CHAPTER 67: NIGHT DATE
Scarianna Eleanor's POV
"I want hisaw."
"Hisaw? You mean ba is hikaw?" Paglilinaw ko. Anong hisaw? Hikaw lang ang alam kong pwedeng katunog ng hisaw.
"Nooo, uhm..." Napaisip pa siya na ikinaangat ng dalawa kong kilay, "That looks like a slight long color orange worm with a stick."
Huh?
Orange worm... na may... stick?
Napatampal ako sa noo nang marealize ko ang tinutukoy niya.
"Ahhh... isawww?!" Pagtatama ko. Tatango-tango naman siya agad. Lintek na 'yan, isaw naman pala, bakit kasi hisaw?
Anyways, Hahaha, cute.
"Mukhang nasarapan ka the last time na kumain ka no'n, ah?" Natatawa kong sabi sa kaniya na may halong pang-aasar. Dahil doon ay napakunot ang noo niya.
"You're teasing me again. Huwag na nga lang, Mag drive ka na ulit." Pagsusungit niya bigla at muling sumandal sa inuupuan niya at nakatingin na siya ng straight sa harap.
"Joke lang naman. Wait lang, bibili na ako, hehe." Natatawa kong sambit. Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil magmamatigas pa 'yan na ayaw niya na kaya nilayasan ko na siya agad at pumunta na sa isawan para bumili.
"Oh, crush? bakit napadpad ka ulit dito? Nag c-crave ka naman ba sa mga pagkain na 'to o miss mo lang ako?" Pang e-echos na naman nitong si Shiela na nagtitinda ng isaw. Tinawanan ko lang siya sa biro niya at nag-order na ng maraming isaw. In-order ko na lahat para masaya.
"Ang dami ah, isang pamilya ba ang papakainin mo nito?" Muling biro niya na ikinahalakhak ko na. Loko talaga 'to. Nagpatuloy lang siya sa pag-iihaw at mag iisang oras din ako naghintay bago naluto 'yon lahat, marami-rami rin kasi 'yon.
"So ano nga, buong pamilya nga?" Muli niyang tanong at ibinigay na sa'kin ang tatlong plastic na may lamang mga isaw.
"Isang tao lang. hahahaha!" Halakhak ko. Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sagot ko. Bakit?
"Hala, sino?! May bebe ka na?!" Gulat na gulat niyang tanong.
"Hehe, mer-"
"Eli."
Sabay kaming napalingon ni Shiela sa tumawag sa likod ko. At nakita namin si Vi na seryosong naglalakad papalapit sa gawi ko.
Galit pa rin ba siya?
"Oh, Vi. Bakit ka pa lumabas? I'm about to go back na, oh."
"Ang tagal mo. What took you so long?" Seryosong sagot niya sa'kin. Inip 'yarn? Ang dilim na ng tingin niya sa'kin, feeling ko anytime bubugahan ako nito ng pink na apoy.
"Ang dami ko kasing in-order, tignan mo oh." Nakangiting sabi ko at ipinakita sa kaniya 'yong binigay sa'kin ni Shiela kanina. Hindi siya nagsalita, sa halip ay nag cross-arms lang siya at inirapan ako.
Sungit, magmemenopause na siguro 't-
Joke lang po.
"Ang galing ah, siya pa rin 'yong kasama mo crush, jowa mo?" Jusko talaga Shiela, hindi talaga maawat 'yong bibig.
Kinabahan ako nang biglang tignan ng seryoso ni Vivian si Shiela.
"Why not concentrate solely on your work? Is it also your job to know other people's relationship?" Seryosong sabi ni Vi sa kaniya kaya hinawakan ko na siya sa balikat para pakalmahin. Si Shiela naman ay tinignan ko ng nanghihingi ng sorry nginitian niya lang ako ng maliit at halatang nahihiya siya.
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...