PART 2 CHAPTER 26

85 4 0
                                    

MIYO'S P.O.V.

malapit ng mag christmas party..kaya eto excited kaming tatlo nila Jaymie at Rina..

nauna na ako sa room dahil alam kong nag iintay sakin si Kevin..pero on the way sa room nakasalubong ko si Steph at Rhod..

"hi Mika!" bati nya sa akin..naaasar talaga ko pag nakikita ko sya..nagderederetcho pa din ako ng lakad..

di ko napansin na nakaharang yung paa ni Steph kaya napatid ako at tumama yung tuhod ko..

*ouch*

"sorry,di ko sadya!" pang aasar nya.

pinilit kong makatayo kahit nung una ay paika ika pa akong maglakad..

"ingat ka sa susunod.baka ulo mo ang tumama!!" dagdag pa nya..

pagpasok ko ng room nakita agad ako ni Kevin at nilapitan ako..

"anong nangyare?" bungad nya.

"nadapa." sagot ko..

tinaas nya ng bahagya yung palda ko at nakita nyang namumula ito at may gasgas..

"tara!" at hinila nya ko palabas..

"ah!wait lang! saan ba?"reklamo ko.

"sa clinic" at nagpunta na kami duon..

hinugasan nya yung tuhod ko.tas nilagyan ng parang alcohol.pagkatapos ay pinahiran ng betadine at nilagyan ng bandaid.

bumalik na ulit kami ng room..ang sweet nya..oo.mahal ko na si Kevin..at sa mga ipinapakita nya.lalo akong nahuhulog sa kanya..

---
uwian na..at sabay kami ni Kevin..dun kami sa kanila.may surprise daw sya sa akin..

habang iniintay ko sya sa labas ng room.nilapitan na naman ako nitong Stephaney na ito.ayaw ko na nga sanang pansinin ang kaso ayaw akong tantanan..wala na kong nagawa kundi makinig sa pang iinsulto nya..

hanggang sa mapunta na dito yung topic.

"kawawa ka naman!" at umarte ng kunware naaawa sya sa akin..

"ano na naman yan..?" tanong ko..wala na ba syang gagawin kundi tapaktapakan ako?

"wala lang..hmmm..naagaw ko na kasi sayo si Rhod!" pagdidiin nya..

"matagal ng wala kami..ano ng pakialam ko?!" kahit deep in side nasasaktan na naman ako..kailangan kong mag pretend na bali wala lang lahat..

"ow?haha..oo nga pala.may bago ka na.si Kevin!" sa tono ng pananalita nya halatang gusto nya kong asarin..

"wag mong idamay si Kevin dito!" depensa ko.."o baka naman pati si Kevin aagawin mo din sakin?!" kailangan kong pantayan yung katarayan nya..

"no-no-no!" tapos sumeryoso yung mukha nya at nagpatuloy.

"di ako papatol sa mga sinungaling,mapagkunware at manlolokong gaya nya..!" biglang nagbago ang ihip ng hangin..maniniwala na naman ba ko sa kanya e sya yung mahilig gumawa ng kwento?

"i dont believe in you!" napasigaw na ko..kaya napatingin sa amin yung ibang estudyante..

maya maya pa ay lumapit na si Kevin..

"tara na!" at hinila na nya ako..

"bakit ka nagmamadali.may ayaw ka bang malaman nya?" sabi ni Steph na sumusunod samin..

"wag mo syang pakinggan.!" at nagderetcho na kami sa paglakad palayo sa kanya..

"mag iingat ka Mika!"dagdag pa nya..

---
sa bahay nila Kevin..

tulala ako..bakit ba ang bilis kong maapektuhan..

*doorbell*

"andyan na sila!" tapos tumayo si Kevin at pinagbuksan sila ng pinto..di ko alam na may bisita pala sya ngayon..

napatayo ako ng makitang kasama nya si Rhod at Ems..anong ginagawa nila dito?

"sige..mauna na ko!" kinuha ko yung bag ko at saktong aalis ng hawakan ako ni Kevin..

