KOURTNEY POV;
NANDITO na kaming magkakaibigan sa bahay nila Yssa. Mag o-overnight kami dito kaya pina cancel ko ang flight namin for tomorrow. Nagdala din ako ng damit para pagaalis nako dito sa bahay nila Yssa makakaligo parin ako.
“Ang tagal Tiffany ha,” saad ni Yssa saka tumayo.
“Ikaw kaya sumuong sa traffic,” saad naman ni Tiff.
“Wehh? Tara na nga sa kwarto ko,” sabi nya saka nagpaunang maglakad.
Natatawang sumunod naman kami ni Tiff. Nang makapasok na kami sa kwaryo ay agad ni Yssa nilock yun. At dalin dali naupo sa bed nya.“Ano? Himala at nakisip kayo mag overnight dito” saad ni Yssa.
“Hindi mo pa sinabi sakanya?”baling naman sakin ni Tiff.
“Well, hinintay lang talaga kita”
“Sabihin mo na”
“Ysabell, aalis ako dito pupunta nakong state,” sabi ko sakanya.
“For vacation?”
“Hindi,”
“Then for what?”
“I think matatagalan bago ako makabalik dito... I'm planning to take over my family business there” I explained.
“pero how about Eroll?”
“Naghiwalay na sila. Ito namang kaibigan mo pupuntang state para din mag move on” tugon ni Tiff.
“Tara upo na tayo don, wait lang kunin ko lang yung beer sa ref,” tugon ni Yssa saka lumaoit sa mini ref nya.
Kami naman ni Tiff ay naglakad papunta sa may center table ng kwarto ni Yssa. Halata naman ang pagtingin ni Tiff sakin na nag-aalala. Syempre natural nlang na mag-alala sakin ang mga kaibigan ko. Yes tama sya, first ever break up ko'to... Na tatakasan ko lahat ng mga naranasan ko dito sa pilipinas. Ayoko naring munang makita ang mukha ni Eroll, kasi sa tuwing nakikita ko pa sya mas lalo lumalaki ang galit ko sakanya.
“Umiyak ka noh?” she asked.
“Natural iiyak yan Tiffany,” sabat naman ni Yssa.
“Mahal mo paba?” tanong ulit ni Tiff sakin.
I looked at her, and immediately avoid her eyes met mine. Baka makita nya, sabi nga nila eyes never lie. Pagsinabi kong oo pipilitin ako ng dalawang 'to na makipagbalikan kay Eroll.
“Ano Kourt, tinatanong ka ni Tiff. Mahal mo paba?”
“Ewan, siguro... Basta halo-halo kasi nararamdaman ko ngayon eh, pero mas nangingibabaw ang galit ko sakanya”
“Kung mahal mo pa sya Kourt, no need to deny.. Kasi dika naman namin pipilitin eh, pero kung ayaw mo na talaga susuportahan ka namin sa kahit anong desisyon mo” Tiff said.
“Oo nga Kourt, basta sabihin mo lang kung may problema ka we always here to listen to you...” sabi naman ni Yssa.
“Ano bayan, pinapaiyak nyo na naman ako eh, inom na nga lang tayo,” saad ko pa.
Saka inabot yung beer na kinuha ni Yssa. Atsaka yun binuksa at ininom. Mahal ko paba? Siguro. Marami rami narin kaming nainom.
“Kayo Yssa kelan kasal nyo ni Ezekiel?” tanong ko.
“Hindi pa namin napag-uusapan yan”
“Eh?” saad naman ni Tiff.
“Oo nga hindi pa namin yan napaguusapan”
“Pagusapan nyo na kaya,”
“Oo Tiff bukas na... Atat ka masyado eh”
Pagtatalo pa ng dalawa. Sabagay medyo my katagalan narin naman si Yssa and Ezekiel. Kaya pwede na silang magpakasal. And they both successful, at match talaga sila.
After a while ay nanood kami ng mocue hanggang sa napagod na kami at napagpasyahang matulog na. Nasa gitna ako habang sila nasa both side ko. They hughing me.
“Mamimiss kita Kourtney” Yssa said.
“Ako din. Mawawalay yung may mood swing satin” Si Tiff.
“tsk, pede naman kayo dumalaw don eh”
“Kourtney, kung nasasaktan ka. Mas nasasaktan kami sa ginagawa mo... At kung gusto mo na talagang makalimutan si Eroll sige lang hanggang sa mawala nayang sakit ha, kasi masakit sa part naming nakikita kang nasasaktan din” Yssa said.
I hold their hands.“I promise, pag bumalik nako dito... Naka moved on nako, masaya nako at ready na ako ulit sumbak sa panibagong pagsubok. Kung baga, pumunta ako lang ako sa state to find myself.”
“Yeah, we support you to that vebs” Tugon ng dalawa saka natulog.
Yung mga sinabi ko diko alam kung magagawa ko ba. Lalo na sa moved on, di naman kasi ganoon kadali mag moved on especially si Eroll is first ever boyfriend ko. Kahit na sabihin nating sinaktan nya na ako dati. Ibang reason naman ngyong kung bakit need ko pang tapusin ang saamin.
Maybe this is the whole thing that the world wanna tell us. And giving him up was the very tough decision that I ever made in my whole life. But I know that this decision will lead us to the better life. I hoped that he can find someone better than me, and I know he really did. My only wished right now is sana makaya ko. At sana maging maayos ang lahat.
———————
YOU ARE READING
Until Our Paths Cross Again [COMPLETED]
FanfictionDid the paths of two people possibly cross again after a very long time??