CHAPTER 48: GOT DRUNK
Scarianna Eleanor's POV
Nandito na kaming lahat sa swimming area nila Vecca. Nagpaluto ako sa kanila ng isaw at kung ano-ano pang street foods na nabili ko kanina. Kumakain naman nito ang mga kaibigan ko, at balak ko ring pakainin 'yong isang maarteng nilalang dito hahahahahaha! bayad 'to dahil sabi niya hindi siya sasama kanina, 'yon pala sasama siya, ang galing niyang mangsurprise ha, sobrang nasurprise ako.
Tiyaka hindi niya rin ako pinapansin kanina nang makapasok na siya, hanggang ngayon snob niya pa rin ako. Galit ba siya dahil hinalikan ko siya sa pisngi kahapon? Pero kahit galit siya doon, galit rin ako kasi sabi niya hindi siya pupunta! Hays, good luck nalang sa stress na makukuha ko mamaya kay Sir. Econ.
Pero okay na rin na nandito siya, si Sir. Econ lang naman proproblemahin ko eh, sus basic lang 'yan.
Kasalukuyan kong kasama si Vecca na nag-iihaw ngayon, marami kasi kaming iihawin kaya tinulungan ko na siya, kanina niya pa nga ako sinisigawan kasi ang usok-usok daw. First time niya kasing mag-ihaw eh. Kanina pa ako tawa nang tawa sa reaksiyon niya habang nag-iihaw.
Si Channel at Pau ay ang nasa magkatabing upuan, ang galing nga eh, naging close agad 'yong dalawa. Siyempre, thanks to me kasi ako ang naging daan kung bakit sila naging close.
'yong dalawang kumag naman ay sayang-saya sa swimming pool, kanina pa sila naglulunuran at nagpapaunahan, parang mga tanga lang. 'yong mga bagong dating kanina ay ang nandoon sa cottage, nanonood ng movie.
"Guys, luto na ang mga pagkain, tara na!"
Naglapag kami ng isang malaking banig sa gitna dahil malawak banda roon at para na rin lahat kami ay sama-sama.
"Scar, tabi tayo."
"Crush, tabi tayo."
"Hoy, kayong dalawang chicks kayo, kami ang magtatabi ng bebe ko." Pagsingit na biro ni Jay dahil nga nag-aagawan sila kung sinong tatabi sa'kin. Hindi ko sila pinansin dahil inaantay ko kung saan uupo si Vi. At napabuntong hininga ako at napairap dahil pagkaupo ni Vi ay agaran ang pag-upo ni Sir. Econ sa tabi niya. Punyeta naman.
Wala na akong magawa dahil ayoko naman ng gulo kaya naman umupo nalang ako sa right side niya, nasa left side kasi si Sir. umupo. Parang mga ewan pa 'tong mga loko-lokong nasa kanan ko kanina pa naghihilahan dahil gusto nga akong makatabi. Ano bang meron sa'kin, bakit gusto pa nila akong makatabi? Medyo lumalabas na rin kakulitan ng lahi ni Pauline, nakaraan ang tahi-tahimik niya pa tapos bigla-bigla nalang siyang magiging makulit. Kasalanan 'to nila Vecca, kung ano-ano kasing kabalastugan 'ata ang tinuturo sa babaeng 'to.
"Ano ba? ang gulo niyo naman! Vecca, tabihan mo nga ako para manahimik na 'tong tatlo!" Medyo naiinis na ako dahil kanina pa sila, kanina pa ako nakukuryente dito. Pa'no kasi 'tong tatlo, kanina pa nagtutulakan, ayon natutulak rin ako kaya nagkakadikit 'yong katawan namin ni Vi. Bawat pagdaplis ng katawan ko sa kaniya ay parang may electricity 'yong katawan niya, nakukuryente ako.
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...