EROLL POV:
NANDITO na kami ngayon sa may tabi ng stone bridge kasi dito kami nag handa ng surprise kay Kourtney. And I'm glad she said yes. Kumakain kami habang diko parin maiwasan ang ngumiti dahil narin sa sagot ng babaeng mahal ko. Ilang sandali pa ay tinawag ako ni Zion and Harie. Kaya sumunod narin ako.
“Ano yun?” i asked.
“Eroll alam kong mahal mo ang kapatid namin at mahal ka ng kapatid namin... Pede ko bang malaman kung seryoso ka sakanya?” Zion said.
What kind of question is that? Of course I am.
“Oo naman, seryoso ko sakanya. Bakit?”
“'Cause if you're not, you can still said it now, because we don't want you to hurt her again. You don't know what she been through since you guys broke up” tugon naman ni Harie na seryoso din ang mukha. “Kami ang witness sa nangyayari sakanya noon. At ayaw na naming maulit yun”
“Makakaasa kayo sakin,” tugon ko naman.
They tapped my shoulder atsaka bumalik sa pwesto nila. Habang ako naman nakitang papalapit sakin si Mom kaya di nako umalis at hinintay nalang syang makalapit sakin.
“May sasbihin ka ma?” tanong ko.
“There's a person wants to congratulate you son,” aniya.
“Who is it? Your friend?”
“No.” saad nya saka bahagyang gumilid kaya napatingin ako sa likod nya.
Kung saan nakita kong naglalakad sya palapit sakin na may malaking ngiti sa mukha. It was him, my dad.
“Congrats anak,” he said.
“D-dad....”
“Oh come on don't cry. You know that I hate crying right?” he said kaya tumango tango ako.
Walang ano anong niyakap ko sya ng mahigpit. I missed him for real. Yung dapat na dadalaw ako sakanya hindi natutuloy kasi pinagbawal nya na may dumalaw sakanya kaya sa loob ng mga taon na hindi namin sya kapiling ay nasa loob sya ng rehab. And all those years he spent his birthday, christmas and even anniversary nila ni mom sa loob din ng rehab without us.
He didn't take it to heart 'cause he knows that it would be better for him to stay there, until he fully recovered. And now his standing infront of me congratulating me that I really wanted to hear. Kumawala na ulit ako sa pagkakayakap sakanya at tiningnan sya.
“D-Dad kelan kapa nakalabas?” I asked.
“It's been two weeks since makalabas ako ng rehab”
“Bakit dimo sinabi?”
“Hangga't maari, gusto ko munang siguraduhin na hindi nako babalik sa dati kong ginagawa... And don't worry I'm not alone, your mom is there too taking care of me”
“I missed you dad”
“Ako din,” he said and patted my head.
Agad nya namang nilibot ang tingin na para bang may hinahanap, kaya ako na ang nagtanong.
“May hinahanap ka dad?”
“Nasan nga pala sila Kourtney, ng makahingi narin ako ng tawad sa lahat ng ginawa ko sakanila”
“Nandoon sila” tugon naman ni mom sabay turo sa pwesto kung nasan sila Kourtney kasama ang family nya.
Nagtungo naman kami sa may pwesto kung nasan sila Kourtney and tita Venice. Halata ang gulat sa mga mata nito ng makita nila si Dad. Nakita ko naman agad ang kamay ni Kourtney na nanginginig, lumapit ako sakanya to calm her.
“Mahal, it's okay.” I whispered.
“B-Ba-Bakit na-nandito ka?” she askes my dad.
“Wag kang magalala, hindi ako nandito para manggulo. Binati ko lang ang anak ko. At gusto kong humingi ng tawad kay Venice at especially sayo” my dad said. Bumaling naman sya kay tita Venice. “Sorry Venice sa lahat ng nagawa ko sayo at sa pamilya mo.. At hindi ko alam na gagawin ni Dennis ang ganon sa sarili nya, pasensya na talaga”
I looked at tita and she smiled. “Sino ba naman ako para di magpatawad. At natutuwa ako naging aware kana sa mga nagawa mong mali. And about to my husband, masakit parin pero tinanggap ko actually namin. At di naman pwedeng magmukmuk ako kasi may mga anak din ako... At masaya nakong malaman na nasa maganda at masayang lugar na ang asawa ko.”
“Kourtney?” baling ni dad kay Kourtney.
“Alam mo po, malalang trauma ang naging caused ng ginawa mo sakin. Pero kung hindi ko naranasan ang ganon, di ako matuto na maging matapang sa lahat ng bagay. And especially diko makikilala ang anak nyo na dahilan kung bakit ako natutong magmahal” tugon ni Kourtney habang nakatingin sakin. Saka sya bumaling kay dad. “Wala namang mawawala kung susubukan kong magpatawad diba, kaya tito pinapatawad napo kita.”
Gumaan naman ang loob kong malaman na nagkapatawaran na sila. Lalo na sila Clarence and dad.
FAST FORWARD--------
Nakatayo lang kami ni Kourtney sa bridge habang pinapanood ang paghampas ng tubig sa dalampasigan. I moved closely to her and hold her left hand. Saka ko nilabas ang bracelet na binili ko last week para sakanya. Sinuot ko yun sa kamay nya at bagay na bagay.“Ano'to?” She asked while looking at the bracelet.
“A bracelet?”
“Oh man, I know that this is a bracelet... What I mean, bakit moko binigyan nito”
“Kasi bagay sayo at para may patalandaan nako na you're mine”
“Tsk, kapal mo ah. Manliligaw kapa ulit Eroll, means hindi pako sayo”
“May pag-asa bako?”
“Papayag bakong magpaligaw kung wala? Pero depende, baka kasi ma turn off ako”
“That's not gonna happen”
“Who knows.”
Nasa likod nyako habang yakap ko naman sya mula sa likod nya. Nakatingin din kami sa may mga bituin at half moon sa kalangitan.
“Mahal,” pagtawag ko pa sakanya.
“Hmm?”
“Nakikita mo ba yang mga bituin nayan?”
“Ano jan?”
“Ganda noh, susungkitin ko ang mga bituin nayan para sayo”
“Aanhin ko yan?”
Agad akong nanlumo sa reaction nya. I'm trying to be romantic infront of her, pero ang panget talaga neto kabonding ket kelan.
“Wala, panget mo kabonding”
“ikaw ang panget mo bumanat”
Natawa kami pareho. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdam ko ngayon. Ang makasama silang dalawa sa araw araw ang pinaka magandang nangyayari sa buhay ko. Nakita at nakilala ko sya sa maling oras at maling sitwasyon pero pinipilit ko na mabago ang lahat ng yun sa pamamagitan ng pagpaparamdam sakanya ng pagmamahal ng walang katapusan.
————————
YOU ARE READING
Until Our Paths Cross Again [COMPLETED]
FanfictionDid the paths of two people possibly cross again after a very long time??