BTAP - CHAPTER 55

13.4K 566 653
                                    

CHAPTER 55: BACK

Scarianna Eleanor's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas buhat nang mangyari ang hindi inaasahan na pangyayari na 'yon. I just focused on my school works dahil yung graduation namin ay papalapit na rin. Isang buwan and ilang linggo nalang ay matatapos na ang klase namin.

What Vivian said last last week puzzled me, hindi ko siya maintindihan at kailangan ko 'yon malaman. Hanggang ngayon ay bali-balita pa rin ang tungkol sa engagement party nila. Ang sabi sa balitang nalaman ko ay gaganapin daw ang party sa bakasyon, para wala na daw ibang iisipin kundi ang engagement nalang.

Edi wow, wala pa ring forever.

Kasalukuyan akong mag-isa sa bagong tambayan ko. Ako lang ang nakakaalam ng lugar na ito at palagi akong nandito kapag lunch break. One time kasi naglakad-lakad ako at nakakita ako ng malaking puno na pwedeng silungan, Naging comfort ko ang lugar na ito kahit papaano, kaya naman naglagay ako dito ng upuan. Nasa loob siya ng campus banda, pero tago.

Nakahiga ako ngayon dito sa tambayan ko at nakatitig lang sa puno na nasa harap ko. I smiled bitterly, parang kailan lang, ang saya-saya ko pa. Gano'n ba talaga kapag nasobrahan sa saya, dapat masobrahan din sa lungkot? Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life ko at parang pinaparusahan ako ngayon.

Gusto ko lang naman magmahal, mahirap ba 'yon? Gusto ko lang maranasang magmahal at maramdaman ang mahalin ka pabalik ng taong gusto mo, pero bakit naman gano'n? does everything really have to be complicated?

Buong isang linggo ay nakikita ko pa siya, pero hindi kami nagpapansinan, ni hindi nga namin matignan ang isa't isa. Pero sa buong isang linggo na 'yon ay parang may kakaiba sa kaniya. Medyo matamlay siya at parang palaging pagod. Baka dahil na rin siguro sa subsob siya sa trabaho, or busy dahil sa engagement party nila ni Sir. Econ. Ewan, I don't have an idea either. Tinatanong ko si ate Jen about sa kaniya pero maging siya ay hindi ako masyadong pinapansin. Ano bang nangyayari? ang last na sinabi niya sa akin ay, "Sa ngayon, Ayaw ko munang makialam sa gusot niyo, pero kapag hindi pa siya nagsalita ay mapipilitan akong unahan siya." to be honest, mas lalo akong nababaliw sa nangyayari.

Ano ba kasi talagang meron?

Ngayong week ay hindi ko na muling nakikita si Vivian, narinig ko rin sa mga marites kong schoolmates na hindi daw siya pumapasok isang linggo na. Walang letter na ibinibigay or what. Basta, bigla nalang daw siyang hindi pumapasok.

I'm starting to worry when I received that news but I just pretended na walang paki-alam, nagpanggap akong hindi pinansin ang naririnig na balita kahit na apektadong-apektado na talaga ako.

Napatayo ako nang marinig ang panay beep ng phone ko na nasa isang lamesa na ginawa ko. Doon ko kasi siya nilapag kanina kasama ang mga librong hiniram ko sa library.

Binuksan ko ang phone ko at nakita kong ang daming chats at missed calls no'ng tatlo kasama si Pauline at Antheia.

Vecca De Macoolangan
Hoy, nasaan ka? 12:45 pm

Jorriah James Catol
Mhie, patapos na ang lunc... 12:44 pm

KJ Kennedy
San ka? Anong petsa n... • 12:33 pm

Ayan 'yong mga messages nila, the rest puro ganyan din ang mga tanong nila, pare-parehas lang kung nasaan raw akong sulok ng planetang earth at bakit hindi pa raw ako bumabalik.

Kakalagay ko palang ng phone ko sa lamesa nang biglang tumunog ulit ito. Hindi na siya galing sa chat sa messenger, kundi text na.

Text na galing kay tita Veron.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon