BTAP - CHAPTER 68

12.1K 444 177
                                    

CHAPTER 68: GRADUATION

Scarianna Eleanor's POV

"Vi." Tawag ko dito sa magandang katabi ko na kasalukuyang inaayos 'yong teacher uniform na suot niya at ng kung ano-anong nilalagay sa mukha, make up in-short. Mas maaga kasi silang pupunta ng university ngayon dahil graduation na nga namin, at ako ang magiging driver niya ngayon.

I insisted.

Ganito talaga siguro kapag mabait na gentlewoman pa.

Ang bilis ng panahon, parang nakaraan lang nagrereklamo pa ako dahil sa math. Tapos ngayon, nagrereklamo pa rin naman kasi ang bagal kumilos nitong isang 'to-charot! excited lang talaga akong grumaduate at the same time may halong lungkot kasi hindi ko na araw-araw makakasama ang baby ko na kayang magbuga ng pink na apoy anytime, anywhere.

Hayyyy, dragon nga naman, dragon moments.

"Oh?"

Parang others naman 'to kausap. Pero okay lang naman, basta siya.

"Ang tagal mo naman po. Hindi mo naman na kailangan mag-ayos ng bongga, maganda ka na nga without make up eh, baka lalong mafall sa'yo niyan si Sir. Econ na pangi-" Hindi ko na tinuloy 'yong word na pangit kasi sinamaan na niya ako ng tingin.

Ay, nainis?

Hindi ko alam kung saan siya nainis, kung sa binanggit ko ba si Sir. Econ or sa sasabihan ko siyang pangit?

Pero sige, dahil assumera ako, both na lang.

"Done." Finally, after so many many many years, natapos na rin siya.

Hala, nangba-backstabberist!

As a gentlewoman na mamamayang pilipino, ako ang nagdala ng bag niyang walang ibang kulay kundi pink. May brand 'yong bag niya at halatang mamahalin dahil kakaiba 'yong bag niya na 'to, mukhang pina-customize niya.

Pinagbuksan ko na siya ng pinto sa passenger seat at bago siya pumasok ay sinigurado kong hindi siya mauuntog or masasaktan.

Bukod kasi sa mabait at gentlewoman ako, protective future wife din ako.

Kaya nga ako crush ni Vi eh, hayssss.

Charot! Clumsy lang kasi talaga 'tong baby ko na 'to.

Pagkaupo ko sa driver's seat, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniya.

Tanginang mukhang 'yan, ang ganda.

Mas lalo akong na i-inlove sa kaniya, pota.

Mabilis kaming nakarating ng campus dahil hindi naman traffic.

Ang daming bumabati sa campus lalo na kay Vivian na kesyo ang ganda niya raw. Okay lang naman sa'kin kasi totoo naman. Pero lahat naman may exception. Hindi sa'kin okay 'pag sinasabi ni Sir. Econ. Hindi na nga sila bagay, tapos hindi pa sa kaniya bagay kasi mukha siyang manyak.

Ay, hala nangbabasher?

Ilang linggo ko ring hindi nakita 'tong taong 'to, kaya siguro ilang linggo rin akong good mood pero ngayong nakita ko na, naiirita na naman ako.

Joke lang. Baka isumpa na rin ako ng taong 'yan kakabash ko sa kaniya. Choss!

Pasimple akong napairap nang mamataan ko siyang nakangiting nakatingin kay Vi at halatang in love na in love siyang napapatitig sa beauty ng baby ko.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon