BTAP - CHAPTER 14

13.7K 530 133
                                    

CHAPTER 14: PINK

Scarianna Eleanor's POV

"Anderson!"

Tumigil ako sa paglalakad at ngumisi nang hinarap ko siya.

"Yes, baby?" Nakangising sagot ko. Nawala ang ngisi sa labi ko at agad kong pinalo ang bibig ko nang marealize bigla ang sinabi ko.

Pakshet, anong baby?! gaga ka, Scar!

Nakakunot siya ng noo at mas lalo pa itong nangunot ng marinig niya ang tinawag ko sa kaniya.

Ang tanga ko, bwisit.

Ibubuka ko pa sana ang bibig ko para magsalita nang biglang makita ko siyang binalot ang katawan gamit ang mga kamay, mukhang nilalamig.

Sabagay, malamig nga naman talaga kapag ganitong oras na.

Kaya naman bilang mabuti at mabait na mamamayang pilipina ay hinubad ko na agad ang oversized long-sleeve polo ko at isinabit ito sa kaniya. Nakasando nalang ako kaya kitang kita na ang hubog ng katawan ko, siyempre sexy ako 'no.

Ang hot ko na nga, ang sexy ko pa. Mabuti nalang walang tao ngayon, kung 'di baka pinagp-piyestahan na ako ngayon. Tumingin ako kay ma'am at sandali siyang nanigas sa kinatatayuan niya pero agad din naman 'yong nawala nang makita niya akong nakatingin na sa kaniya.

Ha ha ha sexy ko talaga!

"Wear it back, I don't need that." Tinanggal niya ito at pahagis na binalik sa akin.

Hindi ko ito sinagot at isinuot lang ulit 'yon sa kaniya, "Hot naman po ako, ma'am. Kaya okay lang." Nakangising sabi ko.

"No, wear it again!"

"Ma'am ilang beses ka po bang iniri ng mommy mo?"

"What the hell are you saying, Anderson!?"

"Ang kulit niyo po kasi! Suotin niyo na po 'yan, sasakay naman na po tayo sa sasakyan."

Wala na siyang nagawa sa akin kaya padabog siyang nauna sa aking umalis papunta ng parking lot.

"Ma'am, wait lang! Alam mo po ba kung saan naka park ang sasakyan ko?"

Nilingon niya ako ng tinaasan ng kilay, "How can I know? Am I the driver of your fucking car?" mataray niyang sambit.

"Eh, bakit kayo nauuna eh, hindi niyo naman po pala alam?" natatawang tanong ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata at inirapan, "I-I'll wait you here kaya!" maang-maangan niya at 'yon nga, 'di niya na pinagpatuloy ang paglalakad niyang padabog.

Hinantay niya akong makalapit sa kaniya at pinauna niya akong maglakad papunta kung nasaan naka-park ang kotse ko.

Nang mapuntahan ko ito ay agad ko siyang pinagbuksan ng pinto, "Ma'am, get in na po." Sabi ko at inirapan niya muna ako bago maingat na pumasok sa passenger seat.

Irap nang irap. Kapag tumirik mata nito, ewan ko na lang.

Matapos niyang sumakay ay sumakay na rin ako sa driver's seat.

"Ma'am saan po kayo nakatira?" tanong ko.

"Here's the map." bigay niya sa'kin ng dinrawing niyang mapa. ang cute kasi ng pagkaka-drawing.

"Pfft-HAHAHAHAHA!"

"What's funny? Drive!" kunot noong tanong niya.

Tumatawa pa rin ako habang nag d-drive papunta sa bahay nila, lmao kapag napapatingin ako sa drawing map niya, I can't help myself not to laugh, ang cute kasi kung alam niyo lang.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon