DEDICATED po ito kay faxwhispererpaulsen at the_reDink
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BARKADA
CHAPTER 5
Childhoodfriend
MIYO'S P.O.V.
Maaga akong pumasok kasi bawal ma late..as usual .pag kasi nalate kakanta ka mag isa ng Lupang Hinirang.
pag pasok ko ng room pinagkakaguluhan ako ng mga bago kong kaibigan.remember Apple and Nikki.pati si Marlon.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
RINA'S P.O.V
Hay...ang ingay ingay..ang aga-aga.anu bang meron yung Miyo na yan?nakakairita lang..
napansin kong pumasok na pala si Ems.kaya nilapitan ko ito agad..kinamusta ko kung nag enjoy ba sya sa pag absent kahapon..medyo asar lang naman sya..wag ko na lang daw itanong..
napansin kong papasok na si Rhod.kaya kinawayan ko at tinanong din ng kamuzta.?
'ako?nakakainip..dapat pumasok na lang ako.' reklamo ni Rhod
'sana inenjoy mo na lang..isipin mo bakasyon pa din..haha..'pagbibiro kong sagot sa kanya.
nakita naming papasok si Jaymie..binati sya ni Rhod ng ''morning Jaymie''pero hindi naman ito napansin.papunta sya kay Miyo at parang may dala syang regalo..para san naman kaya iyon?
'excuse me.excuse me..hehe..padaan' excited na sabi ni Jaymie..ni hindi nga kami napansin
nakipagsiksikan na din sya dun sa mga classmates kong parang ewan.tapos inabot na nya yung maliit na box na yun..di ko nga lang alam kung anung laman..
'this is for you,Miyo.' sabay abot nung gift
'thank you jaymie' tapos nginitian nya si Jaymie
ni hug pa ni miyo si Jaymie..nakakaselos lang..kasi parang inaagaw ni Miyo na yan ang best friend ko.best friend ko din si Jaymie.ang kaso mas lamang sya kasi mas matagal na silang magkakilala..ang kwento pa nga ni Jaymie parang since birth daw bff's na sila..ganun katibay yung best friendship nila...naiinggit tuloy ako kaya naaasar ako kay Miyo na yan..
parang nag iba yung expression ni Ems ng marinig nya yung name na Miyo..
naalala nya daw yung kababata nya..meaning...totoong close na close talaga sila..
napansin ko din si Rhod na nagtataka...
'may classmate ba tayong Miyo?' halatang nag iisip si Rhod
napabalikwas si Ems ng makita nya nga si Miyo..ayun nagtatakbo papunta sa kinauupuan ni Miyo.
'Miyo?,oo nga..ikaw nga Miyo..' parang nakakita sya ng kayamanan..
mukhang nagulat si Miyo na makita din si Ems..at ayun nga..pinagkaguluhan na sya...naaasar ako..pati ba naman si Ems?
lumapit samin si kanata..kinamusta nya si Rhod..itinuro nya si Miyo at ipinakilala na sya yung bago naming cm8.ang nakakaasar lang parang ewan lang din tong si Rhod..natulala na kay Miyo..what the...
mas lalo lang talaga kong naiirita..halos lahat ng classmate namin gusto sya..tapos yung best friend ko piling ko baliwala na ko kasi bumalik na yung original bez nya.Si Ems at Rhod parang nagayuma..
whats next na mangyayare?nung dumating lang yang Miyo na yan nagbago na ang lahat.
buti na lang dumating na yung teacher namin..para maiba na yung focus ko..
as a secretary.pinagsulat ako ng lecture sa black board para kopyahin ng mga classmates ko..at ng matapos ko na yung pinapasulat naupo na ko..nagpahinga ko ng konte tas nagsulat na sa notebook ko..hindi naman kasi ko excempted..yun lang nakaka asar pag secretary ka..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
EMS P.O.V.
Kakapasok ko lang..kaya ako absent kasi nung sunday namasyal kami sa star city..sinakyan namin lahat ng rides..sobra sinamaan ako ng katawan kaya hindi ako nakapasok.. nakakahiya mang sabihin pero nagsuka ko ng suka..para na nga akong lantang gulay..pinagtatawanan na ko nila Jaymie dahil ka lalaki kong tao ang hina daw ng sikmura ko...na tyambahan lang yun..
ngayon..fully recovered na ko..lalo na nung makita ko si Miyo..narinig ko yung name nya ng dumating si Jaymie kaso hindi ko naman nakita kasi nga natatabunan sya ng mga clasmates ko.pero sya talaga yung una kong naisip..hindi lang talaga ko makapaniwala na classmate ko sya ngayon dahil antagal ng panahon na lumipat sya sa malayong lugar.
napabalikwas ako sa kinauupuan ko at nakipag siksikan na din..
'Miyo?,oo nga..ikaw nga Miyo..'
medyo excited kong pagkasabi..halata namang nagulat din sya sakin..
'ems?.'tanong nyang may halong gulat at pagtataka..
'oo ako nga.kelan ka pa dumating?'tanong ko na medyo excited.
'last month pa..kaso kapapasok ko pa lang kahapon kasi bigla akong nilagnat..'sagot nya.
'a ganun ba?hehe..masaya ko magiging kaklase ulit kita..'
sa pagkakatanda ko kasi 4 years din yun nung huling naging magkakaklase kami.mga grade 4 kami nun...hindi na nga yun nakapag paalam ng maayos samin..ang huling natatandaan ko bago sya umalis e nung nagswimming kami nun..may sinabi syang lilipat na daw sila ng bahay ng mommy nya..nalungkot ako pero hindi ko na lang inisip yon.tas nagulat na lang ako..1 week pgkatapos ng swimming na yon umalis na sila..
ang huling contact ko sa kanya ay nung grade 6 na kami..nalipat daw uli sila ng bahay kaya iba na naman yung school nya..nahihirapan daw syang makisama sa mga bago nyang classmates..ikaw ba naman ang magpalipat lipat ng school at graduating ka na..malamang yung mga classmates mo nun ay magkakakilala na.kasi since grade 1 daw hanggang grade 6 sila sila yung magkakaklase...medyo nag alala ko kasi may pagka mahiyain sya..buti na lang ngayon napagtagumpayan na nya yun..
na udlot yung kwentuhan namin dahil dumating na yung teacher namin at nagpasulat na ng lecture.
magandang buena mano sa katulad kong kapapasok lang..
napatingin ako kay Rhod kasi tulala sya kaya pinukol ko sya ng crumpled paper..at ayun.nakita ko ni ms.Ann. at napagalitan ako.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[A.N] kaya mga estudyante.wag kayong mamumukol ng papel pag nakaharap ang teacher..piz.hehe..
comments and suggestions?enjoy reading..
BINABASA MO ANG
BARKADA
Teen FictionAng hirap bumuo ng mga bagong kaibigan dahil palipat lipat ka ng school dahil sa trabaho ng magulang mo.pero makalipas ang ilang taon magbabalik ka kung san nagsimula ang lahat.. yung mga kaibigan mo kaya dati ganon pa din kaya ang turing nila sayo...