"please stay..importante ito!" sabi ni Kevin kaya pinilit kong ikalma ang sarili ko..naupo muli ako sa pwesto ko at inilapag yung bag..

bago magsimula ang usapan ay naghanda muna si Kevin ng meryenda..kinukutuban ako..

pinagsalin pa ako ni Kevin ng tubig sa baso..bago sya magsalita,pinilit muna nya akong uminom ng tubig..kinakabahan talaga ko..

"alam kong mabibigla ka sa maririnig mo..!" bungad ni Kevin..lumagok ulit ako ng tubig.

"pero ang maririnig mo ay pawang katotohanan..this will hurt you pero eto na lang yung naiisip naming paraan para malinawan ka!" nagkatinginan silang tatlo na tila ba kumukuha ng signal.

"pano ko ba sisimulan to?" halatang kinakabahan din si Kevin..pero iba yung kaba ko..may kung ano akong nararamdaman na anumang oras maiiyak ako sa maririnig ko.

"i love you so much and ayokong magtago ng sikreto sayo..nung una isa lang itong plano.pero di nagtagal tinalikuran ko yung plano na yon para sayo!" tapos unti unti syang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay at lumuhod..

"anong plano?" tanong ko..naguguluhan ako pero parang alam ko na kung ano yung sinasabi nya.posible kayang?

"make you mine.at pag nakuha na kita,ill break your heart!" tapos napayuko sya..as i expected..pero di ko alam na pede pala iyong mangyare sa totoong buhay..akala ko sa drama lang yung gantong idea..

"im sorry! sorry kung hindi ko agad nasabi sayo!" naramdaman kong bumagsak na ang mga luha ko..may pakiramdam akong niloko nya ako..
pilit kong inalis yung pagkakahawak nya sa kamay ko.pero ayaw matanggal..

"i give up the plan!ng maramdaman kong mahal kita napagdesisyunan kong hindi kita sasaktan..i will love you truly..at ipagtatanggol kita laban kay Lara!" paliwanag nya..

pero sana pa lang nung una pa lang sinabi nya na ng hindi ako nagmukhang walang alam..so,sa aming apat dito.ako na ang huling nakakaalam.at pumayag si Rhod sa gantong plano?

"so alam din nila to?" tanong ko na nanginginig nginig yung boses..

"yup.pero nito lang!" sagot ni Ems..

"so bakit ka nakipaghiwalay sakin ng walang matinong rason?"nilakasan ko ang loob ko para magkaron ng kasagutan ang mga tanong ko..

"akala ko yun yung tama..lagi na lang kitang nasasaktan.akala ko kapag pinalaya kita you will feel ok." tapos lalapit din sya sa akin..

"dont you get it!mas sinaktan mo ko ng iniwan mo ko!" nilabas ko na ang galit ko..ang kaso,eto na naman ang gantong pakiramdam..namamanhid na naman ang kamay ko,dibdib at mukha..baka maulit na naman..

napaupo ako bigla..at mukhang natataranta sila..pinainom ako ni Kevin ng tubig tapos itinapat naman ni Rhod yung electric fan..

parang di ko maabsorb ang mga rebelasyon ngayong araw na ito..sobrang sakit..

"uuwe na ko!" kinuha ko yung bag ko at tumayo..

"Miyo!" pag pigil sa akin ni Kevin at Rhod.

"ililigtas ka namin kay Lara..nagawa ko lang ito dahil sayo..wala akong balak na lokohin o iwan ka at saktan..im here for you!kaya nga minabuti na namin na aminin sayo bago pa mahuli ang lahat!" paliwanag ni Kevin..

hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.naiipit ako..hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil inamin nila sakin kahit masakit.o magalit dahil piling ko niloko ako at nag iisa..

"pagod na ko.!" at nagderetcho palabas ng pinto at gate..

nagulat ako ng pagbukas ko ng gate namin ay may humintong van.iniluwa nuon ang dalawang lalake..hinawakan ako nung isa..at yung isa naman sinikmuraan ako..hindi pa nakuntento at may kung anong ipinaamoy sakin na naging dahilan upang manlambot ako at mawalan ng malay.

BARKADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon