BTAP - CHAPTER 22

13.7K 459 50
                                    

CHAPTER 22: SUPERMARKET

Scarianna Eleanor's POV

Nandito kami ngayon sa Supermarket kasama ang mga kaibigan ko na sina: Vecca, Jam at Jay. Bibili kasi kami ng pagkain para sa camping at team building namin bukas.

Magkakahiwalay kami ngayon kasi iba-iba naman kami ng gustong mga bilhin na pagkain. Kasalukuyan akong nasa Food Market at namimili ng mga pagkain like Junk foods, for breakfast, lunch, and for dinner dahil tatlong araw daw kaming mag s'stay doon.

"Ano na ba 'tong nabili ko? Eggs, noodles, piatos, clover, canned goods... mango, orange, apple... ano pa ba?" Naghanap-hanap pa ako ng iba at may isang prutas na nakaagaaw ng attention ko, kaya kinuha ko ito at ibinigay sa seller.

"Ate, Pabili nga po ng strawberry two kilos po, thank you!"

Matapos kong bilhin ang strawberry ay hinanap ko na sila Vecca. Nahanap ko rin sila agad, medyo natagalan pa kami dahil kay Jam, masyado kasi 'tong mapili at pinanganak yatang hindi sigurado sa buhay.

"I'm done!" Biglang sabi ni Jam, mabuti naman. Gusto ko ng umuwi dahil pagod ako, actually lahat kami pagod dahil kagagaling lang namin sa practice kanina. Grabe si ma'am, tinorture kami kanina, nilabas niya na naman kasi 'yong pagkamasungit at pagkastrikta niya. Muntik na nga akong mabato ng sandals niya, eh. Hays!

Masyadong mainit dugo sa'kin ni ma'am, kulang yata sa dili-

Charot, bad mo self.

"Kailan pa naging ganito mga iniisip ko? Shet, malala na ako," sabi ko pa sa sarili ko.

"Pinagsasabi mo?" Napatingin naman ako sa nakataas kilay na si Vecca. Peste, akala ko sa isip ko lang 'yon sinabi, hindi pala!

"W-Wala ah, may naririnig ka bang 'di ko naririnig?" Patay malisya kong saad.

"Tarantado!"

Tinawanan ko lang siya at tahimik na kaming naglakad palabas at papunta sa parking lot.

"Bye everyone, see you tomorrow!" Paalam ni Jam.

"Bye guys, love you all! Eww!" Natatawang sambit ni Vecca at nagpanggap pang nasusuka.

"Ingat kayo sa pag uwi, byers!" Ani Jay.

"Oo nga mga tanga pa naman kayo—Joke!" Sabi ko at diretso ng pumasok sa kotse. Mahirap na, baka mabato pa ako ng de-oras.

Sabay-sabay na kaming umuwi at naunang umandar ang sasakyan ni Jam, sumunod ay si Vecca, pangatlo ako at pang huli ay kay Jay.

Nang makauwi na ako ay diretso hilata ako sa sofa.

Kapagod.

Sa sobrang pagod ko ay 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising lang ako ng maramdamang sumakit ang buong katawan ko. Shet, nalaglag na pala ako.

Kabanas naman, oh. Sarap-sarap ng tulog ko, eh!

Bumangon nalang ako at humikab. In'stretch ko muna ang katawan ko bago pumuntang dining area para kumain. Masarap ang ulam ko dahil umuwi na ulit si Nanny Lil para ipagluto ako ng masasarap na pagkain.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon