SC 1: MAVI & VIANNA
Scarianna Eleanor's POV
After 101739383922 years.
Choss.
Wala akong masabi.
Wala talaga.
Char!
In the few years Vi and I have been together, masasabi kong ang bilis nga talaga ng panahon. Parang nakaraan lang ay ine-echos-echos ko pa siya. Ngayon, asawa ko na siya at may dalawang anak pa kami na once na makita at makausap mo, alam mo na agad kung saan nagmana.
Crush ko noon, asawa ko na ngayon ang atake.
"Mavi, what the heck?! Look what you've done again!" Isang batang nanenermon na naman ang naririnig ko sa kabilang banda.
"Ano na naman ba 'yon, Vianna? Napakaingay mo naman. Ang sakit mo sa ears!" At isa na namang bata ang tila naririndi na sa tainga ng kausap niya.
Sige, hulaan niyo kung kani-kanino nagmana ang mga 'yan.
"Fix your mess, ang sakit sa mata ng mga kalat mo!" sigaw ng isa.
"Mamaya na. Pero kung gusto mo, ikaw na lang ang maglinis tutal ikaw naman 'yong naiirita, eh!" rebuttal naman no'ng isa.
I'm not really surprised hearing the loud voices of these young me and my wife. Normal day na 'ata ng mga 'yan ang pagsisigawan sa mansion na 'to. Walang araw na hindi 'yan nagsisigawan or nagbabardagulan. Unless, they have upcoming exams dahil tutok talaga sila ng asawa ko. Hindi sila hinahayaang magpabaya sa studies dahil malalagot sila sa mommy nilang naglalabas ng pink na apoy kapag galit.
I thought the twins were very close and always close together because they have the same vibes and goals, pero itong dalawang 'to, dinaig pa nila lion at tigre kung magbangayan, eh.
"Mama Eliiii!" Isang tumatakbong magandang dalagita ang papalapit na naman sa gawi ko. Alam ko na kung bakit 'to lumalapit.
"Oh? Ano na namang nangyayari, Mavi? Hinabol ka na naman ba ng walis tambo ng kapatid mo?" Tanong ko at umalis sa swivel chair ko. Kunwaring seryoso, pero natatawa na talaga ako.
Itong batang 'to, kabisadong-kabisado ko na 'to, kapag hinahabol siya ng walis o kung ano ng kapatid niya, sa'kin lumalapit eh.
"Yes po, ma!" Sagot niya at pumunta sa likod ko. Hindi naman siya pinapalo ng kapatid niya. Ayaw niya lang humawak ng walis dahil once na hawakan niya 'yon, dapat na siyang maglinis ng kinalatan niya.
"Hey, you lil' spoiled brat of mama Eli, would you please clean up your mess?!" Pagtataray ng kakalapit lang na si Vianna. Manang-mana 'to sa nanay niyang mahilig sa dinosaur eh kaya alam ko na kung paano 'to magalit.
Vivian na Vivian.
Kung si Vi ay nagbubuga ng pink na apoy kapag galit. Ito naman ay nagbubuga ng purple na apoy. She is very fond of purple things, her whole room is full of purple things, parang kwarto lang ni Vi noon na puro pink, ang pinagkaiba lang is, sa kaniya ay purple.
Samantalang ito naman si Mavi ay kuhang-kuha 'yong mga paborito kong bagay, mahilig din siya black and white, kasi black and white daw ang shade ng panda kaya favorite niya na. Loko talaga 'tong batang 'to eh. Mahilig din siya sa mga vintage shades.
Aesthetic girl versus coquette girl.
Vianna and Mavi are twins but they don't look alike because they're fraternal twins. Mavi was the first born so she's the eldest or older sister among them, while Vianna is the second born, but if you notice, Vianna is more mature and has a more sisterly mind than Mavi dahil si Mavi ay may pagkaisip-bata. They're an IVF babies, pumunta pa kami ng ibang bansa para lang magawa 'yang dalawang nagbabangayan ngayon sa harap ko.
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...