CHAPTER 50: WHAT DID I DO LAST NIGHT?
Scarianna Eleanor's POV
Hindi ko agad siya nasagot kasi mukha siyang bad mood. Pinag-ikutan niya ako ng mata at dire-diretso na siyang pumasok sa loob paakyat ng kwarto niya.
"Tita, puntahan ko lang po si ma'am," Pagpapaalam ko kay tita Veron at kinuha 'yong dalawang paper bag na may lamang pasalubong ko para sa kaniya.
"Oh, sige. Huwag kang masiyadong didikit sa kaniya, mukha siyang wala sa mood, baka biglang sampalin kana lang niyan," Natatawang paalala ni tita. Natatawang tumango lang ako bilang tugon, at nagsimula ng igalaw ang paa ko papunta sa hagdanan para umakyat na.
True si tita, napakasadista talaga ng anak niya. I wonder, saan kaya niya namana 'yong ugali niyang 'yon? sa tingin ko, hindi naman 'yon ugali ni tita, hahahahaha! baka sa dad niya? Anyway, when kaya magpapakita 'yong tatay niya? sabi kasi ni tita sa'kin, nasa abroad daw ang tatay niya at may inaasikaso siyang business doon na naiwan ng parents niya, every year lang daw siyang umuuwi dito or kapag may okasyon.
Ano kayang hitsura ng tatay niya? mabait kaya siya? masungit?
Kakabahan na ba ako kasi baka kaugali ni Vi 'yong tatay niya?
Okay, sige kakabahan nalang ako ngayon, para sa susunod hindi na ako kabahan.
"Tok tok tok!" Sabi ko at kumatok sa pintuan.
"You can't come in, go home instead." Mahina at kalmado lang 'yon, pero narinig ko naman kahit papaano.
"Why, oh why?" Birong tanong ko sa kaniya at nakasandal pa rin sa pintuan.
"You didn't go to school and you have the audacity to come to my house? If you don't want me to fail you, go back home."
"Ay, hala siya. Okay naman academic performance ko, ah? babawi nalang ako bukas, nag-advance reading naman ako eh." Totoo naman, kaya ko kayang mag multi-task, hehe.
"Go home Anderson! stop being stubborn!" Ngayon ay sumisigaw na siya, ang ikli naman ng pasensya niya. Napabuntong hininga nalang ako. Mukhang ayaw niya talaga akong papasukin. Napasimangot ako pero agad din 'yong nawala nang maalala 'yong hawak ko. Tignan natin kung hindi niya pa ako pagbuksan.
"Ay, sayang naman 'tong strawberry cupcakes na dala ko, pati 'tong pina-customized kong sleepwear. hays, bigay ko nalang kaya 'to kay Pauli-" Hindi ko alam kung pinagseselosan niya si Pauline o ano, pero napapansin ko kasing parang may galit siya doon every time na nakikita niyang magkasama kami.
Tignan mo na? Hindi ko pa natatapos banggitin 'yong pangalan niya binuksan niya na ang pinto. Mabuti nalang at nabalanse ko ang katawan ko kundi baka lumagapak na ako sa sahig. Nakakahiyang pangyayari 'yon kapag nagkataon.
Nakatingin siya sa'kin habang naka-crossed arms, pero 'yong tingin niya akala mo nakagawa ako ng krimen. Ang sama ng tingin eh.
"What did you say?!" Tanong niya at salubong na ang mga kilay.

BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceAt Shiniell University, a prestigious institution known for its academic excellence, Professor Vivian Madison stands as a pillar of discipline and intellect. Renowned for her strict demeanor and uncompromising academic standards, she is both respect...