BARKADA
CHAPTER45
daddy's home
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MIYO'S P.O.V.
after 1 week kong nasa hospital pinayagan na din akong umuwe..bale 2 weeks na kong di nakakapasok ng school.kailangan ko pa din daw kasing magpahinga..
si Rhod kahit may nararamdaman at kailangan din magpahinga sumisimple para dalawin ako dito samin.ang sweet ng dadi ko..
excuse naman kami.binibigyan na lang kami ng special assignments.at yung mga lecture pinapahiram naman ako nila Jaymie..
mag-isa lang ako dito sa bahay.maaga namang umuuwe si mommy as always..
*dingdong*dingdong*
sino naman kaya ito..dahan dahan akong tumayo sa kama at sumilip sa may sala kung sino yung tao..
sila Mommy at Daddy!!nasa labas,..nagmadali akong buksan ang pinto at lumabas para salubungin sila..di ko maexplain. parang di makatotohanan ang mga pangyayare..ang sabi kasi ni mommy kung natatandaan ko e december pa ang uwe ni daddy.tapos ngayon nandito na sya..e november 15 pa lang wa?
hi nug ako ni daddy..
'ouch!' sabi ko kasi masakit pa din..
'im sorry baby..tara sa loob..madami akong pasalubong sa inyo ni mommy mo..' sabi ni daddy tapos pumasok na kami sa loob ng bahay..
sinurpresa ako ni mommy at daddy.di pala pumasok si mommy ng work at sinundo si daddy.siguro kung wala akong nararamdaman malamang kasama ako sa pagsundo kay daddy..
hmmmm..ang saya ko kasi buo na ulit ang pamilya ko..after 2 years kasi nagkita kita ulit kami.si daddy 7 years na sya abroad.nung una nahirapan sya pero dahil matyaga si daddy regular employee na sya..nag-usap sila noon ni mommy.actually monthly naman nagpapadala si daddy samin..si mommy lang yung mapilit na gusto nyang magtrabaho..kaya dalawa silang may trabaho.hehe..
'mika..' tawag sakin ni daddy.
'po?' sagot ko..
'diba kwento mo sakin gusto mo magkaron ng laptop?'tanong ni daddy.
'opo..pero ok na po yung computer natin dito..'sagot ko..
'talaga?e pano kung sabihin kong...tanan!!' sabay pakita sakin ng bagong bagong laptop..
im shooked!!di ako makapaniwala..speechless..tulala ako..
'mommy!mukhang di ata nagustuhan ng baby natin..' sabi ni daddy kay mommy.
'nope!what i mean is i love it!!thanks daddy!' sabay hug kaso medyo sumakit nanaman sya..
BINABASA MO ANG
BARKADA
Teen FictionAng hirap bumuo ng mga bagong kaibigan dahil palipat lipat ka ng school dahil sa trabaho ng magulang mo.pero makalipas ang ilang taon magbabalik ka kung san nagsimula ang lahat.. yung mga kaibigan mo kaya dati ganon pa din kaya ang turing nila sayo...