CHAPTER 49: MORNING NEWS
Scarianna Eleanor's POV
"Anong lugar 'to?" Takang tanong ko sa isang hindi pamilyar na lugar at hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Naaapakan ko ay mga putik, may mga dugo sa paligid at para akong nasa isang tagong lugar na kahit sumigaw ako ay walang nakakarinig dahil wala namang mga bahay dito.
Medyo nakakatakot naman dito.
"Nasaan ba kasi ako?"
Naglakad-lakad lang ako at hindi ko alam kung saan na ako papunta dahil una sa lahat, hindi ko alam ang lugar na 'to.
"Scarianna, Scarianna, Where are you? I am here..." Nanindig ang balahibo ko dahil sa narinig kong nagsalita, ngunit pakanta ang tono nito, 'yong parang sa napapanood kong horror movie.
Pamilyar ang boses niya, pero masyado akong natatakot ngayon dahil parang anytime na makikita ko siya, baka mahimatay ako.
"S-Sino ka?" Tanong ko at pilit pinapalakas ang loob, "N-Nasaan ka?"
"Scarianna, Scarianna... You won't like it if you see me..." Mas lalo tuloy akong natakot dahil sa sinabi niya.
"A-Anong i-ibig mong s-sabihin?" Nauutal kong tanong, napapikit ako dahil sa inis. Shit.
"Run."
"H-Ha? HALA DADDDYYYYYYYYYY!" Mabilis pa sa fast akong tumakbo nang biglang makita ko si Vi na duguan ang mukha pati katawan, nakangisi siya sa'kin, may hawak siyang may dugong matalas na kutsilyo at balak niya yata akong saksakin, dahil nakatapat ito sa'kin.
Gago, anong nangyayari?!
Nanlambot ako habang tumatakbo nang makita ko siyang mabilis na tumatakbo at tila hinahabol ako.
Jusko, ayaw ko pa mamatayyyyy!
"If I caught you, you're dead... Scarianna... Scarianna..."
"WAHHHHHHHHHHHH DADDYYYYYYYYY!!!!!!"
Nagising ako bigla ng hingal na hingal. 'nak ng putcha, panaginip lang pala! Kinabahan ako do'n, akala ko katapusan ko na.
"Ouch..." Napadaing ako at hinimas-himas ang ulo nang maramdamang sumakit ito. Peste kasing panaginip na 'yan eh!
Sa dami ng pwedeng papatay sa'kin sa panaginip, 'yong baby ko pa? grabe ka naman mangprank lord, huhu.
Ang masasabi ko lang ngayon ay ang sakit ng ulo ko. Nagising ako bigla at pagkatayo ko ay bigla akong nahilo kaya humiga ulit ako. Nagpalipas ako ng mga thirty minutes bago muling tumayo at humarap sa salamin.
"Ano bang nangyari kagabi bakit parang nakisabak ako sa wrestling?" Napataas ang kilay ko ng makita ang kabuuan sa salamin. Sabog na sabog ako. sabog ang buhok ko, at may mga pasa ako sa pisngi ko na parang nakipagsampalan ako. Tapos ang sakit sakit ng tagiliran ko para akong pinaghahampas ng ilang beses.
Siguro nakipagwrestling nga ako kagabi?
Kaya ayokong nalalasing eh!
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...