KOURTNEY POV;
NASA airport na kami going to canada. Doon kami mag sstay. Kumuha din ng caregiver si mom para may magbabantay ng bahay namin habang wala kami. 2 months lang naman yata doon sila kuya Aiden and kuya Clarence. Tapos babalik narin sila dito. Si kuya Clarence at ng family nya lang yata ang titira sa bahay pag umuwi na sila.
Kasi si kuya Aiden and ate Blythe may sariling bahay dito sa pilipinas. Tapos kami naman tatlo ni kuya Zion, kuya Harie and mom ang maiiwan sa canada. Dito narin ako mag tatrabaho.
"Bakit naiisipan mong mag punta tayo sa canada Kourtney?" tanong ni kuya Zion.
Katabi ko kasi sya sa upuan sa eroplano. Dalawahan lang kasi 'to.
"Wala lang, atsaka gusto kong makita sila lolo at lola doon"
"Wehh?"
"Oo nga"
"How about Eroll? Iniwan mo lang? He didn't even show up kanina sa bahay"
"Kuya, satin lang 'to ha." I said saka naman sya tumango. "We broke up,"
"What?!?" malakas na usal nya.
Agad kong tinakpan ang bibig nya at hinapas sya ng malakas sa braso nya. Ingay talaga ng lalaking 'to.
"Kuya seriously? Kakasabi ko palang na satin satin lang 'to eh,"
"EH bakit sinabi ko ba sa iba?"
"Dimo ba alam na katabi mo lang sila mom, pano kung magtanong sila kung bakit ka sumigaw ng what?"
"ang daming pwedeng ipalusot jan. So why?" he asked.
Should I tell him? Alam ko ugali ni kuya Zion eh, pagsinabi ko ang dahilan baka bumalik sya ng pilipinas at sugurin si Eroll ng hindi ko alam.
"hello? So bakit nga?"
"Wala lang.. I dont love him anymore" I said saka tumingin sa labas ng bintana ng eroplano.
"Liar." he said.
"Tsk,"
Last na sabi ko saka nilabas ang earpod at kinonect sa phone ko. Saka nagpatugtog ng high volumes. Nakatatak parin sakin yung mga sinabi ni Eroll. And the words that really broke me was.. mamahalin parin kita unconditionally.
Hindi ko alam ang sasabihin ko that time. Kasi masaya nakong marinig ang boses nya for the last time. Dinelete kona ang number nya dito sakin. Pinikit ko nalang ang mata ko at pinilit ang sariling makatulog. Ngunut ayaw talaga, gising na gising ang diwa ko. I opened my phone and go to the gallery.
Nandoon pa pala ang album namin ni Eroll. Na sa tuwing magkasama kami palagi kaming nagpi-picture. Habang tinitingnan lahat ng picture namin ay bigla na naman may malamig na dumapo sa pisngi ko, which is my tears. Naalala ko pa yung nagpa baguio kami
**FLASHBACK**
"Happy birthday mahal!" saad ko ng makatungtong kami sa rest house nila dito sa baguio.
He hugged me and kiss my forehead. Niyakap ko din sya sa bewang nya. Magkayakap kaming naglakad patungong couch at naupo. Kumawala sya sa pagkakayakap sakin ng tumunog ang phone at kinuha nya sa bulsa nya.
"Oh nasan na kayo?" tanong nya sa kausap nya.
Yung dalawang couples ang kausap nya. Bali 8 kaming mag ce-celebrate ng birthday ni Eroll. Yung family nya sana kaso busy lahat. Dinaman binig-deal ni Eroll na busy lahat ng family atsaka masaya na daw syang kahit kami kami lang.
*****
Ang saya pa namin that time. Parang gusto ko tuloy bumalik sa time na ganyan pa kami. Kasi swear ang su-sweet namin jan.*****
"Mahal, anong wish mo?" tanong ko sakanya.
"Malalaman mo rin in right time... For now isipin mo lang"
"Ano bayan... Pero sige, maghihintay ako ng right time"
And with that his lips met mine.
***FLASHBACK END**
Pinatay ko ang phone ko at binalik sa bulsa ko. Tumingin ako sa labas ng bintana ng eroplano at pinipigil na umiyak ng malala. Tatlong araw ko palang na hindi nakakasama si Eroll pero miss na miss ko na sya.
Siguro pinagtagpo lang kami pero di kami tinadhana. At siguro may nakalaan na right man for me and right woman for him.
"What are you crying for?" naguat ako ng alisin ni kuya ng earpod ko at sabihin yun.
"Huh?"
"Huh? Sabi ko bakit umiiyak kapa? Kala koba hindi mo na mahal"
"Tsk, I'm not crying.. Napuwing lang ako"
"Ikaw mana ka talaga kay mom, obvious na ide-deny pa"
"Napuwing nga lang talaga ako"
"Sira, puwing.... Indenial ka kasi na mahal mo pa,"
"H-Hindi ah,"
"Hindi ah, pero seryoso na Kourtney.. Kung mahal mo pa alam mo naman na there's always a way to get back to him, if you want ako kakausap sakanya" kuya Zion insisted.
I shook my head. "Ano kaba kuya, I appreciate you but no need. Dati ayaw na ayaw mo kay Eroll tapos ngayon nag insist kapang kakauspin mo sya para magkabalikan kami,"
"Syempre, mahal mo sya ano paba magagawa ko. And he was your first ever boyfriend, I want you to feel on having one too."
"Oo nga kuya matanong ko lang, bakit dati ayaw na ayaw nyo kong mag jowa?"
"Hindi naman sa ayaw namin, we're just protecting you alam mo naman baby girl ka namin diba... Atsaka ayaw ka naming nakikitang nasasaktan kasi hiniling kapa namin kay god" he explained.
Ayaw nila akong makitang nasasaktan? Which is nasasaktan because of break up? Weird... Natural naman nayun sa isang relasyon.
"Well, thank you parin kasi pumayag na kayo na mag jowa ako this time,"
"Talaga pasalamat ka,"
"Oo nga salamat nga... And I love you" saad ko saka sya tumingin sakin na gulat.
"Wow bago yun ah,"
I chuckled. "Tsk,"
"I love you too, our princess"
What the heck-? Princess na naman? I just rolled my eyes. Pinikit kona ang mga mata ko. Kahit nakapikit ako si Eroll parin naiisip ko. Masaya ako na kahit sa almost 1 year namin sa realsyon napatunayan ko na may lalaki paring kagaya nya. At nagpapasalamat din ako kay god na pinagtagpo ulit ang mga landas namin at nakabuo pa ng magandang mga memories together.
Masayang masaya akong nakilala ko sya. He was the best thing that ever happened in my life, even though he was the one who broke my heart into pieces. I'm really glad to having a chance to love a very lovely man like him. I wish best for him, and I hope that he could find someone who can love him more than I do.
---------
YOU ARE READING
Until Our Paths Cross Again [COMPLETED]
FanfictionDid the paths of two people possibly cross again after a very long time??