin?

"Don't worry, I'll take the high notes."

Napangiti naman ako dahil doon. I never heard her sing at excited na ako para mamaya.

Ilang sandali pa ay nagsidatingan na rin ang iba naming kasama, kaya hindi rin nagtagal ay nagsimula na kaming mag practice.

For now, inaaral muna nila 'yong kanta gamit ang instruments kaya nandito muna kami ni ma'am nasa upuan ng mga audience.

"Ma'am, actually hindi po makapal ang mukha ko kapag maraming tao ang nanonood sa'kin, baka mapahiya lang tayo do'n." Gosh, may anxiety kaya ako, tapos kapag napahiya ako baka mamatay na ako kaka-overthink, huhu.

Patalikudin ko nalang muna kaya sila habang nagpeperform kami?

"Really?" She raised her left eyebrow, and her tone was obviously sarcastic. "Not obvious," Dagdag niya.

I mentally rolled my eyes at her. Minsan talaga feeling ko may sama ng loob 'to sa'kin, eh. Or siguro inborn na siyang ganyan, 'di yata tumalab sa mommy niya ang prutas para paglihian.

"Ma'am grabe ka na sa'kin, ang sama mo po talaga," Mahinang sabi ko sa kaniya at nag make-face pa.

Nangunot naman ang noo niya, "Are you saying something, Anderson?"

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon