BTAP - CHAPTER 32

13.3K 518 96
                                    

CHAPTER 32: AWKWARD?

Scarianna Eleanor's POV

It's been a few days since we went to that place. After naming makauwi, ma'am Raven suddenly stopped talking to me, she started to ignore me. Hindi ko alam pero super sakit sa apdo no'n-este sa puso. Grabe, after ko siyang haranahin at gawan ng nakakakilig na bagay no'ng gabing 'yon kinabukasan ay hindi na ako pinapansin as if hindi ako nag e-exist sa mundo? sakit mga beh, pero ayos lang sino ba naman ako-

"Miss Anderson, stand up." Napatinuod ako sa kinauupuan nang marinig ko ang malalim at malamig na boses na 'yon.

"Ma'am?" Inosente kong tanong at tumayo.

"What is snorkeling?" Mabilis niyang tanong. Seryoso lang itong nakatingin sa'kin.

"A-Ahh... It is a swimming activity in which a person swims with a mask, snorkel, and swimming aids such as fins but without the use of a self-contained underwater breathing apparatus?" Sagot ko, hindi ako sigurado dahil hindi naman ako nag review, lutang kaya ako, ikaw ba naman biglang inignore kung 'di ka madistract.

"Are you sure with your answer?" Walang emosyong tanong niya.

"Yes...?" sure ba talaga ako? bakit patanong? "I-I mean, yes, ma'am." paglinaw ko at umayos ng tayo.

"Okay. What are the health related benefits of paddling?" Dagdag na tanong niya. shet, ang daming tanong, ah? Mukhang sinasadya niya akong pahirapan. Hindi na nga ako kinakausap, pinapahirapan pa ako! may araw din siya sa'kin!

"Uh, Paddling can aid with mental health and stress reduction. It aids in the development of core strength and stability. Some benefits of a stronger core are it helps prevent or reduce back pain, helps improve balance, and enhances mobility. Even a leisurely paddle will provide an excellent aerobic workout..." sagot ko at nanatiling nakatingin sa kaniya. Ang lakas ng tension ng namamagitan sa'min dahil para na naman kaming nasa staring competition, nakikipaglaban ng titigan.

Natigil lang 'yon nang siya na ang nag iwas ng tingin at tumingin sa iba kong kaklase.

"Okay, good. Take your seat now. " Utos niya ng sa iba ang tingin at atensyon. "Miss De Macoolangan, stand up." Tawag niya sa katabi ko. Tumayo naman ito agad.

"What are the basic parts of canoe?" Walang emosyon at seryosong tanong nito sa katabi ko na nakatayo na ngayon.

Sandali siyang nag isip muna bago sumagot, "A canoe's basic components include the bow, stern, hull, keel, deck... gunwales, thwarts, yoke... and, if equipped, seats, ma'am." Sagot niya.

"Great, Miss De Macoolangan. You can take your seat now." Wow, kapag sa kaniya maayos mang-utos tapos isa lang ang tanong tapos sa'kin, hindi? May favoritism 'ata dito, ah?

"That's all for today, You may take your lunch break now." She coldly announced and arranged her belongings. She quickly disappeared from my sight dahil agad siyang umalis after niyang ayusin ang mga gamit niya.

"Hoy, anong tinitignan-tignan mo diyan sa pinto? tara na, gutom na ako!" Hindi ko namalayan na sa pinto na pala ako nakatingin, buti nalang may madaldal akong kasama. Lumingon ako sa kaniya at hinila niya na ako papuntang cafeteria.

Nandito na kami kaagad sa cafeteria at kasalukuyan ng kumakain. Apat lang kami, wala si Pauline dahil hindi siya pumasok, medyo babagal-bagal ako kumain dahil na o-occupy ang isip ko ng kung ano-ano. Una is bakit ako biglang inignore ni ma'am. Pangalawa is kung sasabihin ko na ba kanila Jay at Jam ang about sa babaeng nagugustuhan ko?

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon