BTAP - CHAPTER 41

18.2K 568 141
                                        

CHAPTER 41: SHE GOT IT

Scarianna Eleanor's POV

Nandito na ako sa school ngayon, at mabilis na nakarating sa'kin ang pag absent ni ma'am ngayong araw dahil nga sa nangyari gabi, pero binigyan niya pa rin ng gawain 'yong mga tuturuan niya sana ngayon, ipinaabot niya 'yon sa kapatid niyang si Vin.

Nandito kami ngayon sa computer lab dahil triple I ang subject namin at kasalukuyan na kaming gumagawa ng research, hindi kami nag iingay, lahat kami ay seryoso. For us kasi, this subject is one of not-so-hard subject, if you stay focused on what you're studying, you'll easily understand it. Napagkasunduan rin kasi namin na saka nalang kami magdaldalan kapag break na or time of dismissal na.

"Okay class, you can take you lunch for a while, eat well everyone!" Anunsyo ni ma'am after naming marinig ang pag-iingay ng bell.

Mabilis pa sa alas-kwatrong nagsitayuan ang mga kaklase ko, kasi paniguradong kanina pa sila buryong na buryong sa subject na 'to.

Uminat muna ako bago ko tinignan sina Vecca na kasalukuyan ng nagliligpit ng mga kalat nila. Nagligpit na rin ako ng kalat ko at bumalik muna kami ng classroom bago kami pumunta ng cafeteria para kumain ng lunch.

"You look distracted, Scar. Mind tell us what's bothering you?" Ano ba 'to si Vecca, pinatagalog ko nga si ma'am siya naman ang nang e-english ngayon.

"Ha? hindi naman, ah?" sagot ko at nagsimula nang kumain, nag-aalala lang naman ako sa lagay ni ma'am though alam ko naman na may titingin-tingin din sa kaniya doon sa bahay nila hindi ko pa rin maiwasang mag overthink.

"Eh kung kaltukan kita diyan? kanina ka pa kaya tulala!" Bwelta niya.

"Pwede ba? kumain ka na nga lang diyan, lahat na lang napapansin mo eh, psh!"

"Tama na 'yan, ang tahi-tahimik niyo kanina tapos nagbabardagulan na naman kayo," panenermon ni Jay.

"Kumain nalang kayo, para makabalik tayo agad ng room. Gusto ko munang umidlip, inaantok ako eh." Singit ni Jam at nakita ko siyang humihikab kasabay ng pagtakip niya ng panyo sa bibig niya.

"Ayan tanga, puyat pa. Bakit kasi alas kwatro na kayo nakauwi?" Tanong ko ng may pang-aasar.

Kanina kasi pagpasok nila ng school kitang-kita 'yong mga naglalakihang eyebags nila at mukha silang nakadrugs, sinabi rin nila sa'kin na alas kwatro na daw sila nakauwi, pero hindi na nasabi ang dahilan dahil nagsimula na agad ang klase.

Ako, hindi naman ako puyat kagabi dahil nang makauwi ako ay dumiretso na akong humilata hanggang sa nakatulog na ako, hindi na ako naka half bath dahil ang sakit na rin ng ulo ko, at ramdam ko na 'yong pagod kaya naman maaga akong nagising kanina para maligo, grabe medyo ang baho na rin pala ng hininga ko kagabi, uminom ba naman ako ng alak, nakakahiya tuloy kay tita Veron kagabi, hindi ko naalala na nakainom pala ako, kaya naman nawala sa isip ko na posibleng maging mabaho ang hininga ko dahil mabaho nga ang amoy ng alak.

"Wala akong naalala eh, lasing na kasi ako."

"Ako rin."

"Me too."

Napatampal naman ako sa noo dahil sa mga naging sagot nila, "Wow, ang gagaling niyo kausap. Bravo! pero paano niyo nalaman na alas kwatro kayo nakauwi?"

"Nakita ko sa phone ko bago ako matulog," sagot ni Jam.

"Okay-"

"Hoy, ikaw Scar." Napataas kilay naman ako.

"Oh, bakit na naman Veks?"

"Ang weird mo kagabi, ang seryoso mo tapos ano, ewan ko, ano-"

"Linawin mo nga! bobo na nga ako, mas lalo mo pa akong binobobo eh!" kunot-noong saad ko, para kasing tanga eh.

BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon