BTAP - CHAPTER 4

16.2K 577 47
                                    

CHAPTER 4: SWITCHED

Scarianna Eleanor's POV

Hay.

"Babaita, saan ka galing kanina? Gago ka, bakit 'di ka pumasok?" Bungad ni Vecca sa'kin, it's already 4:30PM at siyempre uwian na. Hindi na talaga ako pumasok dahil sa kahihiyang pinag-iisip ko kanina, kaya dumiretso nalang ako sa library at nagbasa-basa muna pero wala naman akong naintindihan kasi lumulutang ang isip ko. Naalala ko kasi 'yong pinag-iisip ko kanina, shet na 'yan.

Shuta ka talaga Scarianna, straight as ruler ka 'di ba? Anyare sa'yo? Bendable ka na rin ba?!

Kasalanan 'to ni ma'am, bakit kasi nakakabakla siya?! Huhuhuhu!

Iiyak na ako every morning and night nito.

Charot.

"Hoy! Ano ba? Bakit ka na naman tulala? Mukha kang ewan ngayon!" I went back to trance because of Vecca who's shouting at me. Pucha talaga 'tong pinag-iisip ko. Ampangit na!

"You look distracted, girl. Anyare sa'yo? Did something happened ba?" Jam asked and I could see his concern through his expression.

Ah-

I laughed so they would know that I'm fine and smiled foolishly, as I always do, "Okay lang ako mga gagi, may nakita kasi akong pogi kanina, 'di ko lang makalimutan ang mukha niya kaya medyo lutang ako," pagsisinungaling ko. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Jay at pag ikot ng mata ni Vecca pero hinayaan ko nalang, maybe they're just really worried about me. Pasensya na guys, sasabihin ko 'to naman sa susunod-

na buhay.

Charrr.

"Whatever, Tara na nga!" Pagbabalewala nila. We got in our cars and went to the cinema for a while and watched an action movie, we also played for a while in the fun house before we decided to go home.

Sobrang nakakapagod 'tong araw na 'to.

"Bye mga beh, Ingat kayo!" Pagpapaalam ni Jam, nag beso-beso muna kaming lahat sa isa't isa kasama ng pag b-bye, at sabay-sabay ng sumakay sa kaniya-kaniya naming mga sasakyan.

I was in the middle of driving when I saw a woman outside the bar. She was very drunk and could hardly walk properly, so I itinigil ko ang pagd-drive ko at pinark ito malapit sa kaniya at mabilis siyang pinuntahan.

Bigla namang napataas ang kilay ko ng mamukhaan kung sino ito. She's wearing a skinny jeans with sexy black ankle-strap heels and with a form-fitting top.

Miss Raven is wasted right now.

Lasing na lasing, my god.

Seriously?

"Ma'am Raven? What the hell? Ano pong ginagawa niyo dito at wala po bang susundo sa inyo?" I asked as I helped her sit on a bench near the bar. Tinabihan ko naman siya dahil umupo rin ako para maalalayan na rin siya incase na matumba siya. Para kasi siyang lantang bulaklak ngayon na kapag hindi mo inalalayan, tutumba na lang bigla. Sira talaga ang maganda nitong mukha.

"Who are you, huh?" Tanong niya at inangat ang tingin sa akin, medyo nakapikit na siya pero nagawa niya pa ring magtaas ng kilay, nakapikit na siya kaunti dahil siguro inaantok na rin siya at sa pagkalasing.

"Ma'am, Ihahatid na po kita, give me your address po." She didn't answer me instead I just felt her head leaning on my chest.

Lah?

Ano ng gagawin ko dito?

Saglit pa akong nanatili sa ganoong posisyon bago ko siya hawakan at dahan-dahang binuhat na pa bridal style at isinakay sa kotse ko.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon