KOURTNEY POV;
WHEN I woke up, meron parin liwanag. Ayoko ng ganitong sakit. Ang init ng katawan ko at parang mas lalong lumalala ang sakit ko. Nang wala akong magawa ay naupo ako sa bed ko at sakto naman ang pagdating ni Eroll na may dalang tray ng pagkain.
“O bakit ka bumangon? Gumagaan naba pakiramdam mo?” tanong nya saka nilapag sa side table yung tray at hinawakan ang noo ko. “Ang init mo parin,”
And with that I started crying. Ayoko ng ganitong sakit, ang hirap. Tapos ang ulo ko sobrang sakit na para bang sasabog na sa sobrang sakit. Wala din akong ganang kumain, nahihirapan din akong magsalita dahil sa lalamunan ko. Basta ayoko nito!!
Eroll hug me but I pushed him away from me. Ayokong mahawaan sya.
“Why?” he asked.
“Don't h-hug me, *sniff* ayokong m-mahawaan k-ka”umiiyak na sabi ko.
“Hindi ako mahahawaan through hug okay.. Atsaka di naman yan totally nakakahawa kaya, come here” sabi nya.
Bahagya akong lumapit sakanya at niyakap ako. I hug him too while I'm crying. Nag ilang minuto kaming magkayakap saka na ako humiwalay. He hold my forehead and looked at the food.
“Ito kainin mo'to para mabawasan yang sakit ng ulo mo”
“Ayoko, m-masakit sa throat”
“Kunti kunti lang.. Ganito nalang, iihipan ko para lumamig tapos susubuan nalang kita ng pakunti kunti, okay?” sabi nya saka naman ako tumango tango.
Pinanood ko lang sya habang iniihipan ang lugaw na isusubo sakin. Nang masigurado nya na malamig na ang kakainin ko ay sinubo nya na sakin. Ang saraaaap!!! Diko alam na marunong pala magluto nito si nanang Estella. Ibang lugaw kasi niluluto nya sakin eh.
“Kahit diko feel kumain ngayon, masarap talaga ang luto ni nanang Estella” sabi ko.
Nakita ko naman ang pagbabago ng mukha nya.
“Bakit parang biglang nagbago mukha mo?”
“Hindi si manang Estella ang gumawa nito” sabi nya.
“Ahh, in-order mo?” tanong ko saka nya ako sinubuan.
“Hindi. I'd made this for you” iwas ang tingin na sabi nya.
Agad naman ako nakaramdam ng guilt sa loob loob ko. He made this delicious porridge for me, how sweet.
“Wow! Ang sarap mo palang gumawa nito.. Mukhang hahanapin ko lagi 'to ah” I said.
Natatawang umiling-iling sya saka ako sinubuan. Nang maubos ko na yung lugaw ay pinainom nya na ako ng gatas, pero yung gatas walang lasa kasi bawal ako ng mga matatamis ngayon. Pinainom nya narin ako ng gamot. Tsaka sya nagpaalam na huhugasan nya lang daw yung mga ginamit nya sa baba tapos babalik na sya dito kaya tumango nalang ako sakanya.
Habang nakasandal ang likod ko sa may ulohan ng bed ko ay nakita ko ang phone ko na umilaw, naka mute kasi 'to sa call eh. Naka flash naman doon ang pangalan ni Ysabell.
“Oh napatawag ka?”
“Sabi ni tita may sakit ka daw? Nyare?”
“Tonsillitis, biglaan nga rin eh.”
“Ayos kana ba? Gusto mo pumunta ako jan?”
“Wag na, Eroll is here. He's taken care of me”
YOU ARE READING
Until Our Paths Cross Again [COMPLETED]
FanfictionDid the paths of two people possibly cross again after a very long time??