BTAP - CHAPTER 42

12.6K 519 150
                                    

CHAPTER 42: GUESS WHO'S SICK

Scarianna Eleanor's POV

"Ate Scar!" Bungad sa'kin ni Vivienne matapos niya akong makitang pumasok sa loob, tumakbo siya papalapit sa'kin kaya lumuhod ako para mayakap niya ako, matapos niya akong yakapin ay kinarga ko siya.

"I miss you, baby Vivienne, kumusta ka?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

"I miss you too, po! I'm doing good po, ikaw po? Ang tagal po nating hindi nagkita, it's good to know na you're here po." Ang cute niya talaga, manang-mana siya sa ate niya.

"Miss na rin kita kaya ako nandito, wanna play with me?" Tugon ko.

"Oo naman po!"

"Okay! but before we play, kiss me first on my cheeks!" Sinunod niya naman ako, hinalikan niya ako sa right and left cheek ko kaya napangiti ako, this kid never fails to amuse me.

"Thank you!" Ibinaba ko muna siya, "But, before we play, pupuntahan ko muna ate mo ha? I'm gonna check on her muna, alright?"

"Okay po!" Masiglang pag sang-ayon niya.

Nginitian ko siya at ginulo-gulo ang buhok niya, hinanap ko muna si si tita Veron at nakita ko naman siya agad, bumati lang ako sa kanya bago ako tuluyang pumuntang kwarto ni ma'am.

"Tao po," sabi ko at kinatok-katok ang pinto ni ma'am, sinadya kong ibahin 'yong boses ko dahil ginamit ko ang pang lalaking boses ko para hindi halata.

"If you're not the one I'm waiting for, don't come in! go away!" sigaw niya na narinig ko dahil nakasandal ang tainga ko sa pintuan niya. Naramdaman kong bigla nalang nagsalubong ang mga kilay ko.

Ay, may hinahantay?

"Pakibuksan muna 'yong pinto miss, nurse ako na ipinatawag ng mommy mo," sabi ko gamit pa rin ang ibang boses. Bakit hindi niya ako makilala? hahaha!

Ay, okay. sino ba naman ako para makilala niya-

"No! go away!" rinig kong pagmamatigas niya. Wala talaga siyang pinipiling lugar ng pinagmamalditahan eh 'no? literal na maldita everywhere.

Hindi muna ako nagsalita, dahil nag-iisip ako ng isasagot.

Sabihin ko ba na ako si Scar ang kaniyang future? ehe, charot.

"Scarianna?" Nawala ang atensyon ko sa pag iisip nang bigla kong makita si Vin na lumabas ng kwarto niya yata.

"Oh, Vin? Hi!" Tugon ko kay Vin.

"Bakit nandiyan ka? hindi ka pa pinapapasok ni ate?"

"Ah... eh... Oo eh." Akward na sagot ko, "Iniba ko kasi 'yong boses ko, hindi yata ako nakilala, haha!" dagdag ko at mahinang natawa.

"Hahaha! Actually, hindi kasi 'yan basta basta nagpapapasok si ate, Wala pa akong nakikitang ibang nakapasok diyan sa kwarto niya except sa'min. Nagulat nga ako nang pinapasok ka eh, siguro close na close kayo ni ate, hehe."

ehh???

"G-Gano'n ba?"

"Oo, hahaha! Sige na, sabihin mo na, na ikaw 'yon bago pa 'yan mabadtrip de oras." Payo niya.

"Oo, sige. Salamat!"

Nakangiting tumango-tango lang si Vin at akmang bababa na siya ng bigla ulit akong magtanong.

"Seryoso ka? H-Hindi talaga siya nagpapapasok dito e-except sa inyo-"

"At sa'yo. Hahahahaha! Oo nga, hindi ka ba naniniwala? tanungin mo siya hahahaha!" Tumatawang sagot niya, napakamot nalang ako sa ulo. Hala, feeling ko tuloy special ako, ihhhhh enebe 'yen ihhhhhhh! "Ang cute mo talaga ngumiti." Ay, hindi pa pala siya nakakaalis. Nahihiyang napalingon ako sa kaniya at nakita kong nakangiti siya sa'kin, "Sige na, bababa na ako." Nakangiting paalam niya, tumango lang ako at tiyaka na sya tuluyang bumaba.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon