CHAPTER 15: GIFTS AND VISITING
Scarianna Eleanor's POV
"Hi little girl, What's your name?"
Magkalapit na kami ngayon ng bata, inayos ko naman ang mahaba niyang buhok niya na napunta na sa mukha niya.
Ang ganda ganda naman ng batang 'to.
"Ako po si Vivienne Marithe," magiliw na sagot niya.
"Ahh, so ikaw po si Vivienne. Ilang taon naman ikaw, Vivienne?" Nakangiting tanong ko. Hindi ko maiwasang mapangiti sa batang 'to, napakacute kasi, at isa pa, mahilig talaga ako sa mga bata. Hihi.
"Six na po ako."
"Paano mo pala nalaman ang nickname ko baby Vivienne?"
"Ahhh. Kasi po ang long ng name niyo, so I decided to call you ate Scar nalang po."
Pagka-sagot niya na ay kinarga ko siya dahil nakakangalay pala umupo ng gano'n, mabuti nalang at pumayag siyang magpakarga. May mga bata kasing ayaw ng kinakarga kapag kakakilala lang.
"Ahhh, gano'n ba? And why are you still awake, baby?" Tanong ko.
"I was waiting for my ate Madi po. I wanna play pa po kasi with her, eh. Siya lang kasi po kalaro ko po dito. Kuya Vin don't want to play with me po kasi pang girls daw po ang mga toys ko, eh. And pang boys po ang sa kaniya."
Madi? Si Ma'am ba 'to?
Malamang, beh.
"You're still a baby. Dapat mag sleep ka na po para mabilis ka lumaki baby Vivienne, You can play with her naman po tomorrow 'di ba?" Malambing kong sabi sa bata. Ang bait ko naman dito. Cute cute niya kasi.
"Ate is busy po sa morning, hindi po kami nakakapaglaro. Sa night lang po siya free," Malungkot niyang aniya.
Awww, kawawa naman ang baby na 'yan.
Nakaramdam din tuloy ako ng lungkot, So para mawala ang lungkot niya, I decided to do something-
"Do you want to play with me ba, baby? I'll come here tomorrow you want? And I'll buy you a lot of toys!" Nakita ko naman ang biglang pagliwanag ng mukha nang bata.
"Talaga po, ate Scar? You wanna play with me? And You'll buy me toys po?" Excited niyang mga tanong. Nawala na ang lungkot sa itsura niya at napalitan na 'to ng excitement.
"Oo naman! What toys do you want ba, baby?" Excited ko ring tugon sa kaniya.
"Ahmm. I want dolls po!" Nakangiting sagot niya at humagikhik.
"Alright. Masusunod po, master Vivienne!" Sabi ko at nag salute pa. Napuno ng tawanan ang labas ng kwarto ni ma'am, at luckily, hindi niya kami naririnig. Sound proof 'ata ang kwarto niya.
Bumaba akong bitbit pa rin siya. Kung si Ma'am Raven ay magaan, siya naman ay mas magaan.
"Oh, Bakit nakakarga ka kay ate mo Scarianna, Vivienne?" tanong ni tita Veron.
"Kinarga ko po," Nakangiting sagot ko at binaba na rin siya dahil uuwi na rin ako, anong oras na rin kasi.
"Uuwi na po pala ako tita Veron," pagpapaalam ko.
"Ay, anong oras na hija, dito ka nalang matulog."
"H-Hindi na po, maaga pa po kasi pasok ko bukas, eh." Pagtanggi ko.
Mabuti naman at pumayag rin siya. Nanghingi pa ako ng permission kay tita Veron bago umalis ay kung pwede ba akong pumunta dito bukas, and mabuti naman ay pumayag naman siya, kaya masaya akong umuwi ng bahay.
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...