BTAP - CHAPTER 7

14.9K 533 145
                                    

CHAPTER 7: NEW TEACHER

Scarianna Eleanor's POV

Hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang pumasok sa subject ni ma'am. Ayoko namang bumagsak, pero hiyang-hiya at guilty na guilty talaga ako sa ginawa ko last day.

Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yon?

"Hoy Scar, anyare sa'yo? Tara na, uy! ma l-late na tayo sa MIL sub!"

Wednesday nga pala ngayon kaya MIL ang subject for today. dahil hindi ako nag-respond sa sinabi ni Vecca, ay hinila niya nalang ako papasok ng room.

Walang gana akong umupo sa upuan.

"Balita ko bago daw 'yong teacher ngayon sa MIL dahil nga sa pagreresign ni Sir. Gozon."

"Hala, Sana pogi!"

"Sana maganda, para nakakagana naman mag aral sa subject na 'to!"

"True!"

Dinig kong bulungan nila. Wala akong pakialam na pumalumbaba nalang, waiting for the so-called new teacher to arrive.

Natahimik ang lahat sa bagong pasok na guro sa room namin.

She's wearing a blue long sleeve polo with black fitted palda, pinartner-an naman ito ng high heels white sandals.

She's morena, tall, and has dark brown eyes, it suits her well. She's also wearing a beautiful genuine smile.

Well, she's a total opposite of Miss Raven.

But, why am I comparing them?

Nadako ang paningin ko sa white board na ngayo'y sinusulat niya na ang pangalan niya.

Ms. Jennievyve G. Buenavista

"I'm Jennievyve Buenavista, you can call me Ma'am Jen or Miss Buenavista." Nakangiting sabi ni Ma'am Jen sa'min. I'll prefer to call her that. Ang ganda ng smile niya at parang familiar 'yong smile na 'yan.

May kamukha lang siya siguro.

Nagsisagutan naman ang lahat ng, "Yes, Miss." napatango-tango lang si ma'am bago ito magsimulang mag discuss sa klase, pero wala akong naiintindihan sa pinagsasabi niya. Dahil una sa lahat, tinatamad ako mag-aral ngayon.

Lunch break na ngayon pero nandito pa rin ako sa arm chair ko, natutulog. Tinatamad akong kumain, wala akong gana. Pinilit ko naman, pero wala, ayaw talaga ng tiyan ko. Parang may humaharang na wall, eh.

Niyugyog naman ako ni Vecca dahilan para magising ako, "Ano ba?!" Inis kong singhal at sinamaan siya ng tingin.

"Hoy putangina nito. Lunch break na, tara na!" Pag-aaya niya sa'kin at hinila ako patayo.

"Wala akong gana, kaya niyo na 'yan." Inaantok kong sagot, at akmang yuyuko ulit ako para matulog nang biglang may magsalita.

"Bebs, may naghahanap sa'yo, si Channel daw." Umarko naman bigla ang kilay ko dahil sa biglang sinabi ni Jam.

Channel?

Napatingin ako sa labas at nakita ko itong nasa bintana at tila nanghihingi pa ng permiso bago pumasok sa classroom namin.

Luh, sino na naman 'to?

Alam kong hindi ko siya kaklase, dahil kilala ko sa mukha ang mga kaklase ko.

She's obviously came from another section.

"Papasukin mo," utos ko kay Jam at pinapasok niya na nga niya ito. Pumasok na siya at tumayo naman ako sa kinauupuan ko at hinarap siya.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon