BARKADA
CHAPTER 7
pick up lines
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Miyo's P.O.V.
Medyo nagulat ako ng napasigaw yung teacher namin..bigla nyang tinawag si Ems.
'Mr.Emilio Cardinio.'imbis na nagsusulat ka bakit mo binato ng papel sa mukha ang kaklase mo?tanong ni Ms. Ann na may halong pandidilat ng mata.
tahimik lang si Ems pero yung mga classmates ko nagtatawanan..isa na don si Jaymie..pasaway talaga si bez..ingat sya baka makita sya ni ma'am na tumatawa..at ayun nga..napagalitan yung iba kong classmate..
pinag sorry na lang ni Ms. Ann si Ems..saktong pagka sorry ni Ems tumunog yung bell..kaya naman next subject na..
nag iwan lang si ma'am ng isusulat..si Rina deretcho na naman sa black board para magsulat..
at ng breaktime..
yung binato ni Ems ng papel kasama namin..Rhod pala name nya..
para syang wala sa sarili..ahaha..yun yung first impression ko sa kanya..
pinakilala nila ko kay Rhod..makikipag shake hands ako pero parang ayaw nyang kunin yung kamay ko..may pagka Rina attitude kaya sya?
maya maya nakipag shake hands na din sya..
kaya pala sya wala sa sarili kasi hindi sya kumaen ng breakfast..ililibre daw sya ni kanata ng makakaen..
nagkukwentuhan sila about kung bakit na absent si Ems kaya naitanong ko..sinagot naman ni Rina kaso parang ewan lang..huhu..wala naman akong ginagawa sa kanya..bakit ganyan yung tono ng boses nya pagdating sakin...natahimik na lang ako..
maya maya..
'guys..this time kasama na natin si Miyo..ano?tara?game?sabi ni Kanata
medyo nag aalinlangan ako kasi piling ko hindi pa ko tanggap ni Rina bilang kaibigan..di ko din alam kung pano pakikisamahan tong si Rhod..pero mas mukha naman syang approachable kay Rina..
ayan tuloy..kahit medyo di pa ko makapag decide e napapayag na din ako..hindi ko kasi mahindian tong best friend ko..sila daw bahala sakin..ok game..
kumaen kami ng burger at iced tea sa canteen..tapos dumeretso na sa room..pag balik sa room nandon na naman yung representative ng isang club..binigyan lang ako ng form at umalis na..
kasali din daw si Ems sa club na yon..music club..nag vi violin kasi sya..tapos ako naman piano..nung mga bata kami nag du-duet kami..hehe..ang saya..atleast may kasama na ko pag may gawain sa club na yon..
>>bell rings
si Sir Ogie na yung teacher..as usual. tinanong kung sinong walang assignment..si Ems at Rhod naman yung nadali ng parusa ni Sir..
talent portion na naman to..pero this time...may sakit ata si sir..pick up-an daw..may pagka comedy naman ngayon ang team..dami naming tawa..
si Ems ang unang nag pick up..
>Sabi ni Peter Pan mag isip daw ako ng magandang bagay at lilipad ako.pero bakit ng inisip kita hindi ako lumipad..nahulog ako sayo..
tilian yung mga classmates ko..more pa daw..kinikilig ata..
>pede ba kitang abutin?pangarap kasi kita..
shocks..lakas ng karisma ni Ems..haha..1 last na daw sabi ni sir..
>Exchange gift tayo..akin ka.sayo ako..
natawa naman ako..ahaha..gumaganon na si Ems..kaya heartrob..
ok din si Sir..next na si Rhod..
anu kayang pick up nya?
magsasalita na sana si Rhod ng biglang...
'excuse me sir Ogie..pinapatawag po kayo ni madam Principal..-Ma'am Mayet..
ayan tuloy..di na tuloy ang pick up-an...binilinan kami ni Sir na wag magulo..may pina sagutan syang seat work samin...at umalis na..
ang kulit lang no?hehe..
yung iba naming classmate mukhang nagenjoy sa pick up-an kaya eto..ang ingay sa room..
>>dilim ka ba?kc ng dumating ka wala na kong ibang makita..
may lahi ka bang key board?type kasi kita.<<
>>Doctor ka na lang sana para masabi ko sayo lahat ng nararamdaman ko.
haha..ayos talaga si sir...ngayon uso na ang pick up-an..
ambilis ng oras..
>>bell rings....
lunch time na pala...
'san mo nakuha yung mga pick up lines mo'?tanong ko kay Ems.
ala lang daw..isip isip lang daw nya yun..
sayang..haha..ano ba sana ang pick up line mo Rhod?nabitin kasi..-sabi ni kanata
'oo nga pala?ano dapat yung ipi pick up mo?usisa ni Jaymie..
'wala..!'deretsong sagot ni Rhod..
'hmmmm..ganon ba?inaabangan ko pa naman yun..' sabi ni rina na mukhang desmaya
e di mag pick up-an na lang tayo..-yaya ni rhod
ge..ako na mauna..ihanda mo na yung pamatay pick up mo..- ani jaymie
JAYMIE'S PICK UP LINE
Pimple ka ba?kasi pag pinipilit kitang tanggalin nasasaktan ako..BOOm!!!
"ok yun wa..ako naman..haha..pimple pala wa.. " pang aasar ni kanata
KANATA'S PICK UP LINE
TEA ka ba? TEAnamaan kasi ako sayo..BOOM!!
my turn.. sabi ni rina
RINA'S PICK UP LINE
Kung gasolina ka, at pamasahe ako. Ikaw ang dahilan kung bakit nagmamahal ako..BOOM!!!
sabay tulak ni Jaymie kay Kanata..
ikaw na Miyo- sabi ni ems
hmmmm..eto lang yung naisip ko..
MIYO'S PICK UP LINE
Ako na ang nag iisang BOBO sa buhay mo..BOBO-O sa buhay mo..BOOM!!
haha..medyo natawa ko..di naman kasi ako nag pi pick up..narinig ko lang yun.
ikaw na Rhod.sabi ko..
'ok.'my turn..-sabi ni rhod.sabay hingang malalim..
medyo iba lang yung feeling kasi tumingin sya sakin tapos...
RHOD'S PICK UP LINE
pizza ka ba?kasi CRUST kita..
tas ayun..nagkakantyawan na..bago yun wa..pizza ka ba?
yun na yon?pamatay nga..-at nagtawanan na kami..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[A.N]hehe..PIZZA ka ba?mukhang nagpaparamdam na si Rhod na may crush sya kay Miyo..
thanks po pala sa mga nagbabasa..kala ko walang babasa nito..happy reading..
comments and suggestions po kayo pag may time..piling ko kasi sarili ko lang yung kausap ko dito..
thanks din po pala sa nag vote..<3

BINABASA MO ANG
BARKADA
Fiksi RemajaAng hirap bumuo ng mga bagong kaibigan dahil palipat lipat ka ng school dahil sa trabaho ng magulang mo.pero makalipas ang ilang taon magbabalik ka kung san nagsimula ang lahat.. yung mga kaibigan mo kaya dati ganon pa din kaya ang turing nila sayo...