CHAPTER 16: SLEEPOVER?
Scarianna Eleanor's POV
"I said, what are you doing here?!" Galit na tanong niya at nakatingin na ngayon sa'kin nang masama. Actually sa kaniya na rin ako nakatingin ngayon-este nakatitig.
"Ate, don't shout at ate Scar like that, you're gonna hurt her feelings po." Magalang na sabi ng bata sa tabi ko. Buti pa siya, alam ang mararamdaman ko. hmp!
Hindi tuloy ako makapagsalita dahil sa aura niya ngayon. Nananakit yung tingin niya sa'kin.
Scar, magsalita ka, what the fuck?
Ihhhhh, paano ako makakapagsalita eh, ang sama sama nang tingin niya sa akin!
"Oh, anong nangyayari dito?" tanong bigla ni tita Veron na kararating lang, pero kami ni Ma'am Raven ay gano'n pa rin, tila nagpapatayan na sa isip gamit ang mga titig.
"Mama, ate Madi was shouting at ate Scar po," dinig kong sumbong na ng bunso niyang kapatid na si Vivienne.
"Nako Vivian, bakit mo naman sinisigawan itong si Scar?" tanong bigla ni tita Veron dahilan para maputol ang titigan namin. Siya na ang unang umiwas nang tingin at bumaling kay tita Veron.
"Ma, what is she doing here?" Balik na tanong ni Ma'am sa kaniya. Sinagot naman siya agad ni tita Veron kung bakit ako nandito.
Before she went up to her room, she rolled her beautiful eyes at me first.
Hanep talaga 'to si ma'am makapag maldita sa'kin, akala mo inutangan ko ng isang daang milyon, eh 'no. Akala mo talaga ako ang kalaban sa digmaan.
Kapag ako nagmaldita dito, baka hindi niya kayanin. Pasalamat siya teacher at girl crush ko siya. Hmp!
Alas otso na ng gabi nang maisipan ko ng umuwi. Pero hindi ako makauwi dahil dito na lang daw muna ako kumain ng dinner.
Sabi ko nga "huwag na po," pero mapilit sila, okay sige, bawal rin naman tanggihan ang grasya, 'di ba? Tinatamad na rin naman akong umuwi, to be honest.
Nag p-prepare pa si tita Veron ng pagkain, tatawagin niya nalang daw kami kapag kakain na. Feeling family member na ako dito. Hahaha!
Gusto ko ng magpa-ampon. Ang saya-saya siguro maging part ng pamilya dito.
Bagay ba sa'kin maging isang Raven? Scarianna Eleanor Raven?
Pero magmumukha akong ampon sa first name ko palang, dapat Varianna Meleanor.
Tama! Varianna Meleanor Raven!
hahahahaha! nababaliw na ako—
at kasalanan 'to ni Ma'am Raven!
Joke, baka namumuong libag lang.
By the way, Pinabayaan ko munang maglaro ng mag-isa si Vivienne dahil naisipan kong manood muna ng tiktok videos. Tinatamad akong mag open ng Faceboook at kung ano-ano pang ibang apps, dahil for sure tadtad na naman 'yon ng messages ng mga taong hindi ko naman kilala. Grabe pa naman ang stalking skills nila. Nakaabot nga sa account kong kahit naka-private na.
Minsan kasi bored ako at natitripan kong i-open messages nila, puro pang-uuto at pang-bobola nalang ang mga nababasa ko. Kaunti nalang talaga ay gagawa na ako ng group chat ng mga nang-uuto sa'kin tapos pagalingan nalang sila mang uto. HA HA HA HA!
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...