CHAPTER 66: SLEEP OVER
Scarianna Eleanor's POV
"Ayan kasi, horror house pa, ha. Tapos dito kayo ngayon matutulog. Sarap niyong pektusan! Bebe time na sana kami, eh." Kunwaring inis kong pangaral sa kanila.
"Mama mo bebe time! Kami nga ni Jen na mag jowa walang bebe time, kayo pa kaya na walang label?" Bwelta ni Vecca, natawa naman 'yong dalawang mokong na nasa likod niya.
Tawa nalang ang ambag, wala kasing mga bebe. Char, charger. Baka mamaya mausog ako, mawalan rin ako ng bebe.
Wala pa nga kaming label, eh.
"Luh, namemersonal ka ba?" Nakataas ang kilay kong tanong habang nakasandal sa main door, "Eh kung 'di ko kayo papasukin?"
"Parang tanga 'to, 'di ka naman mabiro eh, hehe. Papasok na peklat, gusto ko ng humiga." Wow ang kapal, parang kasalanan ko pa na hindi pa siya humihiga, ah? Ngingiti-ngiti pa sa'kin, 'di sa kaniya bagay, mukha siyang others na namamlastik.
Charot, labyu Vecca.
Pumasok na ang tatlong mga mokong at pinadiretso ko sila sa cinema room. Malaki kasi doon ang kama, kasya ang nasa lagpas sampung katao. Hindi upuan ang ipinalagay doon ni daddy, kundi isang malaking kama. Madalas kasi namin natutulugan ni ate 'yong movie kaya pinapalitan niya ng kama 'yong mga upuan.
Nauna na sila doon kasi pupuntahan ko pa si Vi sa kwarto.
Nang makaput ako dito sa kwarto ay tawang-tawa ako nang abutan ko siyang nakatalukbong ng kumot.
Wala na siya sa ilalim ng kumot ngayon dahil narinig niya ako kaninang natatawa at bumukas ang pinto.
Dali-dali siyang nagtanggal eh, akala niya hindi ko nakita.
"Hahahaha! Uy, bakit ka nakatalukbong?" Tumatawang tanong ko.
"C-Cold." Nauutal niyang Litanya kaya mas lalo akong natawa, kunwaring pinakiramdaman ko naman ang paligid.
"Hindi naman, ah?" Sabi ko.
"Earlier! Tss." Nag iwas pa siya ng tingin.
Asus. Takot ang bebe na 'yarn?
"Natatakot ka ba dahil kanina? Huwag kang mag-alala, nandito naman ako eh, sasamahan kita." Nakangiting turan ko at kinindatan pa siya.
Luh, edi huwag kang maniwala.
Inaya ko na siyang pumunta sa cinema room, at mukhang galit siya dahil uuna-una pa siyang naglakad, kasama ng pagdadabog ng mga paa niya.
Cute.
. . .
Alas-tres na ng madaling araw at hindi pa rin ako makatulog dahil sa mga kasama ko. Pero si Vivian ay ang himbing na ng tulog dito sa tabi ko.
Siya ba naman may kayakap na mas malambot pa sa unan, sinong hindi makakatulog ng mahimbing doon?
Nakayakap kasi siya sa'kin tapos inunan niya pa 'yong kanang braso ko. Swerte naman this girl.
Tapos itong tatlong mokong na 'to, ayon mulat na mulat tapos ang ingay. Ilang beses ko na silang sinasaway baka magising 'tong isa pero parang wala lang sa kanila. Malapit ko na kutusan 'tong mga 'to promise pigilan niyo 'ko.
"Hoy, kingina niyo, kung ayaw niyong matulog, magpatulog kayo!" Mahinang sigaw ko sa kanila, "May pasok pa tayo mamaya, mga tanga."
BINABASA MO ANG
BETTER THAN A PROMISE (COMPLETED)
RomanceShiniell University Series 1: BTAP At Shiniell University, Professor Vivian Madison is well-known for her strict demeanor and unwavering dedication to academic standards. Students approach her classes cautiously, mindful of the clear expectations s...