KOURTNEY POV;
“MOM I'm done” sigaw ni Earl habang pababa ng hagdanan namin.
“So let's go” I said and hold his hand.
Pinabihis ko sya kasi ihahatid ko sya kay Eroll at ng makapag bonding naman silang mag ama. Nagpaalam nako sa mga kapatid ko saka na kami umalis ni Earl sakay ng kotse ko.
“You gonna leave me with daddy today?” he asked.
“Yes, I have alot of work to do right now”
“Tsk, as always,”
“Son,”
“Until when you gonna leave me with daddy?”
“Later I go pick you up, don't worry. And aren't you happy that you have time to be with your dad?”
“Is not that I'm not happy, I'm just sad 'cause you weren't there with us”
I lookes at him but his looking outside the window.
“Don't worry son, if I finish my work early today I go there to join you” I said kaya nakita kong napatingin sya sakin.
“Really?” he asked and I just nod. “Then you should drive faster and leave me with dad, and then go to your workplace and finish your work early so you can join us”
Sunod sunod na tugon nya na halatang excited na matapos ko ang mga gagawin ko. Gusto ko din naman matapos ng maaga para makita ko kung pano mag catch up ng mga years na wala si Eroll sa tabi ng anak ko habang lumalaki ito.
After I dropped my son over at Eroll's house ay nagdrive nako papunta sa company namin. Agad kong nakita ang secretary ko na naghihintay na sa may entrance ng comapany. Kaya agad nakong nag park at bumaba saka lumapit sakanya.
“What are you doing here?” I asked her as we walked towards to the elevator.
“Maam si Sir Kenneth po nasa opisina nyo” she said kaya napatingin ako sakanya, sakto namang bumukas ang elavator kaya pumasok na kami.
“What is he doing here?”
“Hindi nya po sinabi eh, basta daw po gusto ka nyang makita”
Nilabas ko agad ang phone ko at tinawagan si Kenneth. Nag apat na ring bago nya sinagot.
“Hello Kourtney.” he said.
“Nasa opisina daw kita?” I asked.
“Oo, kanina pa nga kita hinihintay eh,” aniya.
“Sige wait me there,”
I end the call atsaka bumukas ang elevator sa may floor na ng opisina ko. Dali dali akong lumabas at nagtungo sa opisina ko. Pagbukas ko nun nakita ko agad ang likod ni Kenneth. Kahit nakatalikod talaga ang lalaking 'to napakagwapo na.
“Kenneth” pagtawag ko pa sakanya.
“Oh sh*t you've been much prettier than before” he said.
Saka sya naglakad palapit sakin at niyakap ako. Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap ay inabutan nya ako ng bouquet of flowers. Sinenyasan ko naman yung secretary ko na iwan kami saka naman sya lumabas. Pinaupo ko ulit si Kenneth sa sofa ng opisina ko atsaka nilagay sa table ko yung bulaklak. Atsaka OA nito, 4 days palang akong wala sa paningin nya eh, may pa before, before pang nalalaman.
“So, bakit ka nga pala nandito sa pilipinas? Diba sa state ka lang hanggang matapos yung issue mo kay mr. Lee?” I asked.
“Tsk, that's issue is already close... Nagawa pang bayadan ni mr. Lee ang secretary ko magsinungaling lang”
“Tsk, dina talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking yun eh,”
“Tama na nga nyan, so nasan si Earl?” He asked.
Oh god! Pano koba sasabihin sakanya na kasama ni Eroll si Earl. Baka kasi magalit sya if malaman nya na nagkita na yung dalawa eh, especially kami.
“Hello...”
“u-uhhh... H-He's with his dad” yan nalang sabi ko habang nakasandal sa lamesa at iwas ang tingin.
“So he already meet his dad, is he nice to Earl?”
“Oo naman,”
“Good. So how about the two of you?”
“Anong the two of you?” inosentemg tanong ko.
Tinatanong nya ba kung nagkabalikan kami ni Eroll. Alam nya naman di pwede hangga't nanliligaw sya eh.
“Ano, you know if he asked for a comeback for Earl sake”
“Nah! Magkakaanak na sila ni Princess at ayos nakong kahit dalaw-dalawin nya nalang ang anak namin, di na kailangan ng comeback pa” I said.
Tumayo sya at niyakap ako. His smell, sh*t kaparehong kapareho kay Eroll. Kaya yata pumayag ako na ligawan nito dahil narin sa kaamoy nya si Eroll.
“Yieee sweet naman ng nililigawan ko” He said kaya mahinang pinalo ko ang dibdib nya.
“Umalis kana, marami pakong gagawin kita nalang tayo mamaya sa bahay”
“Pinapaalis mona agad ang suitor mo?”
“Oo, bilis na alis na. Tawagan kita pag natapos ko agad yung work ko tapos hatid moko sa bahay kung nasan ang anak ko”
“Okay, okay... Don't over work yourself love” he said and give me a flying kiss and winked at me.
Natawa lang ako at agad naman syang lumabas. Ayokong masaktan sya, kung sasabihin kong nanunumbalik ang nararamdaman ko kay Eroll lalo na ngayong nagkita na ulit kami. Mali man kasi magkakapamilya na sya at ako may anak at may manliligaw din. If ipagpipilitan ko ang sarili ko kay Eroll aware akong di lang isa ang masasaktan ko kundi marami, including my son.
Siguro linawin ko muna ang relasyon ko kay Eroll na, para nalang sa anak namin ang— naputol ang pagiisip ko ng magsalita ang secretary ko.
“Maam may gusto pong kumausap sayo dito,”
“Sino?” I askes back.
“Dalawa sila—”
“Kami 'to Kourtney,” nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni SHAWN!?
“Come in,”
Bumukas yung pinto at pumasok don si Shawn and Princess na magkasama. Inaalalayan ni shawn si Princess dahil nga sa buntis ito. Napaiwas ako ng tingin ng maalalang si Eroll ang ama ng dinadala nya.
“We came here to talk to you,” ani Princess.
I looked at her with my poker face and then pinaupo ko sila sa sofa kaya naupo narin ako. Diko alam kung saan mapupunta ang usapan na'to pero since nandito narin sila wala nakong magagawa at ayoko nalang na laging takbuhan ang present dahil lang sa natatakot akong marinig ang katotohanan.
————————
YOU ARE READING
Until Our Paths Cross Again [COMPLETED]
FanfictionDid the paths of two people possibly cross again after a very long time??