BTAP - CHAPTER 40

17.9K 536 165
                                        

CHAPTER 40: SHE'S THE BOSS

Scarianna Eleanor's POV

"Ouch!" rinig kong daing niya matapos ko siyang makitang lumagapak sa sahig.

Haha nadapa, ayan deserve-

Charot!

"Vi!" Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya at tinulungan siyang makatayo.

"Ayan, sige, takbo ka pa ha." Pang-aasar ko sa kaniya habang tinutulungan siyang tumayo.

"I hate yo-ouch!" Iiwan niya na sana ako ulit ng muntikan na naman siyang matumba, mabuti nalang ay nasalo ko siya. Lakas talaga ng tama nito.

"Ano ba? bakit ba palagi mo nalang akong tinatakbuhan, ayan tuloy ang napapala mo." Sermon ko na may halong pag-aalala at inayos ang pagkakatayo niya. "Tara, balik na tayo sa loob."

Hahakbang na sana siya nang mapadaing siya ulit, "Anong nangyari, okay ka lang?" Nag-aalala ng tanong ko.

"I think, I sprained my ankle." She responded weakly and was unable to stand fully, kaya naman medyo nagpanic na ako.

"Shit, tara na gamutin na natin 'yan." Agad akong pumunta sa gilid niya, and I gently carried her in a bridal style.

"I think kaya ko pa naman maglakad-"

"Pwede bang kahit ngayon lang makinig ka nalang sa'kin? hold on to my nape or my shoulder." Seryosong utos ko. It was good that she didn't protest anymore, sinunod niya ako dahil naramdaman at nakita ko siyang nahihiyang isinabit ang kaliwang kamay niya sa batok ko at ang kanan naman niyang kamay ay nasa balikat ko, because of that, I hurriedly walked back to our place so that her sprained ankle could be treated.

"Oh, Anyare sa kaniya, bakit buhat buhat mo 'yan?" Bungad na tanong ni Vecca.

"Anyare kay ma'am?"

"Hala?"

"Anyare kay Vivian?"

"Na-sprained 'yong ankle niya, can someone give me ice and first aid kit?" Mahinahong utos ko at dahan-dahan ko siyang ibinaba at inalalayang makaupo.

"Thank you," pasasalamat ko nang maiabot ni ate Jen sa akin ang first aid kit.

Hinubad ko na ang sandals niya, at nagsimula ng gamutin siya.

"Uuwi nalang siya siguro, kapag nag-stay pa siya dito, baka mas lumala pa 'to," saad ko matapos ko siyang gamutin at lagyan ng bandage sa paa.

"Ihahatid ko na siya," pag insist ni Sir. Econ.

Manahimik ka Sir, ako ang manliligaw, ako ang maghahatid.

"No need na Sir, ako nalang po, i-enjoy niyo 'yong party, 'eto 'yong pambayad." Sabi ko at inabutan si Vecca ng black card.

"Hoy, ingat kayo Scar." Saglit akong napatingin kay Vecca at napansin ko siyang tinitignan ako ng makahulugang tingin, binalewala ko 'yon dahil nagsalita ulit si Sir.

"Ako nalang, alam ko naman ang bahay niya," pagpupumilit ni Sir. Econ.

Kulit naman ng lahi nito, hindi masabihan sa isang salita, bagay sila no'ng babae kanina.

"Alam ko din po, Sir. Huwag ka pong mag-alala." May bahid na inis kong untag, pero hindi ko 'yon ipinahalata. Ngumiti pa nga ako sa kaniya, eh.

"I can go home alon-"

"Hindi pwede." Sabay naming pinutol si Ma'am Raven dahil nagbabalak na naman siyang ilabas ang kataasan ng pride niya. Napansin kong nagpalipat-lipat ng tingin 'yong apat sa'ming tatlo, ay bahala muna sila mamatay sa curiosity, gusto ko ng maiuwi 'tong isa para makapagpahinga na rin siya.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon