BTAP - CHAPTER 25

17.4K 575 86
                                        

CHAPTER 25: ANOTHER NORMAL DAY

Scarianna Eleanor's POV

Alas-singko na ng umaga nang magising ako. Agad akong dumiretso ng banyo para maligo dahil ayokong makipag unahan mamaya.

Mabilis lang naman akong natapos dahil wala pa akong kaagaw at nasa thirty minutes lang naman ako doon. Hindi muna ako nag mini-concert baka mamaya madiscover ng talent scout, mahirap na. I'm not ready yet to be a super star.

Charot!

"Good morning, Peklat. Ang aga natin maligo, ah?" Bungad ng kagigising na si Vecca belat—Joke!

"Good morning, Veks. Maligo kana rin kung ayaw mong makipag-unahan mamaya. dahil nasa forty plus ang maliligo mamaya for sure," suggest ko sa kaniya habang nagsusuklay.

"Ay oo nga pala!" Napabalikwas siya ng bangon, at kinalabit na rin ang dalawang kumag para magising, "Jam, Kj! gising na, oy! tanghali na!"

"Hmm..." Mahinang ungol ni Kj, gumalaw lang siya at pumikit ulit. Tulog mantika talaga 'to kahit kailan.

"Anong oras na ba?" Tanong ni Jam. Nakadilat na ito, pero nakahiga pa rin.

"Alasais na!" Sagot ni Vecca at nakatanggap ito ng masarap na hampas kay Jam. Natawa lang ako sa kanila habang inaayos ang sarili ko. Bahala sila diyan, ang mahalaga, hindi na ako makikipag-unahan mamaya. Lol.

"Hayop ka, baklaaa. Alasais palang pala tapos sabi mo tanghali! Sampalin kita diyan, eh!" Inis na singhal ni Jam.

"Hoy tanga, maliligo na tayo, sinasama na nga kayo, eh!" Inis na sambit rin ni Vecca. "Hoy Kj gumising ka na nga diyan! Maliligo na tayo. Kung ayaw niyo, edi wag! Makipag unahan kayo mamaya diyan, bye!" Mabilis itong tumayo at kumuha ng gamit na gagamitin panligo, pati na rin damit na susuotin.

Ang ikli ng pasensya ni ante ko Vecca.

Nang makarealize ang dalawa, bumalikwas na rin sila ng bangon at pumunta na rin sa mga gamit nila at kumuha ng gagamitin panligo at susuotin.

"Shit," sambit ni KJ na kumukuha pa ng damit, mukha siyang sabog kasi wala pang suklay tapos napakagulo pa ng buhok.

Nang matapos silang kumuha ay agad silang lumabas para habulin si Vecca, "Vecca! Sandali lang! Hintayin mo kami!" rinig kong sigaw nilang dalawa.

Lumabas na rin ako ng tent para magpahangin sa labas. Wala pang masiyadong gising ngayon dahil kaunti palang ang nakikita ko sa labas.

Bumalik ako sa loob para kumuha ng apple at iba pang pagkain, nagugutom na kasi ako. After kong kumuha ay lumabas ulit ako at pumunta sa tahimik na pwesto, medyo may kalayuan na ako sa lugar namin.

Nandito ako ngayon nakapwesto sa kung saan may iba't ibang klase ng bulaklak sa gilid, at may kaunting puno na napapaligiran. Nakaupo ako sa isang puno na nakahiga habang kumakain, at pinagmamasdan ang magandang paligid.

What a therapeutic feeling.

"Scar?" Napalingon ako sa tumawag sa'kin.

"Oh, Pauline. Hi?" Agad na bati ko nang makita ko siya. Siya si Pauline Cesar, Isa sa mga classmates ko, Maganda rin siya at matalino at tahimik lang sa klase namin. She's not a nerdy type yet a shy type. Kagulat lang na nandito siya o baka gusto lang din niya sa tahimik na lugar. Halata naman sa ugali.

Lumapit siya sa'kin at sinenyasan ko namang umupo sa tabi ko, Inabutan ko naman siya ng pagkain. Sa una ay nahiya siya pero mapilit ako kaya kumuha nalang siya. "Bakit ka nandito, beh?" Tanong ko, at bumaling ng tingin sa kaniya.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon