KOURTNEY POV;
TAPOS na ang graduation namin. Umiiyak na nga ako ngayon eh, pano ba naman kasi eh!! Bakit kailangan nya pang pumunta ng state!?!?
Tapos ang tagal nya pa doon, kung pede nga lang sanang kausapin si tita na dito nalang si Eroll ia-sign sa pilipinas. Pero nahihiya ako kasi alam ko na para sa future yun ni Eroll, ayoko namang isipin ni tita na hinahadlangan ko ang future ni Eroll. Atsaka parang napaka unfair naman yata nun.
“Hey, don't cry.. Babalik din naman ako after 6 months” he said as he wiped my tears that falling on my cheek.
“Sabihan moko if babalik kana ha,” Umiiyak din sabi ko.
“Opo mahal, sige aalis nako. Babye I love you” sabi nya.
“I love you too,” I said.
Just then he kiss me on my lips. And then ng maghiwalay mga labi namin ay nagalakad na sya palayo sakin dala ang luggage nya. Ako naman di mapigilang di umiiyak. Ang tagal naming di magkikita.
Nang makita kong nakalipad na ang eroplano na sinakyan ni Eroll ay nagtungo na ako sa labas at sumakay ng taxi. 6 ng gabi na, gabi kasi binook na flight ni Eroll.
Sinabi ko yung adress ng apartment ko. Nakatira pala ako sa apartment, kasama ko dapat si Eroll don kaso nga umalis sya papuntang ibang bansa, pero actually nanirahan na kami sa apartment nayun 2 weeks nga lang.
“Ayy sh*t! Nakalimutan ko pang bumili ng beer bago ako umuwi dito!! Aishhhhh!” saad ko pa sa sarili ko.
Sabagay malapit lapit lang naman dito ang 7/11 kaya lalakarin ko nalang. Nang makarating ako ng 7/11 ay agad na tumunog ang phone ko, naka flash naman doon ang name ni Eroll kaya excited na sinagot ko yun.
“Oh mahal?” pagsagot ko.
“Aren't you happy that I call?”
“Of course I am” nakangiting saad ko.
Naglalakad naman ako sa may fridge ng mga can beer. Kumuha ako ng lima saka nagtungo sa may counter.
“Hello?? Mahal?”
“Ah yes?”
“Where are you?” he asked.
“Nasa 7/11 bakit?”
“Why aren't you answering me? Are you with someone right now?”
“Oh god, don't be jealous. Wala akong kasama, sadyang busy lang ako mamili”
“Nang ano naman, sa pagkakatanda ko marami pang stocks ang ref natin sa apartment” he said.
Ayokong sabihin na bumili ako ng beer kasi ayaw nya talaga na umiinom ako lalo na at wala sya ngayon dito.
“Ah-Ah...”
“C'mon, tell kung anong binili mo”
“I-I-I buy, s-s-some..”
“What did you buy mahal?”
“Fine, bumili ako ng beer” saad ko.
“Eto napo miss, 300 po lahat” saad ng counter.
Kumuha ako ng 300 sa wallet ko saka inabot sa counter. Inabot nya naman sakin ang plastic bag na may lamang can beer, saka na ako lumabas.
“And what are you going to do with that?” he asked.
I rolled my eyes. “Panonoorin ko lang hanggang sa maubos sila mahal, kingina”
“HAHAHAHAHA!!” pagtawa nya.
“So nasan kana, nakababa naba eroplano nyo?”
“Hindi pa, umuwi kana at gabi na”
“Opo, ikaw ingat ka doon ha”
“Yes po mahal, ikaw din ingat always love you mwuah”
“I love you too” sabi ko saka ko na binaba ang tawag.
Ilang sandali pa ay nakarating nako sa apartment. Nilagay ko naman agad sa ref yung limang beer saka nagtungo sa cr at naligo. Nang matapos ako maligo ay naglakad na ako papunta sa ref habang pinupunasan ang buhok ko. Nilabas ko na yung limang beer saka nilagay sa center table, kumuha narin ako ng chips para pulutan ko.
I opened the tv and watched kdrama. Btw may pinanood pala akong kdrama nakakakilig sobra. Alam nyo ba yung the business proposal, sobrang kinilig ako doon.
And with that nakita kong umilaw ang phone ko ang pangalan na naman ni mahal ang naka flash doon, pero this time nag message sya sakin. And when I read his message it was...
["hey mahal, don't forget to lock the door when you're going to sleep and when you leave the apartment. . Mahirap na"]
Napaka protective nya talaga. Hindi naka nag reply kasi gagawin ko rin naman. Pero.... Huhuhuhuhu!!! Mamimiss ko talaga sya ng sobra!!! Di ako sanay na wala na sya sa tabi ko, and worst 6 months pa syang wala sa tabi ko.
Uminom ng uminom lang ako nun, madali ako malasing kita mo nakakadalawang beer palang ako lasing na agad. I turned off the tv at saka nilagok yung alak.
Hanggang sa tumayo ako, and shucksss!! Umikot yata yung bahay, nang magsisimula nako maglakad parang may natapakan ako at doon nako natumba. And with that everything went dark.
——————————
YOU ARE READING
Until Our Paths Cross Again [COMPLETED]
Fiksi PenggemarDid the paths of two people possibly cross again after a very long time??