KOURTNEY POV;
NANDITO AKO ngayon sa bahay nila Miguel, lalaking nakakita sakin ng himatayin ako sa kalagitnaan ng ulan. Nakatambay ako sa labas ng bahay nila at ponapanood kung pano maglaro yung mga bata kahit madilim na, tapos may mga naka upo pabilog at may maliit na lamesa sa gitna kung saan nakalagay ang alak nila tapos shot glass.
Napatingin naman ako sa bandang kaliwa ko kung nasaan si Jessy kasama ang mga kaibigan nya habang nag ti-tiktok.
“Huy ayos ka lang?” tanong ni Miguel na naupo pa sa tabi ko.
“Oo, btw thank you for helping me kanina”
“Sus wala yun, so pano bukas hatid kita sainyo gusto mo?” he said.
“Ah actually I have a favor sana,”
“Sige ano ba yun?”
Medto nahihiya ako na magsabi sakanya. Baka sabihin nito na ang kapal naman ng mukha ko, ako na nga 'tong tinulungan. Pero this is it, now or never.
“Can I stay here hanggang bukas?” saad ko hindi naman agad sya nakasagot. “oh, ayos lang if you—”
“Hindi naman sa ayaw ko, squater 'to. Maingay, mabaho, baka kasi dika sanay sa ganitong lugar eh”
Natawa naman ako. “No its fine to me, please dito muna ako kahit hanggang bukas lang”
“O sige, basta sabihin mo sakin oag hindi kana komportable ha,” he said again.
“Yes sir!” malakas na sabi ko saka sumaludo sakanya. HAHAHHAHAA natatawa ako sa pinaggagawa ko.
Nagtawanan kaming dalawa. I still have school tomorrow pero pede namang um-absent kahit isang araw lang kasi friday naman na bukas, sunod nun Saturday na kaya wala ng pasok. At saka gusto ko makalimutan ang problema ko kahit ilang oras lang na wala ako sa bahay.
I can't believe Eroll would do such a thing in me especially my own dad, they all hurt me.
“Ah Kourtney matanong ko lang, may dahilan kaba para di ka umuwi sainyo?” biglang tanong ni Miguel.
Tumingin ako sakanya na nakatingin din sakin. Nag iwas ako ng tingin at tumingala sa langit.
“Just a family problem,” I answered.
Kitang kita mula sa kinauuouan ko kung gaano ka bikog ang buwan at meron naring mga stars. Di katulad kanina nawala kasi maulan.
“Ahh, ano namang trabaho mo?” tanong nya na kinatingin ko sakanya.
“I don't work, third year college palang ako”
“Ahh ganon ba”
Tiningnan ko ang suot nyang wristwatch to know the time. And it's already 8pm. Pero ang dami paring tao dito sa labas. Di tulad sa subdivision namin na walang ka tao tao sa labas. Nilibot ko ang tingin ko at napunta namam sa mga kalalakihang ka edad ni Miguel na nagiinuman. Tumingin ang isa sa pwesto namin kaya agad akong napaiwas ng tingin.
“Miguel tara shot!” saad ng isa sa mga nagiinuman kaya napatingon ako.
“Oo nga Miguel, sama mo narin yang kasama mo” saad naman ng katabi ng unang nagsalita
“Baliw bawal pa sya, atsaka pass ako may byahe pa ako bukas” tugon ni Miguel.
Byahe? Bakit saan naman sya puounta? Sa tagal na ng oras na magkasama kami never ko pa natanong kung anong trabaho nya o nag aaral paba sya.
“Ah Miguel,”ani ko.
“Hm?”
“San ka pupunta bukas?” tanong ko.
“Huh? Bakit mo natanong?”
“Wala lang, sabi mo kasi byahe. So Im thinking na may pupuntahan ka tomorrow”
“Ahh mag tatrabaho ako, trycicle driver kasi ang trabaho ko” he said na kinagulat ko.
“Ahh, ingat ka,”
“Salamat”
Ngumiti ako sakanya, pero curios parin ako. Kaya diko na nagawang alisin ang tingin sakanya.
“O? Napano ka Kourtney?” utag nya sakin. I shook my head to clear my mind.
“Ah wala, pero diba mahirap ang trabaho mo?” I said.
“Sabi ng iba oo, pero para sakin hindi kasi kinasanayan ko na,”
“Nakakailang kita ka naman?”
“Ngayon 150 lang kasi matumal pasahero ngayon,”
“How much yung pinakamalaking kita mo?”
Galing mo Kourtney nagiging mafites kana. Maybe because if I know how hustle their life is, I can offer them a help to start a small business here. Atsaka parang bayad narin for helping me.
“Ah siguro ang pinakamalaking nakuha ko ay, 2700 pataas.”
“Oh, mahirap nga talaga”
O diba, ako nga waldas ng waldas ng pera ng pamilya ko eh. Pero nmtumutulong din akl sa orphanage. Atsaka Im not the type of girl, who loves shopping everytime.
Mahirap nga talaga ang trabaho nya. Pero siguro kinakaya nya kasi may pamilya syang binubuhay. At nakaka amaze pa na maliit lang ang bahay nila pero kumpleto at masaya sila sa loob. Saamin naman malaki nga bahay, masaya naman kami pero diko namam hawak time ng pamilya ko. Kaya may mga times na iiwan nila ako kasi mas priority nila work nila. Pero naiintindihan ko naman sila.
“You know what, afye I finished my study. I'm going build my own company, and if that really happened I want yo hire you as my first employee. What do you think?” I said.
“Salamat. And goodluck, I know na matutupad mo yan, maghihintay ako”
“Thanks”
Agad kaming napatingin ni Miguel sa pintuan ng lumabas si Jessy mula sa loob.
“Kuya tawag ka ni mama” saad ni Jessy.
“Bakit daw?” tanong naman ni Miguel.
“Yung picture kasi ni ate Kourtney nasa tv”
Agad kaming nagtinginna ni Migiel at patakbong pumasok sa loob ng bahay nila. At doon ko nga nakita ang picture ko, pati si mom with kuya Clarence. Tsk, di pa nga ako 24 hours nawawala nagpa tv na agad sila.
“Pamilya mo ba sila iha?” tanong ng mama ni Miguel.
“Opo,”
“Sobrang nag aalala na sila sayo,” Miguel said.
Hindi nalang ako sumagot at naoayingin sa tv. Kung saan umiiyak si mom, I miss my mom. I want to stay here a little longer, but I know my parents would do everything just to find me.
—————————
YOU ARE READING
Until Our Paths Cross Again [COMPLETED]
FanfictionDid the paths of two people possibly cross again after a very long time??