BTAP - CHAPTER 51

17.8K 588 219
                                        

CHAPTER 51: SPILL THE TEA

Scarianna Eleanor's POV

"Hoy, Anyare sa'yo? lalim ng iniisip ah?"

"Scar? ano 'yang iniisip mo, mukhang malalim, pasisid naman."

"Hoy, teh?"

"SCAR, MAY SUNOG!!!"

"HA? NASAAN 'YONG SUNOG-" Doon lang ako nabalik sa ulirat at biglang nagpanic dahil sa sumisigaw na si Jay.

"Tanga, joke lang! bakit kaba tulala diyan? ano bang iniisip mo?"

Inosente akong napatingin sa kaniya, "Ha? W-Wala ah, HAHA! tara na sa room, mal'late na tayo!" Lahat sila ay nakatingin sa'kin at naghihintay ng sagot kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kanila at nauna ng pumasok sa room.

Pagpasok naming apat sa room ay ang saktong pagdating rin ng bago naming teacher sa bago naming subject which is Business Enterprise. Pangalan pa lang ng subject halatang puputukan ka agad ng ugat o 'di kaya mababaliw ka, lalo na kapag tatamad-tamad ka.

"Who was absent yesterdey? Please, stand up." Lutang akong sinunod ang inutos ng teacher namin, wala pa rin talaga ako sa hulog ngayon pero mabuti nalang medyo matino pa ang pandinig ko. Inikot ko ang paningin ko at apat lang pala kaming nakatayo ngayon. So, kami lang pala ang absent kahapon? the fudge.

"Since hindi ko pa kayo kilala, Could you please introduce yourselves in front of everyone?" Sumunod naman agad kami sa kaniya, nauna na si Jam na nagpakilala at sinundan ito ni Jay, Vecca at panghuli ako.

"All right, thank you. You can return to your seat now." Mabait na utos ni ma'am sa'min, "Anyway, My name is Antheia Zen Zsavala, you may address me as Ma'am or Miss Antheia, or Zsavala."

Hindi pa pala nagturo si Ma'am Zsavala kahapon dahil lahat ng mga kaklase ko ay nagpakilala lang, kaya unang lesson palang na tinuturo sa'min ngayon ay halos pumutok na ang ugat ko. Nagkandahilo-hilo ako dahil sa itinuro niya plus, 'yong nangyari pa no'ng nalasing ako. Hindi ako makapaniwala na magagawa ko 'yon. Gano'n ba talaga kapag nalalasing? Kung gano'n ay hindi na ako mag-iinom talaga.

Lunch break na ngayon at naglalakad na kaming cafeteria para kumain.

"Pwede bang sa restaurant nalang tayo maglunch?" Tanong ni Vecca sa kalagitnaan ng paglalakad namin, lahat kami ay napatingin sa kaniya, parang kinakabahan siya na ewan kasi palinga-linga siya sa paligid.

"Huh, bakit naman?" Takang tanong ni Jay.

"Oo nga, at tiyaka malapit na tayo sa cafeteria, oh?" Dagdag ni Jam.

"Alam niyo naman 'di ba 'yong kinwento ko sa inyo kahapon? Gosh, nakakahiya kaya 'yon!" Mahinang aniya at natawa kaming tatlo sa biglang pamumula niya.

"What the hell, are you blushing bakla?" Natatawang tanong ni Jam. Nang-asar pa nga.

"S-Sa init lang 'to! Gosh, bakit ba kasi ang init?!" Nagpanggap pa siyang pinapaypayan ang sarili at padabog siyang naunang naglakad.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon