CHAPTER 69: PARTY AND DRUNK
Scarianna Eleanor's POV
Tapos na 'yong graduation namin at may pa after party 'yong buong section namin.
Dito siya ginanap sa subdivision na pagmamay-ari namin. May malaking Event House kasi kami dito at pinaasikaso ko na siya habang nasa graduation pa kami kanina, kaya pagkauwing-pagkauwi ay nagsidiretsuhan na 'yong mga kaklase ko agad dito.
Si Vivian, ate Jen, Sir. Econ at Ma'am Gonzuego lang ang sumama sa party na 'to dahil may party rin kasi 'yong ibang sections and a-attend rin 'yong ibang teachers.
Umay nga eh, ayaw ko sanang tumapak dito sa pamamahay ko si Sir. Econ pero no choice, in-invite eh. Okay lang, papalagyan ko nalang ng maraming alcohol sa kung saan mang pwepwestuhan niya.
Char.
"Let's start the party, people!" Si Vecca at Jam ang mga hosts ngayon dahil hindi pa nakakarating 'yong dapat na host namin.
Sinimulan na ng DJ na magpatugtog ng mga remix na kanta kaya halatang enjoy na enjoy na 'yong mga kaklase ko kaagad dahil sa kanta na pinapatugtog.
Tiktok dance ba naman pinapatugtog, sinong hindi mah-hyper?
Nakisabay lang din kami sa kanila at hindi kalauna'y naisip na naming kumain dahil nakakagutom ang araw na 'to.
Hinanap kaagad ng mata ko kung nasaang parte ng lugar na 'to si Vi. Hindi kasi kami magkasama kanina dahil nandito 'yong mga kaklase ko and I was enjoying the party with them muna since last day ng pagkikita na namin 'tong lahat dahil siyempre, college life na kami next school year at may iba-iba kaming course na kukunin.
Curious ba kayong malaman 'yong course ko?
Of course, siya.
De charot.
Nahanap ko naman agad si Vi. Naabutan ko siyang nakikipag-kabit time kay Sir. Econ.
Ayos.
Napakanta tuloy ako bigla ng, "She's mine, you may have had her once, but I got her all the time..."
Asa kang mapapasa'yo yan, Sir.
Namine ko na po 'yan since ate ko pa lang siya.
Wahahahahahahaha!
"Vi," mahinang tawag ko sa kaniya at dahan-dahang kinaway ang kanan kong kamay na agad niya namang kinalingon sa'kin.
Nag-excuse siya sa mga kasama niya at pinuntahan ako, gano'n din si ate Jen na kasalukuyang tinatawag ni Vecca. Gaya-gaya naman ang taong ito.
"Why?" Tanong niya. Napatitig ako sa kaniya saglit.
She look stunning.
"Sabay tayo kumain," nakangiting sagot ko at mas lalong lumapit sa kaniya.
"Alright," mabilis na sagot niya. Maglalakad na sana kami papunta sa isang table nang biglang may tumawag kay Vivian.
"Vivian."
Sabay kaming napalingon sa tumawag at bumungad sa'min ang papalapit na si Sir. Econ.
Luh, bakit nakikigaya rin 'to ng tawag? Tsh.
"Oh?" Tipid na sagot ni Vi.
Whahahahahahaha. Babaw ng kaligayahan ko.
"Where are you going?" Nakangiting tanong ni Sir nang tuluyan na siyang makalapit sa'min.
"With her," sagot ni Vi at itinuro niya ako. Nagkatinginan naman kami ni Sir at painosente ko lang siyang tinignan.
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...