CHAPTER 65: HORROR HOUSE
Scarianna Eleanor's POV
"A-Aray! Ouch! Wait lang-Ano baaaaaa-Aray! Saglit langggggg!"
Grabe talaga, napakamapanakit!
"YOU! PERVERT!"
"COMEBACK HERE, PERVERT!"
Tumakbo na kasi ako palabas at sinaraduhan siya ng pinto. Pinaghahambas ba naman ako ng hanger. Sarap-sarap ng tulog ko, eh. Bakit daw iba na 'yong damit niya, inisip na binastos ko. Duh, siya nga 'yong ano diyan kagabi na muntik na akong bastusi-
Charot.
"OPEN THIS DOOR! YOU FREAKING PERVERT! WHAT DID YOU DO TO ME LAST NIGHT, HUH?!" Malakas na sigaw niya sa loob. Ang hirap talaga nito magalit, parang dragon ampotek. Siguro kung may apoy 'to, kanina pa ako nakikipaglaban ng trial card niya sa impyerno if ever na doon man ako mapunta.
Pero tanggap ko naman, kung doon talaga ako nababagay-
"I did nothing! Ikaw kaya ang may ginawa sa'kin kagabi!" Medyo kalmado kong sagot pero sinigurado kong maririnig niya.
"HUWAG MONG ILIPAT SA'KIN ANG GINAWA MO, ANDERSON!" Luh, Ako pa talaga, ha? Bait bait ko eh.
"Kumalma ka muna at bubuksan ko ang pinto." Mahinahon kong sabi at huminga ng malalim. Napatingin ako sa dalawang pintuang bumukas at bumungad doon sila Vecca, Jay, Jam at ate Jen.
"Anyare, bakit ang ingay?" Tanong ni Vecca at kinusot-kusot pa ang mata.
"Kay aga-aga may nagrarambulan dito." Natatawang saad ni Jay.
"Anong meron?" Lahat ng mga kaibigan ko ay nagsilabasan ng kwarto para lang makita ang nangyayaring ingay sa'min. 'yong iba ay sabog pa, 'yong isa, humihikab pa at umuunat. Kunsabagay, ako nga rin nakapangtulog pa at wala pang sukla-suklay.
"ANDERSON!" Sigaw na naman ni Vi sa loob at kinakalampag na ang pintuan.
"Hala ka beh, anong ginawa mo kay ma'am Raven? Bakit nagwawala 'yan?"
"Akala niya kasi binastos ko siya kagabi kasi nga napalitan 'yong suot niya last night-" Naputol ang sasabihin ko nang sumigaw na naman ulit siya
"ANDERSON, OPEN THIS FUCKING DOOR!"
"Hala ka mima, yari ka! Chair up, kaya mo 'yan. Anyways, pa shower ah?" Dire-diretsong sambit ni Jam at bumalik na ng kwarto para maligo. Matagal na sila ritong naliligo or nag o-overnight kaya binilhan ko sila ng mga damit para may magamit sila in case na nandito sila.
Binuksan ko na ang pinto at mabuti nalang kumalma na si Vi at in-explain ko sa kaniya na hindi ko nga siya binastos. Kapag hindi talaga siya maniwala iisa-isahin ko 'yong ginawa niya sa'kin-mabuti nalang talaga ay naniwala na siya.
"Seriously, you're going to the restaurant na ganyan ang suot niyo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Vecca at nakataas pa ang kaliwang kilay.
Bakit, ano bang problema kung nakapantulog pa kami? Kakain lang naman kami.
Si Vivian nga wala ng nagawa no'ng sinabi kong 'wag muna magbihis kasi gutom na gutom na ako pati 'yong iba kong kasama, maalam lang talaga 'to si Vecca.
. . .
Nandito na kami sa resto na kinakainan namin at ramdam na ramdam ko 'yong tinginan sa'min ng mga tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
Любовные романыShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...